Chapter 24

269 13 3
                                    

Pagkatapos ng  encounter namin kanina sa kusina ay hindi na muli akong lumabas sa kwarto ko.

Nagi-sketch ako ng bahay na gusto kong ipatayo,pero maya't maya akong napapatulala. Someone is bugging—-what? Something is bugging me.

Iginala ko ang mata ko sa aking buong kwarto. I miss my room! Itinabi ko sa mesa yung ginuguhit ko at pabagsak akong nahiga sa kama.

Pagkatapos ng limang taon ay ngayon ko lang ulit siya nakita. At unang una ng araw pa talaga ng pag-uwi ko! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? I wonder kung kasal na ba sila ni Ma'am Lia at may sarili nang pamilya. Parang may bumara sa lalamunan ko. Kung ganon, bakit niya ako hinalikan?! D*mn him! Kung naloko niya ako noon, hinding hindi na niya mauulit pa 'yon. I'm already get over him! May Kealton na ako, unti unti ko nang nagugustuhan si Ton-Ton! Akala niya, ako pa rin yung dating Psyche na mabibilog niya? Akala niya, ako parin yung Psycheng gustong gusto ang halik niya? Akala niya, ako parin yung Psyche na laging kinukulit siya? Akala niya, Ako pa rin yung Psyche na umaasa sa mga may motibong salita niya? Pwes! Hindi siya nagkamali—- nagkakamali siya!

Siguro nga noon, hindi niya gusto ang mga mas bata sakanya at hanggang ngayon! Oh why are you so sounds disappointed Psyche? Hmp! Pakealam ko naman? Kahit pakasalan niya lahat ng matatanda, pake ko? Tss, walang taste!

Nang maggabi ay napagdesisyonan kong pumunta sa 7/11. Lalakarin ko lang. Malapit lang naman ito sa bahay namin. Para makapagpahangin na rin.

Kinuha ko yung cellphone at wallet ko tsaka ako lumabas ng kwarto. I am wearing hoodies and track pants. Pinaresan ko ito ng white rubber shoes.

Pagkapasok ko ay kumuha ako ng ice cream tsaka ako humanap ng pwesto. Doon ko sa gilid natipuhang umupo.

I choose chocolate flavor. My favorite. Binuksan ko yung cup at sinimulan nang kainin yung binili ko. I am in the middle of eating when my phone vibrated.

Kiel:
Naka uwi ka na?

Oh, I forgot to text him.

Ako:
Yup, I'm here at 7/11.

Kiel:
Aw, who are you with?

Kinagat ko yung kutsara tsaka ako nagtipa ng irereply sakanya.

Ako:
No one. Can you join me here?

I miss this man.

Kiel:
I would love to! But I'm here at Tagaytay :< Uhmm, maybe next time? I miss you che-che.

Napatawa ako sa nickname niya sa'kin. Amp! Ano 'yon?

Che-che? Do you love me? HAHAHAHA LOL.

Pagkatapos ng palitan namin ng mensahe ay ibababa ko na sana yung cellphone ko, nang may magsalita sa harap ko.

"Can I seat here?" Baritonong boses na ani niya. Napatingin ako sa ibang mesa na walang tao. Bakit dito pa? Andami namang ibang table diyan ah!

"No—-

Bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay napakunot noo ako sa taong nasa harap ko.

"What are you doing here?" Malamig kong tanong. Kulang nalang ay irapan ko siya.

"Bakit? Sayo ba 'tong 7/11?" Pabalang niyang sagot. Pigilan niyo'ko, pigilan niyo'ko! Masasapak ko'to! -___-

"Bawal dito sa mesa ko, may kasama ako—-

Bago ko pa ulit masabi ang gusto kong sabihin ay umupo na siya sa harap ko. Whf? Ang kapal ng mukha!

"Ang kapal din naman talaga ng mukha mo e 'no?! Lumayas ka diyan! May kasama ako, actually parating na siya." Naiirita kong sabi. Wala naman talaga akong kasama, sinabi ko lang 'yon para hindi siya umupo dito pero matigas ang ulo ng isang 'to!

Parang wala siyang naririnig at sumusubo lang siya ng binili niyang ice cream—- tss, gaya gaya.

"Wala akong pake kung may kasama ka. Ang importante, ako ang unang umupo dito." Seryoso niyang sabi habang hindi nag-aangat ng tingin. Mabulunan ka sana.

"Nakareserved na 'yan para sakanya!" Pagsusungit ko.

Inangat niya yung tingin niya sa'kin.

"So?"

So so hin mo mukha mo!

"Kobe umalis ka nga!" Pagtataboy ko sakanya. Nanlalaki naman yung mga mata niyang napaangat ng tingin sa'kin. Napaawang ang mga labi ko. My heart beating so fast.

"I miss your voice. I miss you calling me by my name." Malamlam ang mga mata niyang sabi. Para akong nanghihina sa mga sinabi niya. Why are you saying this, by the way?!

"I don't care of whom you miss." Matabang kong sabi sabay iwas ng tingin. Dahan dahan niyang inangat yung kamay niya at ipinatong ito sa kamay ko. Dali dali ko itong binawi nang maramdaman kong may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

"Stop doing that!" Nanlalaki ang mga matang bulyaw ko sakanya.

"What? Did I giving you the same effect as mine, Psyche?" Seryoso niyang tanong sa'kin. Kumalabog bigla yung dibdib ko.

"Don't call me Psyche. We're not close." Malamig kong sabi sabay tayo. Nawalan na ako ng gana.

Bago pa ako makalayo sakanya ay narinig ko pa ang sinabi niya, na nakapagpatigil ng hininga ko in a seconds.

"Hintayin mong maging close tayo. Hindi na lang Psyche ang itatawag ko sayo, kundi asawa ko."

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon