Kabanata 28

49 1 0
                                    


Kabanata XXXVIII
Let's go home.

Matapos kami kumain sa karinderya. Nagturuan pa sila kung sino ang magbabayad, ang dami nilang sinusumbat sa isa't isa.

"Bakit ako? Ako na nagbayad noong huli. Alam niyo kung magkano ang nagastos ko sa inyong mga gago kayo? Twelve fucking thousand!" Galit na galit, gustong manakit na sabi ni Franco.

"Ang mura naman niyan, Franco. Mga gago ba kayo? Fifteen thousand ang nabayaran ko dahil wala man lang nagkusa sa inyo magbayad. Mga punyeta kayo!" Isa pa itong si Yzaac na galit na galit, gustong mangain.

"Ikaw? Gago ka ba?" Balik na tanong ni Ypres.

"Siyempre! Gago siya!" Sabi ni Claud sabay tawa niya.

"Ikaw lang! Baliw!" Sabi naman ni Kahil. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na naging bantay ko siya dati.

"Mga gago! Gago tayong lahat!" Sabi pa ni Claud. Sabay sabay naman nagsalita ang mga kaibigan niya.

"Ikaw lang. Gago!" Natawa lang siya. Ibang klase ang samahan nila. They are really dimwits.

Sa huli ay si Lennox na ang nagbayad dahil wala talagang magkukusang mag-bayad sa kanila. Panay asar naman ang mga kaibigan niya.

"Sus! Porque bebe niya andito, nanlilibre si tanga. Sana all!" Sabi naman ni Lancel.

"Shut up, Lancel." Suway naman ng kuya niya na si Vitus. Natawa lang si Kahil dahil napagalitan ang kapatid. Mga sira. Inambahan naman ng sapok ni Lancel si Kahil.

"Kuya, oh!" Sumbong ni Kahil.

"Isa ka pa. Parang mga bata." Sabi naman ni Vitus kay Kahil. Napasimangot si Kahil kaya si Lancel ay tuwang-tuwa dahil hindi lang siya.

"Ang strict pa din pala ng sweetheart Vitus ko."

"Shut up, Claud. Hindi ko talaga alam kung papaano mo natagalan ito ni Ypres si Claud."

"Syempre! Brokenhearted siya e! Ganoon talaga. Nagdadamayan lang ang mga brokenhearted." Sabi naman ni Claud pabalik sabay akbay kay Ypres.

"Babae pa!" Sabi naman ni Vitus.

"Wow! Kahiya sayo, V. Sino kaya ang nang-ibang bansa sa atin dahil sa babae?" Natatawang sabi ni Claud. Binato naman siya ng tissue ni Vitus.

"Wala ka lang talaga panama sa mga Rawr, Claud." Dagdag naman ni Lancel.

"Utot!"

Abala naman ako sa pagluto na french fries na binili namin ng napadaan kami sa alfamart malapit ng kami pauwi na. Pulutan daw kasi namin habang nanood kami ng KDrama. A World of Married naman ang panonoorin namin ngayon.

Unang episode palang tumataas na ang alteprasyon ko sa lalaki at sa magandang kabit niya. Jusme naman! Kung ganiyan ba naman kaganda ang kabit, nako na lang talaga.

"Why do people cheat?" I suddenly asked.

"Kasi they don't feel the love that they wanted?" Pabalik na tanong ni Lennox.

"They're not contented on their partner to be exact. Bakit hindi na lang nila hiwalayan? Nagkakasakitan lang naman sila."

"Cause they still love each other. Hindi lang siya nakuntento pero mahal niya. Hinanap niya sa iba ang kulang sa pagmamahal ng babae. Lust. Kahit na magloko pa sila, babalik at babalik pa din sila sa taong mahal nila dahil iyon ang dapat. Sa totoong dapat kung saan siya. Sabi nga nila, mahirap kalabanin ang first love. Coz' first love never dies."

"May anak silang dalawa. Hindi pa ba sapat na maging faithful na lang siya asawa niya na lang? Bakit hahanapin niya pa sa iba ang kakamot sa kakatihan niya? I don't understand. Kung mahal mo, mahal mo. Kung hindi na, hiwalayan mo. Simple as that. Hindi komplikado ang buhay. Ang tao ang nagpapakomplikado sa buhay nila."

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon