Kabanata 7

53 3 0
                                    


Kabanata VII
Dinner

Sa kanto na lang ako nagpababa kay Lennox. Pagpasok ko ng bahay ay nakasalubong ko si mama.

"Sino ang kasama mo pauwi? Si Lennox ba iyon?" Tinanaw ko din ang tinatanaw ni mama. Mukhang papaalis pa lang si Lennox 

"Kamusta ang araw mo?"

"Okay lang, mama."

"E si... Charrie? Maayos ba ang pakikisama niya sa inyo?"

"Okay lang naman. Sinama namin kanila Lennox pagkabreak, wala daw kasi siyang kasama. Naawa naman ako." Napailing na lang si mama.

"Kawawa nga siya kay Sonya e, nabuntunan ng kamalditahan ni Sonya."

"Basta, huwag mo siyang masyado pagkakatiwalaan. May naikwento ba siya sayo na kahit ano?" Napaisip naman ako sa sinabi ni mama.

"Wala naman. Nasabi niya lang na nagagwapuhan daw siya kay Lennox."

"Nililigawan ka ba ni Lennox?" Nabigla ako sa tanong ni mama. Hindi pa naman siya nanliligaw, hindi ba? Nagconfess lang siya sa akin 

"H-Hindi po."

"Basta kahit anong mangyari kung hindi ka masusundo ng papa mo ay kay Lennox ka na lang sumabay o edi kaya kay Sonya. Sa mga sumunod na linggo ay baka ako na rin ang susundo sa iyo pagkauwian."

"Bakit mama? Wala ka bang trabaho?" Napatigil sa pagsuklay ng aking buhok si mama 

"Wala na... Nagbreak muna ako sa showbiz, mga nakaraang araw ay masyado akong naabala at hindi na kita naasikaso." Tumango tango naman ako 

"E si papa, mama? Sa atin na po ba siya ulit titira?"

"Hindi."

"Bakit pa kailangan ni papa na umalis dito? Hindi na niya ba tayo mahal?"

"Auria, mahal ka ng papa mo. Mahal niya tayo."

"Kung mahal niya tayo bakit kailangan niya pa umalis? Bakit ganoon?"

"Auria

"Sorry po, mama." Muling hinaplos ang aking buhok.

"Sige na at magbihis ka na. Mayroon tayong family dinner kasama ang mga Farquar mamaya."

Malapit na kami mag-dinner pero hindi pa rin ako gumagalaw para magbihis. Nakahiga pa din sa kama, nakatunganga sa kisame.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko buong araw at tamad na tamad akong kumilos. Ano bang meron sa Charrie na iyon? Bakit ganoon na lang siya ka-close kanila papa at lola? Hindi naman nagkakalayo ang edad pero parang iba.

Imposible kayang alam ni Charrie kung sino iyong babae ni papa sa Cebu? Taga-cebu din siya, hindi malabo iyon. Dapat mas maging ka-close ko siya para malaman ko kung sino iyong babae ni papa. Malaman ko din kung saan sa Cebu ang babaeng iyon.

"Ms. Auria. Hinahanap na po kayo ng mamaya niyo."

" Sige po, yaya. Susunod na lang ho ako."

Pinulot ko na lang ang kung anong damit ang nakita ko at sinuot agad. Mas doble ang naging kilos ko para mapabilis ang lahat at makababa sa tamang oras.

"Why you took so long, Auria?"

"I'm sorry mama."

"It's okay, let's go." At nauna na siya.

"Where's papa, mama?" Napahinto siya sa paglalakad.

"Kasama si Charrie. Bilisan mo at ayaw kong ma-late sa dinner natin sa mga Farquar." At pinagpatuloy ang paglalakad papuntang sasakyan.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon