Kabanata 1

153 2 0
                                    

Kabanata I
Crush

Iyon na ang huling pagkikita namin ni Lennox. Kapwa naging busy kami ni Sonya sa aming pag-aaral at sa sarili naming mga booth bawat department.

Medicine ang kinuha ni Sonya para sa kanyang pagkokolehiyo, ako naman ay business management, sila Ben, Izaac, Jach at Lennox ay kapwa mga engineering ang kinuha at si kuya Relando naman ay kakatapos lang ng pagkokolehiyo.

Third year pa lang kami ni Sonya, while Jach at Lennox ay gagraduate na sila this year.

Madalas kaming magkita at magkasalubong ni Lennox at ako naman ay pilit siyang nilalayuan at tinataguan. Aaminin ko, medyo sumama ang loob ko sa nalaman. Mas gusto niya pala ang mama ko kaysa sa akin and he even compare me to my mom. How dare he! He called me a geek. That douche!

Nakakasama namin siya madalas sa tropa dahil nga magkakaibigan sila Sonya, Ben, Izaac, Jach at kuya Relando. Kilala ko naman silang lahat at nakakausap pero mas close ko pa din maliban kay Sonya ay si Ben at Izaac. Lagi kong kausap si Izaac, nagtatanong kung ano ang ginagawa nila sa engineering.

Gustong gusto ko talaga mag engineer kaso ayaw ni mama dahila ng kukunin ko daw ay business management. Um-oo na lang ako dahil iyon ang gusto ni mama at lola. Atsaka, worth it naman iyon dahil para din naman sa akin iyong kinabukasan. Iyon ang negosyo namin kaya wala akong magagwa at kaisa isang apo lang ako nila lolo at lola na magmamana ng kanilang buong kompanya at iba iba pang ari-arian.

Mahal na mahal ni mama si papa pero may ibang gusto si papa. Hindi na nagsasama pa sila mama at papa at hindi alam nila lolo at lola iyon. Wala si papa lagi sa bahay dahil andoon siya sa kanyang kabit. Iyan ang tawag ni Sonya sa babae ni papa, ang first love  ni papa simula noon pa man.

Mahirap kalabanin ang first love. Kaya si mama walang magawa at hinayaan na lang si papa sa guato niyang mangyari. Parang ako pa ang naging dahilan ng paghindi pagpapakasal ni papa sa babae niya dahil mas gusto ni lola si mama para kay papa. May iniingtan na reputaayon ang bawat isa kaya hindi sila makapagdivorce dahil parehas nilang alam na agad kakalat ang issue. Mas pinoprotektahan pa ni papa ang babae niya kaysa sa kaming pamilya niya.

Ang dating daddy's girl ay nawala na. Matagal ng alam ni mama na ganoon ang nangyayari pero pinilit niyang magbulag-bulagan para lang mapanatilihin niyang buo ang pamilya namin pero hindi din nagtagal. Ang hinahangad na maganda at buong pamilya ay naglaho na lang bigla.

"Auria, honey ko..." Tawag niya sa akin na pakanta. Napa-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ano iyon Sonya?"

"Sama ka? Punta tayo sa may malapit na coffee shop dito. Bigla kasi ako nagcrave ng kape e."

"Sige pero sandali lang tayo ah? Madami pa akong ginagawa dito Sonya."

"E kung gusto mo doon mo na lang gawin iyang mga ginagawa mo mas maganda doon at makakapag gawa ka pa ng maayos." Ano pa nga ba ang magagawa ko? Si Sonya na iyan e.

"Okay fine." nagliwanag naman ang mukha niya.

Habang papalabas kami ay laging nakatuon lang ang kanyang atensyon sa kanyang telepono. May ka-text o edi kaya minsan ay tumatawag. Natigil siya ng tanungin ko kung saan ba banda dahil siya lang naman ang nakakaalam kung saan ang sinasabi niyang coffee shop.

Pagkapasok namin ay agad siyang lumingon lingon sa paligid na animo'y may hinahanap. Nagtataka man ngubit binalewala ko na lang.

Nagorder na lang ako ng inumin namin at makakain. Tinanong ko si Sonya, ang sabi naman niya ay kung ano ang sa akin ay ganoon na lang din daw sa kanya.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon