Kabanata V
PapaNagpatuloy kami sa ganoong posisyon. Halos nakayakap na ako sa kaniya. Sa mabagal na ritmo, sinasabayan ang ritmo ng kanta.
Ayokong masira ang gabing ito. Isa ito sa mga pangarap ko na di ko aakalain na mangyayari ngayon.
"Where's your phone?" He asked. Nagtataka man ay binigay ko pa din.
"It's still early for your curfew. Mapapanood mo pa ba akong kumanta?" Tumango ako. He smiles.
"Good. Come here. Let's take picture."
Natapos ang dalawang kanta. Nagpaalam sa akin si Lennox na aalis muna siya dahil kakanta na siya. Hindi pa rin bumaba si Shunyie kaya siguro magdu-duet sila.
Aamin ko na maganda ang boses ni Shunyie Escueta. Malambing bagay sa boses na malamig ni Lennox. Pero mas bagay sa akin si Lennox, ano man ang mangyari.
Madaming nagsayawan pero hindi na ako nakipagsayaw pa sa iba. Si Sonya naman ay nakipagsayaw na ata sa iba dahil pagkahatid sa akin ni Lennox sa aming lamesa ay wala na si Sonya.
Tahimik lang ako nanonood kanila Lennox. Huling kanta na nila ito at wala na si Shunyie sa huling kakantahin nila. Lagi kaming nagkakatinginan ni Lennox. He smiled at me when he noticed I am looking at him. He smiled too.
Masyado akong naaliw sa kanta nila at hindi namamalayan na nasa tabi ko na pala si Shunyie Escueta.
"Auria, right?" Tumango ako. Tumingin ako sa harapan kung nasaan sila Lennox. Tumingin rin siya.
"Ano bang meron sa inyo ni Lennox? Bakit ganoon na lang siya sa iyo?" napatingin ako sa kaniya at siya nasa harapan pa din ang tingin.
"Bakit ganoon na lang iyon? Bakit na balewala na lang ako ng ganoon? Umalis lang ako saglit at may umaaligid na kay Lennox?" humarap siya sa akin. Sobrang talim ng tingin niya sa akin.
"Sino ka ba? Hindi ka naman maganda katulad ko. Sino ka bang malandi ka?"
"Hindi ako malandi! Hindi ko naman kasalanan na mas maganda ako sayo!" Gosh! Did I really say that? Thanks to the alcohol.
"What did you say?!" Hindi na ako umimik. Takot na baka awayin niya ako.
"Remember this, bitch. Lennox is mine. Only mine!" And she storm out of my sight.
Natapos na silang tumugtog at dumiretso silang backstage. Masyadong malayo ang backstage para puntahan pa sila at i-congratulate atsaka masakit na ang paa ko dahil sa heels.
Ilang oras na ang lumipas ay bumalik na din si Sonya.
"Uuwi ka na ba? Sasabay ka ba sa akin?" Tanong sa akin ni Sonya. Tiningnan ko ang phone ko kung anong oras na.
"Hindi pa." Baka ihatid din ako ni Lennox.
"Kung ganoon? Aantayin pa ba kita o mauuna na ako?" tumingin muna ako sa may backstage.
"Mauna ka na."
"May maghahatid ba sa iyo pauwi?" Tumango na lang ako.
"O sige. Mauna na ako. Bye, babe." She kissed my cheeks at umalis na.
Ilang minuto pa ang lumipas at tumabi naman sa akin si Yeonissa.
"Nakita ko iyong naghatid sa iyo kanina. Ang pogi! Jowa mo?" Tanong niya. Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"H-Hindi."
"Hindi? Hmm. So, pwede ko palang jowain? Ay bet ko iyon!" She chuckled.
"Lasing ka na, Yeon." tumingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Of Dusk
Romance| C O M P L E T E D | BEAU SERIES #1: Auria Thaira, the daughter of famous actress and a soldier. The granddaughter of former senator and beauty queen. She hates her life, she needed to be well woman, having an etiquette at kung ano pang kahinahinan...