Chapter 21

230 13 0
                                    

Mauuna na ngayong uuwi si Daddy dahil kikitain pa raw niya yung Engineer ng pinapagawang restaurant sa Pilipinas. Bukas naman kami ni Mommy uuwi.

"Take care Dad" Sabi ko.

"I will Princess" sagot naman niya sabay halik sa noo ko.

"Ingat kayo bukas ng Mommy mo ha? Ako na ang susundo sainyo bukas sa airport." Sabi ni Daddy. Lumapit siya kay Mommy at yumakap.

"Take care Love" Nakangusong sabi ni Mommy sabay yakap kay Daddy. Napahalakhak naman si Daddy.

"I will miss you." Nakangusong sabi ni Mommy. Yucks hahahaha! Isang gabi lang kayong 'di magtatabi Mommyyyy!

"I will gonna miss you too hon. O, sige na tinatawag na ang flight ko." Sabi ni Daddy at hinalikan ang noo ni Mommy.

Nandito ako ngayon sa kwarto, kausap ko si Kiel sa video call! Nagtatampo parin siya hanggang ngayon sa pag-alis ko nang hindi nagpapaalam. Yun lang naman kase ang way ko para wala nang makakapigil sa'king pag-alis.

"How are you woman?" Seryosong tanong niya. Nasa kwarto niya siya ngayon dahil kita sa background niya.

"Heto tao parin, haha ikaw?" Natatawang sagot ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Gumwapo si Kiel. Mas nagiging kamukha na niya ang kuya niya. Musta na kaya siya?

" 'Wag mo'kong mapilo-pilosopo babae. Baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa'kin!" Kunot noong sabi niya. Nag make face nlang ako.

"Wala pa atang tawag na hindi mo sa'kin sinisingil ang atraso ka sayo 'no?" Inirapan ko siya.

"E, sa naiinis ako! Pake mo?" Nakataas kilay niyang sabi.

"Mukha mo! Natitiis mo talaga ako e 'no?" Nakangusong sabi ko. Humalakhak naman ito. Baliw!

Pagkatapos ng tawag namin ay natulog na ako. Kailangan kong kumuha ng lakas para sa pagbyahe bukas.

"Ingat ka do'n ha?" Pang ilang beses nang sinasabi 'yan ni Kealton habang nakanguso.

"Oo na nga!" Nakukulitang sagot ko.

"Sama na nga kasi akooo!" Naka ngusong sabi niya.

"Tsaka na 'pag ano.." Nawawalan ako ng sasabihinnn.

" Kailan 'yang ano na 'yan?" Nakangusong tanong niya.

Natatawa kong pinitik yung nguso niya.

"Itigil mo nga 'yan! Para kang bata" Natatawang sabi ko.

"Basta mag-ingat ka do'n! 'Wag kang tatanga tanga!" Nawawalan na ng pag-asang sabi niya.

"Grabe ka namang maka tanga diyan!" Sinapak ko siya sa braso. Natawa tuloy siya. Sa wakas! Hahahha!

"O, sige na. Hinihintay na ako ni Mommy" ani ko at kinuha sakanya yung maleta ko.

"Come here." Sabi niya

Bago pa ako makalapit ay nahila na niya ako at mahigpit na niyakap.

"Mamimiss kita Prinsesa ko." Mahinang sabi niya tsaka niya ako hinalikan sa sintido. Napaka sweet talaga ng lalaking 'to.

"Mamimiss din kita. Sana sa susunod nating pagkikita, may ipapakilala ka nang babae sa'kin ha?" Natatawa kong sabi.

Kumalas naman siya sa'kin ng yakap at sinamaan ako ng tingin.

"Alam mo namang sayo lang ako nababaliw 'di ba?" Seryoso niyang sabi.

Napailing nalang ako.

"Oo na po! Sige na, alis na ako."
Bago pa ako makatalikod ay nakita ko pang nagpahid siya ng luha. Haha bakla!

"Mommy nasa'n na daw si Daddy?" Tanong ko kay Mommy. Nasa NAIA na kami at hinihintay nalang ang susundo sa'min.

"Kausap raw ng Daddy mo yung Engineer sa bahay, kaya si Mang Berto ang susundo sa'tin ngayon." Ani Mommy. Sakto namang pumarada sa harap namin yung kotse ni Daddy. Lumabas si Mang Berto at kinuha yung mga bagahe namin at inilagay sa likod.

Pinagbuksan niya kami ni Mommy ng pinto sa likod bago siya pumunta sa driver seat.

Habang tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay ay nakatingin lang ako sa bintana ng kotse. Ang ganda ng mga tanawin. I miss it here!

"Nandito na po tayo Ma'am." Sabi ni Mang Berto at pinagbuksan kami ng pinto. Dahan dahan akong  lumabas ng kotse at tinanaw ang bahay namin. It's good to be back!

Habang naglalakad kami ni Mommy patungo sa pinto ng bahay ay napansin kong naiwan ko yung pouch ko sa kotse kaya binalikan ko ito. Nauna na din si Mommy papasok. Sumunod si Mang Berto habang hila hila yung mga maleta namin.

Kinakalkal ko yung pouch ko habang papasok ng pinto. Hinahanap ko yung cellphone ko. Pagkakita ko ay inangat ko na yung tingin ko.

"We're homeeeeeeeeee—-

Naputol yung sasabihin ko nang magtama ang mga mata namin ng taong nasa sala ngayon kasama si Daddy.

Dumagundong bigla yung dibdib ko. Why is that Psyche?

Anong ginagawa niya dito sa bahay namin?!

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon