Pagpasok niya sa Cr ay tumayo naman ako para maglibot sa office niya. Gaano na kaya siya katagal nagt-trabo dito? Lumapit ako sa table niya at hinawakan yung naka ukit niyang pangalan sa harap ng mesa niya. 'Engineer Kobe Lavins' napangiti ako. Anlayo na ng narating niya. Noon professor lang siya, ngayon Engineer na. Kulay puti ang theme ng office niya, so plain. Wala manlang kadesign design amp.
"Ba't ka nandiyan?" Napatalon ako sa gulat nang may bumulong sa tenga ko. Wth?!
Sinapak ko tuloy yung dibdib niya.
"Mamamatay ako sa gulat sayo!" Sapo sapo ang dibdib kong sabi. Himalakhak siya."Hmmm?" Mas lalo niyang inilapit yung mukha niya sa'kin. Napaharap tuloy ako sakanya at pilit itinutulak pero hindi gumagana.
"Lumayo ka nga!" Hinampas ko siya sa braso. Napataas kilay siya.
"Not going to happen." Marahan niyang ani. Pinakatitigan niya ako sa mga mata. Ang bilis ng tahip ng puso ko. I wonder kung naririnig niya 'to? D*mn!
"Mr. Lavins, ano ba! Baka makita ka ng girlfriend mo!" Irap ko sakanya at itinulak ulit siya. His brows shot up.
"Hmm?" Mas lalo niyang inilapit yung mukha niya sa'kin. Tinakpan ko tuloy yung mukha ko ng dalawang palad ko. Hinuli naman niya yung dalawang kamay ko at ibinaba.
"Let me see you blushing,baby." Malamlam ang matang sabi niya. Potek ka Kobe!
Mas lalo tuloy uminit yung magkabilang pisngi ko.
"Stop it, baka makita ka ng girlfriend—-
Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang mabilis niyang dinampian ng halik yung labi ko. My eyes widened. My knees turned into jelly.
"Stop saying that I have a girlfriend, unless...sasagutin mo na ako ngayon." Bulong niya sa mga labi ko. Parang nawalan ako ng lakas at matutumba na sana ako kung hindi niya lang ako nahawakan sa bewang. Gosh!
Inangat ko yung tingin ko sakanya at nagkunwaring wala lang sa'kin yung sinabi niya.
"Stop fooling around,Kobe." Seryoso kong sabi at itinulak ko siya palayo, this time ay nakawala na ako.
"Who said that I'm fooling around then?" Seryoso niyang ani. His lips form a straight line. Iniwas ko yung tingin ko.
"Walang dapat magsabi. Malay mo naman 'di ba? Gawain mo naman 'yan dati pa." Walang preno preno kong sabi. Bakit? Totoo naman ah?
"Dati pa? Really, Psyche?" Malalim ang boses niyang ani. He sounds so pissed.
"Really,Kobe." Hamon ko sakanya. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Naglakad siya palapit sa'kin. Hindi ako umatras o ano. Hinintay ko lang siya hanggang sa makalapit.
"Kailan kita niloko?" Iritado niyang tanong. Dinungaw niya ako.
"Hindi ko na kailangang sabihin pa." Mahina kong sabi. Nagpapasalamat ako at hindi ako nautal.
"Hindi mo masabi, kase wala hindi naman talaga! Kung niloko kita, kung hindi totoo lahat ng pinakita ko sayo noon, bakit nasa harap mo'ko ngayon? Hmmm?" Mas lalo siya yumuko at pinagpantay ang mukha namin. Kulang nalang ay maduling ako sa lapit ng mukha niya! Napalunok ako.
"P-Para lokohin ulit ako?" Fudge! Napakurot ako sa mga daliri ko sa pagkabasag ng boses ko.
Tumayo siya ng deretso at naglakad palapitf sa mesa niya.
"Nope, you're wrong. Nandito ako ngayon sa harap mo, para bawiin ang dating akin."
![](https://img.wattpad.com/cover/213262573-288-k236364.jpg)