Chapter 10

239 14 2
                                    

Busangot na busangot yung mukha ko ngayon. Zero ba naman ako sa Pre-Calculus! Late lang naman ako ng 5 minutes e! Kainis namannn! Pa'no na ako? Pa'no na si Bebe loves ko? Pa'no na yung future namin?! Nakakainis talaga 'yong kalbong panot na 'yon :< Sana karmahin ka!

Last subject ko na ngayon at si Kobe ko ang subject teacher. I miss him naaaaa! Kailangan kong makita siya para mawala pagkainis ko. At dahil nga wala ako sa mode, doon ako sa pinakadulo umupo at kuntodo simangot ako do'n.

Mga Ilang minuto pa ay pumasok na si Sir. He's wearing a white long sleeve at nakatupi ito hanggang siko niya. Ang gwapo niya parin pambihira. Nagsimula na namang magwala ang mga kulisap sa tiyan ko.

Bago umupo sa harap si Sir, ay pinasadahan muna niya ng tingin ang buong klase habang naka kunot ang noo. Para ba itong may hinahanap. Nang magtama ang mga mata namin ay bahagyang umaliwalas yung mukha niya tsaka siya tumikhim at umiwas ng tingin. Nanginig yung tuhod ko.

What was that?!

"Kindly prepare your ballpens and you have a long quiz." Declara ni Sir. May umangal pa sa klase dahil wala daw nakapagreview. Oo nga naman! Bakit ngayon pa? Kung kailan wala ako sa mode e, tss pambihira!

Ipinasa na ni Sir yung mga test paper sa harap at sinabing ipasa raw ito palikod. Bumalik siya sa kanyang upuan sa harap at may kung ano anong sinusulat. Mas lalo tuloy akong napasimangot. Ano nang iisagot ko ngayon dito?!

Antagal naman nung papel!

Kinalabit ko si Tristan at tinanong kung nasa'n na yung test paper.

"Oh wala pa ba sayo? Wala nang papel dito e." Marahang sabi niya. Napakunot noo naman ako. Bakit wala? Nagsasagot na lahat ng mga kaklase ko. Ano ba 'yannnnn.

Nagtaas ako ng kamay at tinawag 'yong atensyon ni Sir.

"Yes Ms. Buenavista?" Seryosong tanong niya. Ang sexy talaga ng bises shet!

"Uhm, Sir kulang po ng test paper." Sabi ko.

Akma sana akong tatayo at pumunta sa harap, pero siya na ang naglakad palapit sa'kin dala yung papel. Yieeeeee special service HAHAHAHA!

Tumigil siya sa tapat ng upuan ko at nagsalita.

"Answer it correctly." Seryosong sabi niya sabay lapag nung papel tsaka siya naglakad palayo.

O-kay.

Sinulat ko muna yung pangalan ko, tsaka ko binasa 'yong tanong.

1. Why are you sad?

H-huh? Ano 'to?  Bakit ganitoooo? Mali atang papel 'yong binigay ni Sir.

Tumingin ako sa harap at naabutan ko siyang deretso ang tingin sa'kin at pinagtaasan niya ako ng kilay. Amputekkkkk!

Sasabihin ko na sana pero nagdesisyon akong 'wag nalang. Sinagutan ko nalang yung nando'n. Bahala siya kung mali yung sinagutan ko. Ba't kase niya hindi tinitignang mabuti? -__-

2.Why are you not in your proper seat?

Tinignan ko pa ulit yung susunod.

3. At diyan pa talaga sa likod ni Mr. Arevalo? Are you two have something?

W-what?! Hindi siya nagkamali ng binigayyyyy. Para sa'kin talaga ang tanong na'toooo! Napatingin ulit ako sakanya at naabutan ko siyang nakasimangot habang nilalaro yung ballpen niya.

4. You don't eat your lunch? Why?

Amputek kinikilig akooooo! Nanginginig ang kamay kong sinagutan 'yon. Shemay! What are you doing to me Mr. Lavins?

5. Sagutin mo'ko nang maayos, Okay?

Hindi ko na sinagutan 'yong pang lima. Daming alaaaaam!

Pagkatapos magsagot ng mga kaklase ko ay nagsilabasan na silang lahat. Ako at si Sir nalang 'yong naiwan. Nagligpit na ako ng gamit ko tsaka ako naglakad papunta sa harap.

"Oh." Nilahad ko yung papel sa harap niya. Tinanggap naman niya ito at binasa. Humalukipkip ako sa harap niya.

"Bakit 'di mo sinagutan yung pang lima?" Kunot noong tanong niya.

Napakagat labi naman ako. Nagpipigil ng ngiti. Makita ko lang mukha niya, ayos na ulit ako. Hayst.

"Bakit? Nanliligaw ka ba?" Nakangising tanong ko. Mas lalo namang nagtagpo yung mga kilay niya. Sana ol nagtatagpo amp! Sana tayo din bebe loves hihihi.

"Umalis ka na nga!" Bulyaw niya saken. Ngumuso ako.

" 'Pagnandito ako, pinapaalis mo'ko. Tapos 'pag wala ako, hinahanap hanap mo'ko. Alam mo? Hanggulo mo." Inirapan ko naman siya. Tumayo siya at dinungaw ako. Hmmm bango hihihi.

" Edi 'wag kang mawawala sa paningin ko para hindi kita hanapin."

Takteeeee! Pinatitibok  mo ng kay bilis ang puso koooo!

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon