Chapter 33

224 8 0
                                    

After that day, araw araw na akong nakakatanggap ng mga text galing kay Kobe. Gabi gabi din niya akong tinatawagan kahit hindi ako nagsasalita. He sings for me. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung number ko. Hindi ko man kayang aminin, I knew that I'm happy. Hindi ko na kailangang dayain ang sarili ko. That's what I feel. Natatakot lang akong sumubok ulit. You can't blame me. At ngayon, tatlong araw na akong naghihintay sa mga text niya. Bigla nalang siyang hindi nagparamdam. I hate myself for craving with his presence!

"Ba't ka na naman nandito?" Taas kilay kong tanong sakanya. Umupo siya sa tabi ko, na halos lamok e hindi na makakadaan sa pagkakadikit namin. Ano ba 'yan!

"I miss you." Ani niya tsaka niya ako hinila at hinalikan sa noo. Dali dali akong lumayo sakanya.

" 'Wag kang umastang okay tayo!" 'Tinulak ko siya palayo. Humalakhak naman siya at hinila ulit ako palapit.

"Come on, Psy! Hindi mo ba ako namiss?" Nakasimangot niyang sabi. Arg! Sarap kurutin yung nguso.

"Hindi." Irap ko sakanya. Tumaas yung sulok ng labi niya. Whaaaat?!

"Really, baby?" Nangingiti niyang ani sabay lapit ng ilong niya sa pisngi ko. Sh*t ka Engr!

"Really. Lumayo ka nga!" Nilayo ko yung mukha ko sakanya. Ngumuso siya pero hindi rin napigilan ang pagngiti.

"Bakit ibang iba naman ang nakikita ko sa mga mata mo?" Taas kilay niyang ani habang may nakasupil na ngiti sa labi.

"Ba't nagparamdam ka pa? Pagkatapos ng tatlong araw na hindi mo pagpaparamdam—-

"You missed me." Final niyang sabi. That's not a question, it's a statement. I rolled my eyes.

"I'm not!" Pagsusungit ko. Tinawanan niya lang ako.

"What's funny?!" Salubong ang kilay kong tanong sakanya.

"Haha nothing. Ang ganda mo 'pag naiinis at nagagalit ka. Mas lalo akong nahuhulog." Kagat labing sabi niya. Uminit yung pisngi ko. Ba't ba ang gwapo mo?! Brr kagigil.

" 'Wag kang bolero." Irap ko sakanya. Mas hinila naman niya ako palapit. Ano bang problema niyaaa?

"Ano ba, Kobe! Anlapit na nga natin o!" Naiinis kong sabi. Hinawakan naman niya ako sa bewang para hindi makawala. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko, mula sa kamay niya. Sh*t!

"That's not enough,baby. I want you closer. Kung pwede lang kitang kandungin e, why not?" Taas kilay niyang sabi. Mas lalo tuloy akong pinamulahan ng pisngi. Kainis!

"Tumigil ka nga!" Sinapak ko siya sa braso. Napahalakhak siya. My heart skipped a beat.

"Can I kiss you?" Malamlam ang matang tanong niya. Napatayo na ako sa sobrang pag-iinit ng mukha sa mga sinasabi niyaaaa! Hindi man lang nahiya amp!

"Bakit ka hahalik? Tayo na ba? Duhhhh! Hindi pa kita sinasagot!" Halukipkip ko. Huli na nang marealize ko yung sinabi ko. Tumayo siya at lumapit sa'kin.

"Come again, baby? Anong sabi mo? Na? Pa? Ano 'yon? May balak kang sagutin ako? Bakit hindi pa ngayon?" Nakangiti niyang sabi habang humahakbang palapit sa'kin. Bago pa siya makalapit ay kumaripas na ako ng takbo paakyat sa kwarto ko.

"Tse!"

"Hahahaha ang cute mo!" Sigaw niya pa bago ko maisara yung pinto.

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon