Kabanata 37

62 3 0
                                        

WARNING: SPG. READ RESPONSIBLY.

Kabanata XXXVII
Nothing change

Dalawan buwan ang lumipas. Hindi na muling nagpakita pa sa akin si Lennox pero dinig ko na nasa Isla Re Nevarez pa din siya pero hindi na siya nangingisda dahil pabalik balik daw ito sa Maynila.

Madami din chismis na karelasyon niya daw si Macaria. Napa-irap ako sa chismis nila. Ang chismis ay mananatiling chismis. Sinabi ni Lennox na mahal niya pa din ako at hindi kung sino kaya ako pa din at ako lang.

Like what I said, I'll take what is mine.

Dumating si Alicia.

"Kamusta ang Masbate? Maayos ba si Mama doon?" I ask while not looking at her.

"About Madam Aurora.. Ahm.." My brows furrowed. She sighed.

"Nalaman namin na nasa Maynila si Madam Aurora kasama ang sekretarya niya."

"What? Kailan pa?"

"Two weeks ago. Babalik na din sila bukas sa Masbate para asikasuhin."

"Okay. Thank you, Alicia. You may go."

"Yes, Ma'am."

Nang matapos na ako ay agad akong nagligpit ng mga gamit ko. Hinayaan ako ni Kuya na makialam sa kaso ko. Naisara na ang kasong iyon pero dahil sa sinabi ni Lennox na ang totoong salarin ay nakatakas pa at pagala-gala ay mas minabuti na ni Kuya  ang paghahanap.

Gabi-gabi ay binabangungot ako ng gabing iyon. Lagi akong hindi na kakatulog sa gabi ng maibalik na naman iyon sa sistema ko. Akala ko, okay na ako. Akala ko, kaya ko na. Hindi pa pala.

Malaki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko na andito pa din sa tabi ko. Hindi man nila alam ang nangyari sa akin but soon, sasabihin ko sa kanila kung kailan handa na ako. Even my Mom knows nothing, just Kuya Cavil knows.

"H-Huwag! N-Nakiki-usap ako. Parang-awa niyo na." Nanginginig kong wika ngunit tinawanan lang nila ako. Maging ang mga tawa nila ay nagbigay na kilabot sa aking katawan.

"H-Huwag!" Sinumulan nila akong hinubadan ng aking saplot. Wala akong nagawa kundi ang ngumawa at magmaka-awa na huwag nilang gawin.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!" Ngunit ang mga tawa lang nila ang nanaiig sa aking tenga.

"Tigilan niyo ako parang awa niyo na." Nanginginig na ang buo kong katawan. Ngunit bago pa man ay may nakita na akong lalaki sa kalayuan.

"Auria!" He called. I cried loud.

"Tulungan mo ako! Parang awa mo na! Tulungan mo ako!" Naiiyak kong paki-usap.

Ganoon na lang ang ginhawa at saya ko ng mawala na ang mga taong gustong halayin ako.

"It's okay. I'm here. I'm sorry, Auria. I'm late. I'm sorry." his voice is familiar with me.

"I'm sorry..." Agad akong napabalikwas at hinihingal na bumangon.

Isang panaginip.

"Auria? Are you okay?" Sonya asked.

"May bad dreams ka na naman ba?" Yeon asked. Binigyan ako ni Sonya ng tubig habang si Yeon ay hinahagod-hagod ang likuran ko.

Agad nanuot sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Sabay kaming napatingin sa bintanang nakabukas. Kumunot ang noo ni Yeonissa.

"Nakasarado iyan ang pagkakatanda ko." Yeon said. Tumayo naman si Sonya at tiningnan ang labas bago isarado.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon