Kabanata XVI
Memories...Anim na taon na kaming dalawa lang ni mama. Nagpapagaling pa si mama sa sakit niyang cancer ng nalaman namin na may sakit siya sa puso.
Sobra na ang hiya ko sa pamilya nila tito Agusto bukod pa sa galit si mama sa kanila ay nagagawa pa nilang tulungan kami. Natuto akong maghanap buhay para sa aming dalawa.
Sinabay ko ang pag-aaral at ang pagmomodelo at ang trabaho ko sa kompanya nila tito Agusto. Nag-aaral pa ako ng masterals. Unting unti na lang ay makakamit ko na din ang pangarap kong maging engineer.
Dati si kuya Cavil ang nagpapa-aral sa akin pero ngayon na kumikita na ako at nakikita niya naman sa akin ay hinayaan niya na ako at tinutulungan na lang kapag nahihirapan na ako.
Malaki ang pasasalamat ko kanila tita Camil. Tinuruan niya akong magluto at gumawa ng mga gawaing bahay. Nahihiya nga ako dahil sa inaasal ni mama sa kaniyang kapatid. Hindi pa rin napapatawad ni mama si tito at nadamay si kuya Cavil.
"Hindi ko kailangan ang tulong ni Agusto! Kung magtatrabaho ako, magtatrabaho ako!"
Hindi ko na maintindihan si mama. Bakit hindi na lang siya maging thankful kasi tinutulungan kami ni tito. Lagi na lang kami nag-aaway ni mama dahil ayaw niya akong pinapatrabaho at siya daw ang magtatrabaho. Alam naman naming hindi pwede pero pinipilit niya pa din.
"Salamat sa tulong mo Agusto at makakaalis ka na. Babayaran na lang namin ang mga utang namin sa pamilya mo." Hinawakan ko ang balikat ni mama at pinipilit na patigilan na siya.
"Hindi iyon utang, Aurora. Kapatid kita kaya—"
"Makaka-alis ka na Agusto."
"Mama!" Inalis niya ang pagkakahawak ko at umalis.
"Sorry, tito." He smiled at me.
"Kilala ko ang kapatid ko, Auria. Ganiyan na siya simula pa nung bata pa kami. Hayaan mo na lang."
Isa ako sa mga empleyado ng kompanya nila tito. Dagdag din credentials sa page-engineer ko. Isa sa malaking kompanya ang kompanya nila tito sa buong bansa.
Sa mga nakalipas na panahon ay mas lalo akong natuto na maging matatag para sa amin ni mama. Wala na kaming balita sa pilipinas. Alam kong galit na galit na sa akin si Sonya dahil hindi ko siya nasabihan kung na saan ako.
Si Yeonissa ay alam dahil parehas lang kami ng ginagalawan sa industriya, isa sa mga mabilis na sumikat sa larangan ng pagmomodelo si Yeonissa.
"Grabe, Auria! Ito ba talaga ang epekto ng Australia? Gumanda ka! Bagay sayo ang tan! Morenang morena! And ghorl! The short hair really suits on you!" I rolled my eyes.
"Pero sayang ang mahaba mong buhok. Nakakapanghinayang!"
"Lumipas na ang mahabang panahon at hindi ka pa rin nagbabago. Same Yeon." I boredly said. Pinaningkitan niya ako ng mata.
"At ikaw! Ang daming bago sayong bruha ka! Mukhang...palaban na ah? Palaban ka ghorl?" Parehas kaming natawa.
Ilang minuto din kaming naka-usap bago ako nagpaalam.
"I have to go, Yeon. May shoot pa ako ngayon."
"Oh? Is that so? Sama ako!" Nagtaas ako ng kilay.
"Wala kang lakad?" She boredly sighed and sipped on her juice and she stand up.
"Waley. Tara na, baka ma-late ka pa." And she cling on my arm. Umiling iling lang ako.
"Wow! May kotse ka na din? Iba ka na, bigtime!" At tumawa siya. Masaya niyang hinihimas ang aking kotse bago pumasok.
BINABASA MO ANG
Love Of Dusk
Romance| C O M P L E T E D | BEAU SERIES #1: Auria Thaira, the daughter of famous actress and a soldier. The granddaughter of former senator and beauty queen. She hates her life, she needed to be well woman, having an etiquette at kung ano pang kahinahinan...