Kabanata 32

55 1 0
                                    


Enjoy reading, my loves! Sarang! 💛

Kabanata XXII
Sallega

Mayroong nakaparadang wrangler matapos namin makalabas sa buhanginan. Maayos na kaparada ang wrangler sa kalsada. Mukhang mas malapit ang kalsada dito kumapara sa Re Veles.

Andoon ang isang matandang lalaki at binigay sa kaniya ang susi ng sasakyan. 

"Salamat, Manong." Pagpapasalamat ni Norien sa matanda. Tumango ang matanda at umalis na, matapos maibigay ang susi.

"Tara na?" Napamaang ako ng sandali at sumunod din sa kaniya.

"Alam mo dito?" Tanong ko sa kaniya habang nasa biyahe.

"Nope."

"Really? It seems na alam mo ang Re Sequeira."

"Ridiculous. You and your imaginations." I just shrugged and took to watch the beauty of Re Sequeira.

It took a couple of minutes and we stop.

"Asaan tayo?" I asked. He didn't answer me, instead, he open the door and go outside. Talking to a man.

I follow him and went outside. Sa tingin ko ay nasa bayan na kami ng Sequeira.

"Oh? Lumabas ka pa. Pasok na, aalis na tayo."

"Wait lang. Bili muna tayo ng pagkain, nagugutom din naman ako ah!" He sighed.

"Okay." Agad akong pumunta sa isang tindahan at bumili.

"Ito lang ba ineng?"

"Opo. Magkano po ba?"

"Trenta lang." Kumunot naman ang noo ko. Nilingon ko si Norien.

"What is trenta?" bulong ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya at kumuha ng one hundred sa wallet niya.

"Iyan na pang ang ibigay mo para kahkt magkano may sukli ka pa. O diba? Hindi halata na di mo alam. Pretend ka na lang na alam mo para hindi ka masabihan ng mangmang." Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang one hundred sa kamay niya.

"Ito po." Sinuklian niya naman ako ng seventy pesos. Oh! So, thirty pala ang trenta? Oh my! Ngayon ko lang knows!

"Oh my, Norien! Thirty pala ang trenta! Ang sukli kasi ni Ate ay seventy pesos."

"That's good. Ngayon hindi ka na mangmang."

"Duh! I'm not! And besides, what is mangmang? Hindi ko alam iyon! Basta hindi ako mangmang kahit ano pa iyang salita na iyan."

"Ang mangmang ay tamang tama pagdedescribe sa iyo, Auria." inirapan ko lang siya.

"Oh yeah! Whatever! Let's go na, Norien!"

We stopped on an old house.

"We're here na?" I asked.

"I hope so," he said. He went outside and ask the lady sweeping the dried leaves.

Sumunod naman ako kay Norien. Nilipat ng tingin sa akin ang matanda at napamaang ito ng nakita ako.

"A-Aurora.." Nalilito ako sa sinabi ng matanda. Ang mama ko ba ang binanggit niya? Kilala niya kaya ang mama ko?

"Hi po. Ako po si Auria Sallega-Perez. May gusto lamang po akong itanong. Taga-dito ho ba kayo?"

"S-Sallega... P-Perez...?"

"Kilala niyo ho ba ang mga magulang ko? May alam po ba kayo?" I don't know but I habe this feeling na may dapat akong malaman.

"Anak ka ni Aurora? Ang alaga ko? Na saan ang alaga ko?"

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon