Chapter 32

226 13 0
                                    

"Nope, you're wrong. Nandito ako ngayon sa harap mo, para bawiin ang dating akin."

Napatawa ako

"Dating sayo? Kelan pa ako naging sayo, Kobe?" Seryoso kong ani. Tumingin siya ng seryoso sa'kin. Ang lalim ng mga mata niya. Nakakapanghina.

Humarap siya sa'kin habang deretso akong tinitigan sa mga mata. Anooooo!

" Simula no'ng may naramdaman ka sa'kin Psyche, akin ka na." Marahan niya ani sabay dila ng kanyang mga labi. Fudge! Ang hot—-tss!

" Ang kapal ng mukha mong sabihin sa'kin 'yan! Samantalang pinaglalaruan mo lang naman ang feelings ko noon!" Tiim bagang kong ani. Kumunot ang noo niya.
Lumapit siya sa'kin.

"Kailan matatapos ang issue mong 'to sa'kin ha? Kailan ka maniniwala sa mga sinasabi ko? Kailan ka maniniwalang hindi kita niloko o pinaglaruan? T*ngina naman Psyche! Hindi pa ba halata no'n sayo yung nararamdaman ko? Hindi pa ba obvious sayo na ikaw ang babaeng mahal ko, Kahit hindi pwedeng maging tayo noon? Hindi pa ba obvious sa mga dampi ng labi ko sa mga labi mo ang labis labis na pagmamahal ko sayo? Ano? Sabihin mo, baby.... kulang pa ba? Hindi pa ba sapat lahat lahat ng 'to hmm? Kung gusto mo, bukas na bukas din, magpakasal tayo at sabihin mo sa'kin sa harap ko kung hindi pa ba ako seryoso sayo." Tuloy tuloy niyang ani sabay kabig sa bewang ko at hinila niya ako palapit para sa isang yakap. Ibinaon niya sa leeg ko yung mukha niya. D*mn! Nakikiliti ako sa hininga niyang tumatama sa balat ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga sinabi niya. Feeling ko din pilit parin sumisiksik sa isipan ko ang mga binitiwan niyang salita. Basta! Kinikilig ako ngayon. Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to. Nakalimutan ko na tuloy kung bakit ako nagagalit sakanya. Kung saan nanggagaling ang galit ko sakanya! Ano 'to Psyche? Umamin lang siya, bumigay ka na agad? Marupok ka na agad?! Pambihira!

Hindi ko kayang itago ang ngiting gustong kumawala sa aking mga labi. Shemayyyy

Nag-angat siya ng tingin sa'kin at pinagdikit ang aming noo.

"Please, Baby.. give me a chance this time. This time, hindi ko na pipigilan ang nararamdaman ko siya. This time, ipaparamdam ko na sayo kung gaano ka kahalga sa'kin. Kaya ngayong pwede na tayo, ang kailangan ko nalang hintayin ay ang matamis mong 'Oo' para matawag na kitang pag-aari ko."

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon