Pagkatapos ng usapan namin ay tumahimik kami. Walang nangahas na magsalita sa'min. Pinakikiramdaman ang isa't isa. Humupa na rin ang luha ko. Parang may natanggal ring nakadagan sa puso ko.
"Psyche." Tawag niya sa'kin at hinawakan yung kamay ko. Hinila ko ito palayo. Ngumuso naman siya.
"Ano? Hanggang ngayon, hindi ka parin naniniwala sa'kin?" Kunot noong sabi niya. Inirapan ko siya. Tumahimik ka, nag-iisip ako.
"Magbihis ka at pupuntahan natin si Lia para maniwala ka." Nakanguso niyang sabi.
"So?" Taas kilay ko. Napahilamos naman siya ng mukha gamit ang mga palad niya. Umiwas ako ng tingin. Bakit ba kahit anong gawin niya ay ang gwapo niya parin sa paningin ko?
"Baby, please... magbati na tayo." Pagsusumamo niya. Pinipigilan ko ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Ayoko na sakanya! Pero bakit kasalungat na kasalungat ang kinikilos ng katawan ko?! Psyche, namannnn! Put yourself together.
Ayaw mo na di ba? Jusq, manindigan ka naman!"Kobe, please... ayoko na." Labas sa ilong na sabi ko. Kumunot naman yung noo niya.
"Anong ayaw mo na? Nagsisimula palang tayo, baby. Suko ka na?" Malungkot niyang sabi. Napabuntong hininga ako. Sana gano'n lang kadali 'yon Kobe.
"Madami na ang nangyari—-
"May iba na ba?" Putol niya sa sinasabi ko. Napasinghap ako. Naghahanap ng tamang salita.
"Hindi sa gano'n—-
" 'Wag kang magsinungaling Psyche. Alam ko, nararamdaman ko. Ako pa rin ang nilalaman niyan." Marahan niyang sabi sabay turo sa dibdib ko.
Napailing ako.
"Hindi. Nagakakamali ka—-"Kung gano'n, sabihin mo 'yan sa'kin habang nakatingin sa mga mata ko." Hamon niya sa'kin sabay angat ng baba ko para magpantay ang mga mata namin pero iniwas ko ang mata ko.
"See? Ni hindi mo kayang tignan ako sa mga mata." May kasiyahang sabi niya. May nagwawala sa loob ng tiyan ko.
"Ayaw kong manligaw ka." Deretso kong sabi. Napatingin siya sa'kin.
"Baby, hindi ko hinihingi ang pahintulot mo. Sa pumayag ka man o hindi. Manliligaw ako." Seryoso niyang sabi. Napagakagat labi ako. Tumambol ng malakas ang puso ko. Bakit ka ba ganyan?!
" Ayoko nga! Anong magagawa mo?!" Irap ko sakanya. Hinuli niya ang ang mga mata ko.
" E sa gusto ko nga. Anong magagawa mo?" Balik niya sa'kin habang nakakagat labi. D*mn!
![](https://img.wattpad.com/cover/213262573-288-k236364.jpg)