Kabanata 2

82 4 0
                                        

Kabanata II

Hatid

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pinaunlakan ko ang imbistasyon ni Sonya kahit na hindi naman talaga ako para sa mga ganito. Gusto ko lang talaga magliwaliw at makita na din siya pero alam ko naman na dapat na tigilan ko na ang kahibangan ito. Ako lang kasi rin naman ang masasaktan sa huli, ang dehado sa aming dalawa. Wala siyang pakiealam sa akin kaya dapat ko na itong itatak sa aking isipan.

Nakakagulo sa totoo lang. Ang labo kasi niya. Hindi mabasa kung ano talaga ang totoo, o kung maniniwala ka nga ba talaga na totoo ang pinapakita niya. Mapanlinlang ang isang tulad niya

Nanghingi ako ng advice sa anak ni ate Rose na si Tinay para sa kung ano ang mas nababagay na suotin para sa pupuntahan naming ngayong gabi. Magkasing edad naman kami ni Tinay kaya madali lang para sa amin ang magkasundo sa mga iba't ibang bagay pero mas lamang lang siya pagdating sa mga abubot sa katawan at mga kolorete sa mukha, hindi iyon ang mga gawain ko.

Nang matapos niya ako lagyan ng kaunting kolorete sa mukha ay pinasuot niya ako itim na tube na kapares ng gray na pencil skirt at binagayan ng pink na jacket kapares ng boots na hindi naman gaano na kataasan ang taas nito. Lahat naman ng mga sapatos ko sa loob ay puro mga converse shoes, rubber shoes at mabibilang sa kamay ang mga boots ko at mga sandals. Lahat iyon ay bigay ni mama na babagay daw sa akin. Sabi naman ni Tinay na mas magandang ilugay ko na lang daw ang aking buhok dahil mas bagay daw ang maalon kong buhok sa aking suot.

Nagpaalam na ako kay mama na aalis kami ni Sonya kasama ang mga pinsan niya at uuwi na ng alas dose. Akala ko hindi pa ako papayagan dahil sa paalam ko pero pinayagan ako basta kasama ko si Sonya. Mamaya pa ang uwi niya kaya walang sasakyan at magmamaneho para sa akin kaya magpapasundo ako kay Sonya katulad ng napag-usapan namin.

Hindi sinabi ni Sonya sa akin pero alam ko na sa bar na ito ay andidito silang lahat, dito kalimitan tumutugtoh ang banda nila Lennox. Nafufrustrate ako sa kanya and the same time gusto ko siyang makita kaya andito ako kahit first time ko pa lang sa mga bar na katulad nito.

Umorder ng drinks si Sonya pero tumanggi ako sa alok niya at inorder na lang ay iced tea para sa akin. May banda na tumutugtog sa unahan at sunod na sila Lennox doon. Hindi ako mapakali dahil gusto ko na silang mapanood, ito ang kauna-unahang panonood ko sa kanilang banda na tutog sa madaming tao. Naririnig ko sa mga kaklase ko na kung gaano kagaling silang banda at gusto ko makita na ngayon sila.

Isang kanta na lang daw at sila Lennox na ang susunod. Nasa lamesa namin si Izaac at kuya Relando habang sila Jach at Lennox ay kasama ang mga babae nila ngayong gabi. Nakita ko sa di kalayuang lamesa ang grupo ngayon sinasamahan nila Jach at Lennox. Puro mga lalaki na kanyang kanya may mga babaeng nakalingkis sa kanila kabilang na sila Jach at Lennox. Kanina pa masama ang tingin ko sa banda nila at wala man lang nakakapansin sa mga tingin ko. Gusto kong pumunta sa lamesa nila at bugahan ng apoy ang babae pero naisip ko na masyado akong maganda para bumaba sa level na iyon.

Panay ang irap ko sa babae na sobra kung makalingkis kay Lennox. Ahas ka ghorl?

Masyado kang maganda para maghabol sa lalaki, hindi kawalan. Sabi ko sa aking sarili.

Kami ang magkatabi ni Izaac ngayon kaya kami lang nagkakausapn dalawa.

"Oh? What are you doing here? Dapat diba kasama kanila Lennox at Jach na may mga babae?" Napairap na lang ako sa huli kong nasabi.

He chuckled. "No, I'm not in the mood."

"Not in the mood? May mood pa lang ganoon? Bakit ba ang hilig niyo paglaruan ang damdamin ng mga babae? Nakakainis."

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon