Kabanata 41

60 3 0
                                    


WARNING: SPG. READ RESPONSIBLY.


Kabanata XLI
Cafuné

Days after, nagising na din si Mama. Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil nagising na si Mama.

"Mama! Thank God, you're awake na! I'm worried! How's your feeling? You okay?" Luminga linga siya kaya napatayo ako ng ka-unti. Nakita ko na huminto ang kaniyang tingin sa aking gilid. Kay papa.

"A-A..rturo..." Mama whisper.

"Aurora.." Naiiyak na sambit ni papa at hinagkan si mama ng marahan, takot na baka masaktan si mama.

"Patawad, Aurora.. Patawad mahal ko." Nasa ganoon lang silang posisyon. Lumabas kami para makapag-usap sila ng pribrado.

Lumipas ang ilang buwan. Nagpapagaling na din si mama galing sa pagkaka-opera. Paminsan minsan dumadalaw si Papa sa bahay namin pero hindi na nagpakita pa kay Mama.

Unting-unti maging okay din si Mama.

"Huwag niyo na pong pilitin ang sarili ninyo. Ako na po ang bahala sa lahat."

"Salamat, anak." Aniya at nginitian ako. Ngumit ako pabalik.

"Bibisita si papa ngayon. Mas maganda po sana kung ayain natin si papa na kumakain dito ng hapunan." She nod.

"Ako na po ang bahala magluto mamaya."

"Patawad, anak." Natigila ako sa kaniyang sinabi. Hinarap ko si mama na naguguluhan.

"Bakit po?" Nag-aalala kong tanong. Tears pooled in her beautiful eyes.

"Alam kong yung mga panahon na iyon ay nahihirapan ka dahil sa sitwasyon natin. Hindi ko man lang naitanong kong may pinagdadaanan ka ba. I am such an evil. I'm bad mother. I-Ikaw ang umako ng lahat. Ikaw nag naging malakas para sa ating dalawa ng mg panahon na nahihirapan ako at may sakit. Patawad, anak." I hug her. Calming her.

"Magsisinungaling ako kung okay lang sa akin iyon. Magsisinungaling ako na hindi ako nasaktan sa paghihiwalay niyo ni papa. Ang totoo po niyan galit din po ako sa inyo." Humiwalay siya sa aking yakap at tiningnan niya ako. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil ito.

She nod at me. Pinapatuloy sa nais kong sabihin. I sighed.

"I know it's selfish for me to think it. Nagugustuhin ko na huwag niyo na lang po sana ginawa iyon  ang pumayag sa annulment papers. Alam ko pong nasasakatan kayo pero tinitibayan niyo lang po ang loob niyo para sa akin. Dati iniisip ko po na para sa inyo ang lahat ng ginagawa niyo. Na mahal na mahal niyo si papa kaya anging ganito. Sinisisi ko po si Daddy sa alaht ng nangyari at galit po ako sa inyo dahil pumayag ka sa kahibingan ni papa." Agad nagsipatakan at nag-unahan ang mha luha ko pumatak.

"Nagagalit ako sa inyo na hindi niyo man lang ako inisip. Bakit kayo nagdesisyon na hindi ako iniisip. Nasasaktan ako sa mga maling paratang nila sa inyo, maging si papa ay inakala kong ganoon din ang tingin sa inyo kaya nagaglit ako. Nagagalit ako dahil..." Mas lalong lumakaas ang pag-iyak ko.

"Dahil... Pakiramdam ko hindi normal ang buhay ko. Lagi akong kontrolado at nakasakal sa pangalang nakasunod sa akin. Gusto kong maging normal din at simple ang aking buhay. Gusto ko iyong buo at simple lang ang ating pamilya. Yung laging uuwi si papa sa bahay matapos aang trabaho, ang nanay na laging nasa bahay at inaalagaan ang anak at hinihintay ang asawa maka-uwi. Iyon ang laging kong hinanahangad. Ang normal na pamliya. Walang estadong pinapahalagahan. Walang pressures. Walang mga matang nakatingin sa akin. Tahimik lang at simple. Iyon lang ang naging gusto ko sa aking buhay." Tiningan ko si Mama at pinunasana ang kaniyang luha sa kaniyang pisnge.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon