Kabanata 34

50 1 0
                                    

Kabanata XXXIV
Heartbeat

Nagising ako na mainit ang buo kong katawan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Kailangan kong uminom ng gamot pero bago iyan ay kailangan kong kumain muna para magkaroon ng laman ng tiyan ko bago ako uminom ng gamot.

Gusto ko man may magluto para sa akin pero masiyadong malayo ang bahay ko sa resort. Ngayon ko lang din nalaman na wala ng baterya ang aking telepono kaya sinaksak ko iyon.

Nanginginig na ako at nalaglag ko pa ang kutsilyo at muntikan ng mapuruhan ang paa ko. Nanginginig kong pinulot iyon at pinilit na makapag-luto. Naantok na ako kaya nakatulog ako.

Nagising ako ng makaramdam ng tinding init. Nakita kong nasusunog ang kusina ko. Oo nga pala ang stove! Agad akong kumuha ng balde at buong lakas kong binuhat iyon. Hinanap ko ang fire distinguisher pero wala akong nakita.

Nakakita naman ako ng hose kaya kinabit ko ito sa gripo na malapit lang ang banyo sa kusina ko kaya pinaulanan ko ang apoy. Panay na din ang ubo ko dahil sa usok ng apoy.

Sumisikip na ang dibdib ko at hindi na ako makahinga. Nagsumikap akong mapatay ang apoy pero hindi na kinaya ng katawan ko ang panghihina. Bumagsak ang aking katawan kasabay ng pagbagsak ng hose sa aking kamay.

Wala akong magawa kundi titigan lang ang apoy at hayaan na pati ako ay kainin na din nito. Sa huling sandali ay nakayanan ko pang magsalita.

"T-Tul-long... M-May n-nak-karin-nig ba sa a-akin....T-Tulungan ninyo a-ako. P-Pakiusap... Ayaw k-ko p-pang mamatay." Ngunit imbes na sigaw ay bulong na lang ng namutawi sa aking bibig.

Hindi pupwede ang ganito. Hindi dapat ako sumuko ng ganito na lang.

Pinilit kong makatayo kahit na nanginginig ang buong katawan ko at kinuha ang hose.

Biglang bumukas ang pinto ko kasaby ng pagbagsak ko muli sa sahig.

"Auria! Auria!" Sigaw ng taong nasa harap ko. Hindi ko man siya masiyadong maaninang ang mukha pero laki na ang pasasalamat ko sa kaniya.

Nakita kong kumuha siya ng madaming tubig sa banyo at kinuha na din ang hose. Kumuha siya ng blanket at nilublob ito sa tubig at hinagis sa apoy.

"S-Salamat." Tangi kong na sabi bago ako nawalan ng malay.

"Auria!"

Unti unti akong nagising at pinakiramdaman ang sarili. Anong nangyari? Na saan ako?

Naramdaman ko na mas okay na ako kumpara kanina sa akin pakiramdam.

Nang tuluyan ng naging malinaw ang akin paningin ay tiningnan ko ang paligid para matukoy kung na saan ako.

"Madam! Gising na po kayo! Maraming salamat sa Diyos." Nakita ko si Nila na nasa tabi ko. Lumapit naman si Alicia.

"Mabuti naman at gising ka na." Sabi niya.

"Mabuti na lang po ay nakita kayo ni Alicia at natulungan po kayo. Patawad, Madam. Dapat lang po ako matanggal dahil sa kapabayaan ko." Naiiyak na sabi ni Nila.

"O-Okay lang ako, Nila. Okay na ako."

"Ako po ang may kasalanan, Madam. Kung mayroon lang po sanang fire distinguisher doon ay mas madali pong mapatay ang apoy."

"Hindi kasi kayo nag-iingat. Ikaw ang punong tagapag-pamahala ng Resort at kasama sa trabaho mo na pangalagaan ang kapakanan ng tao. Mag-isip ka sa susunod."

"Tama na, Alicia. Walang kasalanan si Nila."

"Patawad po talaga, Madam."

"Okay na, Nila. Ako ang may kasalanan dahil pinilit ko pa din magluto. Delikado na nga." Natawa na lang ako dahil sa nangyari. Hindi biro ang nangyari ngayong araw. Muntikan na akong mamatay.

Love Of Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon