Kabanata 22

52 1 0
                                        


Kabanata XXII
Pagkain

Ilang linggo pa lang ako dito at abala pa din. Nagkaroon kasi ng unting aberya sa Quezon dahil sa mga materyales na hindi napagkasunduan. Agad nagpatawag ng meeting dahil sa nangyari, and this is my first time na magpatawag ng meeting ng aming team.

Mababait naman siguro sila, diba? Kinakabahan ako.

Pinag-usapan lang ang mga gagamitin na materyales para masimulan na ang konstruksiyon pero hindi ko pa nakikilala ang kung kanino itong patatayuan namin. Ang presidente namin hindi ko kilala.

Binulungan ko si Arman na naging silbing sekretarya ko pansamantala habang si Alicia ay may tinatapos na dokumento sa San Diego.

"Nasaan diyan ang presidente?"

"Madam, ang kanang kamay niya lang ang narito ngayon dahil may ginawang importante si Sir Farquar."

Ako ay nagulantang sa narinig.

"U-Ulitin mo nga ang sinasabi mo."

"Alin ho doon?"

"Sinong F-Farquar?"

"Lennox, Madam. Lennox Ashiel Farquar.

Napatingin ako sa isang babae na kung bakit maging pamilyar siya sa akin. Ang babaeng architect.

"Sino iyong kanang...kamay ni Mr. Farquar?"

"Si Sir Lancel Francisco, Madam." napatingin ako sa mga taong naka-upo sa unahan. "Wala po si Sir Lancel, male-late daw ho."

Ito ang sinasabi sa akin ni kuya na malaking proyekto nila. Kami ang trabahador sa kanilang kompanya. Si Lennox ang boss namin, ang boss ko. Siya ang presidente.

Biglang bumukas ang pintuan at naroon si Lennox na kasama si Lancel. Agad na nagtama ang aming tingin ni Lennox bago ko nilipat ang tingin kay Lancel dahil sa hindi ko na nakaya ang kaniyang mga tingin.

"President," ani nila at tumayo, agad din akong tumayo di malaman ang gagawin.

"Don't mind me. Just proceed." Agad naman tumango ang engineer namin at pinagpatuloy ang pagpaliwanang.

"It is better if we used that materials, it is bigger project this time. We can't just decided impromptu and make a mistake." The woman stated.

"I agree with that, Ma'am. As my team said, we better to changed better materials for the safety of our consumers. As you say, Ma'am it is bigger project, we can't take a risk for that supposed materials."

The President spoke. "Just report to me the budget and I need the documents, Engineer Perez."

"Yes, P-President."

"That's all? Meeting adjourned." Lahat nagkaniyang kaniyang tayuan at labas. "To my office, Engineer Perez."

Nagulat ako sa sinabi niya. Perez daw, ako iyon diba?

Pero, bakit? Bakit niya ako pinapatawag?

Ibinigay sa akin ni Arman ang dokumento pati na din ang budget for the project.

Nasa tabi ko naman ang lalaking sekretarya niya na nagpaiwan para daw samahan ako sa opisina ni Engineer Farquar.

Oo nga naman, bakit hindi ako naging pamilyar sa kompanya nila Engineer Farquar.

Pagkarating namin sa opisina ni Engineer Farquar ay naabutan ko si Lennary na kasama ang ina na kausap ni Engineer Farquar.

"Ate... Auria." Nabigla din ako sa kanilang presensiya.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon