Kabanata 25

46 2 0
                                    


Kabanata XXV
Necklace

Hindi lang sa Oklahoma, Chicago at Dallas ang pinuntahan namin. Nagpunta pa kami sa iba't ibang bansa pero hindi lang para sa mga construction site na mga ka-sosyo nila kundi sa ibang kompanya niya pa nila.

Nagmukha na din tuloy akong secretary kakasunod sa kaniya. Mukha naman sanay na si Larry, Secretary ni Lennox, sa mga ganitong lakad.

"Laging ganito ba ang lakad ng amo mo? Mga bansa?" Tanong ko sa kaniya.

"Minsan, Engineer Perez. Madalas naman sa site o sa opisina niya lang."

"Nako, Auria na lang ang tawag mo sa akin. Huwag na Engineer Perez, masiyadong pormal ka naman."

"Magagalit po ata si.. Sir Lennox."

"Hayaan mo iyang amo mo. Hindi naman iyan snob dati at masungit. Ngayon lang."

"Ngayon lang? Kilala mo na ba siya matagal na?"

"Oo, crush ko iyan dati. Umalis lang ako."

"Cr-in-ush back ka ba, Ma'am Auria?"

"A-Ahh.. Eh, oo."

"Sana all, Ma'am. Cr-in-ush back, ako kasi hindi, Ma'am, e. Saklap."

"Grabe, ang gwapo mo nga e tapos binasted ka lang? Kung ako iyon, grab opportunity na. Gwapings, masipag, mabait. O diba? Saan ka pa?"

"Hala, Ma'am. Hindi naman po ako mabait. Mas mabait pa po kayo."

"Charot ka, Larry ah?! Charoterns ka!"

"Anong pinag-uusapan niyo?" parehas kaming nagulat ni Larry sa baritonong tinig ni Lennox. Agad akong ngumisi ng hilaw.

"Ah, eh. Wala iyon! May kailangan ka ba, ssob?" Kununot ang noo niya.

"Ssob? What the hell is that?"

"Boss, baliktad no'n ssob. Boss, ssob. Ssob, boss. O diba? Ang galing ko, ano?"

"Imbento ka." Naiiling niyang sabi.

"Hoy! Millennial nga ako e! Ikaw, hindi mo alam kasi gurang ka na!"

"Ano? Ako? Gurang? What are you saying, Auria? Are you blind? Many girls says that I have a beautiful and young face. Ikaw lang ang nagsabi sa akin niyan. Ikaw ata ang gurang."

"Excuse me! I'm not! Duh!"

Nasa Barcelona kami ngayon. Ang sabi sa akin ni Larry ay aalis daw kami at pupuntang Barcelona, hindi ko naman alam na mayroon pala kaya nagmadali pa ako ng husto.

15: 22 na ngayon sa Barcelona at sa pilipinas naman ay 21: 22 ang oras. Kaya pala antok na antok na ako ngayon. Gusto ko matulog, siguro naman ay gigisingin na lang ako ni Larry kung aalis na.

Nagising ako sa kalabog ng pintuan. Isinirado ko kasi iyon bago matulog. 11 o'clock ng tiningnan ko sa orasan pero nakita ko sa bintana na may araw pa.

Shoot! Nasa Barcelona nga pala ako.

"Yes? Sorry, Larry. Nakatulog kasi ako. Aalis na ba tayo?"

"Kakain na kasi, Ma'am Auria. Natapos na din po ang lakad ni sir kaya okay na po. Kakain na lang po tayo."

"Huh? Ano?! A-Anong..."

"Halika na, Ma'am. Naghihintay na po si Sir Farquar sa baba." Nagpaalam naman ako na susunod na lang ako at mag-aayos muna.

Nagmumog lang ako tapos nag-retouch ng kaunti at inaayos ang buhok dahul nagulo sa pagkakatulog.

Hinanap ko naman ang sinabi sa akin ni Larry na kakainan namin. Mabuti na lang ay nakita ko ka-agad si Lennox.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon