Kabanata 33

45 1 0
                                    

Enjoy reading, my loves! Sarang! 💛

Kabanata XXXIII
In another life

Araw-araw ko siyang nakikita. Lagi na lang siya nakahubad. May damit naman siya, bakit hindi niya suotin?

Ipinilig ko ang aking ulo at pilit  kinalimutan siya.

Minsan nadadatnan ko siya kausap niya si Nila at ang iba pang empleyado ng resort. Take note, lahat mga babae ang kausap niya. Grabe. Grabe talaga.

Isang araw nadatnan ko na katawanan niya ang empleyado ko. Ha! Grabe naman. Grabe talaga.

Kahit saan ako nagpunta sa Re Veles ay siya na lang lagi ang bukambibig ng mga kakabaihan at siya na lang din ang lagi kong nakikita saan man ako magpunta. Ano ito? Sumpa? Grabe naman, oh!

"Goodmorning, Ma'am." Bati ni Lennox ng mapadaan ako papuntang office.

"Goodmorning." I replied. Pagkpasok ko ng office ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko na pansin na kanina ko pa pala pigil ang hininga.

Oh shit.

Nagpakalunod ako at dito na din namalagi na lang sa loob ng opisina at nanghingi na din ako ng trabaho kay kuya Cavil.

"Bakit ba kasi? Akala ko ba hindi ka maii-stress diyan?" Tanong niya ng magkausap kami sa Video Call.

Napailing ako sa kaniya.

"I'm good, kuya." I said.

"Weh? Di nga?" Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Yes, kuya. How about you? You good?"

"I'm good, Auria. Huwag kang mag-alala."

"By the way, how's my girls? They okay?"

"Yeah. Czerenea is okay."

"Czerenea? It's Yeonissa, right?" mukhang napilpilan siya sa sinabi ko at tumango na lang at nagkibit balikat.

"Oh, okay. I have to go, Kuya Cavs."

"Okay, bye sis. Love you."

"Love you, too Kuya Cavs." And the video call ended. Nakita ko naman si Nila sa hamba ng pintuan.

"Yes? May kailangan ba sa baba?" Umiling naman siya.

"Wala po, Madam. Yung pagkain niyo pa kasi andito na. Pinatapos ko lang po ang usap ng kausap niyo." Tumango ako.

"Okay." Inilapag naman niya ang pagkain sa isa pang table sa loob ng office ko.

"Madam, pwede po ba akong maagang umuwi ngayon?"

"Hm? Bakit? Mayroon ka bang sakit? May nangyari ba?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Agad naman siyang umiling.

"Ah.. Hindi naman po, Madam. Birthday ko po kasi ngayon at may handaan po sa bahay. Ang totoo po niyan ay gusto po ni nanay na maimbitahan po kayo. Pasasalamat niya daw po sa inyo."

"Pasasalamat? Wala naman..akong natandaan na ano man ang ginawa ko."

"Ah, hindi naman po, Madam. Gusto lang po kasi ni nanay na imbitahan ka at para na din po ay makilala ka niya. Ang laki po ng utang namin sa inyo. Kung hindi niyo po ako tinanggap ay baka hanggang ngayon po ay lubog pa rin po kami sa utang." Napangiti naman ako.

"Walang ano man iyon, Nila. Employee kita kaya responsibilidad ko kayo. Kung may problema man o may kailangan kayo ay huwag kayong mahihiyang humingi ng tulong sa akin. Tutulong ako sa abot ng makakaya ko."

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon