Chapter 1

314 15 0
                                    

Nakatunganga ako habang papasok si Kobe—-ay este, Sir Kobe. Ang gwapo niya talagaaaaaa.

Nakatupi yung white long sleeves niya hanggang siko. Black na pants at tsaka brown boots. So f*cking hot!

"Good morning Sir Kobe!" Bati ng classmates ko.
"Good morning my Kobe!" Malakas kong bati. Napatingin naman sakin lahat ng kaklase ko pati na rin si my loves hihi.

"Take your seat." Tikhim niya. 'Di niya ako sinita. Improving huh?

Nagsiupuan na silang lahat sa kanya kanya nilang upuan, maliban sa'kin na nakatayo parin hanggang ngayon.

"I said, take your seat Ms.Buenavista." Kunot noong sabi ni Sir, habang matamang nakatingin sa'kin. Palihim akong napahagikhik. Kinikilig akoooooo.

"Sure. In your lap Sir?" I teased. Mas lalo namang naglapit yung makapal niyang kilay.

"MS.BUENAVISTA!"

"Heto naaaaa! Uupo na, joke lang Sir e." Pigil ang ngiting sabi ko sabay upo. Umuusok na butas ng ilong ni my loves HAHAHHA!

Naiiling niyang inilapag yung librong hawak niya, tsaka siya nagsimulang magdiscuss.

"Our topic today is about Chemistry." Panimula ni Sir.

Hindi ko na nasundan yung ibang sinasabi ni Kobe dahil nakatulala nalang talaga ako sakanya. Kung pa'no gumalaw yung manipis niyang mga labi na may natural na pula. Masarap kaya humalik si Sir? Matry nga minsan hihihi.

"Are you listening?"

"Yes Sir!"

Yung dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi, na lumalalim tuwing may sasalita siya. Na siyang nagpadagdag sa kagwapuhan niya—-

"Ms.Buenavista! Are you listening?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya saken.

"S-sir?" Utal kong sabi.

"Are you listening?" Kunot noong tanong niya. Napalunok ako.

"Opo naman sir!" Kinakabahan kong sagot.

"If you are listening, then what is chemistry?" Taas kilay niyang tanong.

Taas noo naman akong tumayo.

"Chemistry is kung pinagsama tayong dalawa. May Chemistry." Confident kong sagot.

Nagtawanan naman yung ibang kaklase ko.

"Ms. Buenavista umayos ka. Ibabagsak kita." Seryosong sabi ni Sir. Napanguso ako.

"Matagal na akong bagsak sayo Sir." Nakangiting sagot ko.

Napa 'Whoa!' naman ang buong klase. Mas lalong umitim ang awra ni Sir Kobe. Uh-oh.

"Get out—-

"Sir naman, joke lang!" Bawi ko. Si my loves naman masyadong seryoso.

"What is Chemistry?" Ulit niyang tanong. Mahinahon lang yung pagkakatanong pero may diin yung bawat letra.

Tumikhim ako bago sumagot.

"Chemistry is the study of matter, its properties, how and why substances combine or separate to form other substances, and how substances interact with energy. Many people think of chemists as being white-coated scientists mixing strange liquids in a laboratory, but the truth is we are all chemists." Derederetsong sagot ko. Nagpalakpakan naman ang buong klase.

Natatawa akong nagbow sa upuan ko, sabay kaway kaway.

"Thank you! Thank you!" Natatawa kong sabi.

"That's all for today, goodbye." Paalam ni Sir tsaka derederetsong lumabas. Hmp! Suplado! Mamaya ka saken!

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon