Anong ginagawa niya dito sa bahay namin?!
Napatayo si Daddy at sinalubong ako ng yakap. Nanatili ang kaba sa dibdib ko.
Ano 'to Psyche?! Put yourself together!
Gulat lang ako. Oo, ganun nga.
"Hi Sweetheart." Sabi ni Ddy at iginiya niya ako patungo sa sofa!
Parang nakalutang ako sa paglalakad ko. Naramdaman kong nakatingin siya sa'kin. Ano ba Psyche? Gumanti ka ng tingin! Wala na nga 'di ba? 'Di ba?
Inangat ko ang tingin ko at sinalubong ko ang tingin niya. Ganyan nga Psy.
Tumangkad siya. Mas lalong nadepina yung panga, ilong at labi niya. In short, mas lalo siyang gumwapo—-pake hanap pake ko.
"Anak, This is Engineer Kobe Lavins. Siya ang Engineer natin ngayon sa pinapatayong negosyo." Ani Daddy. W-what? Engineer? Siya? 'Di ba Teacher siya? Anong nangyari?
Napaangat ako ng tingin sakanya. Mataman siyang nakatingin sa'kin. His intense eyes! Walang emosyon ang kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin. Nanlalamig ako.
Inilahad ko ang kamay ko at pormal na nagpakilala.
"Nice to meet you Mr. I am Psyche Buenavista." Ani ko. Tinignan niya muna ang nakalahad kong kamay tsaka niya ito tinanggap na pinagsisihan ko rin sa huli. Parang may dumaang kuryente sa pagitan ng mga kamay namin na nanalaytay sa buong katawan ko. Parang napapaso kong binawi ang kamay ko at inilagay ko sa likod ko.
"Uhm, akyat na po muna ako Daddy. Pagod po ako sa byahe." Paalam ko kay Daddy at walang lingon lingong likod kong tinahak ang daan paakyat sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay napasandal ako sa pinto pagkasara ko. Napabuga ako ng hangin.
"Bakit pinabulaan agad ang sinabi ko nung nakaraan? Hindi ko nga siya nakita pagkababa ko sa eroplano, nakita ko naman siya pag kaapak ko sa pinto ng bahay ko.Tsk" Ano nga ulit pake ko? Wala.
Nagulat lang ako kanina, kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Makita mo ba naman ang taong hindi mo inaasahang makita e.
*bzzzzt! bzzzzt!*
Napatingin ako sa cellphone ko. Nagtext si Kuya.
Kuya:
Magaling ba ang pinili kong Engineer, Architect Buenavista? ;>Huh?
Napamulagat ako nang may marealize ako. Pakana niya 'tooooo!
KUYAAAAAA! HUMANDA KA SAKEN PAGKAKITA KO SAYOOO! TITIRISIN KITA NG BUHAY!