Tulala akong umuwi sa hapong 'yon. Gusto niya na rin ba akooo?
What did he mean by thattt?
'Pake ko naman sakanila?! Ikaw ba sila ha?! Now get out of my room. Baka hindi ako makapagtimpi'
'Pake ko naman sakanila?! Ikaw ba sila ha?! Now get out of my room. Baka hindi ako makapagtimpi'
'Pake ko naman sakanila?! Ikaw ba sila ha?! Now get out of my room. Baka hindi ako makapagtimpi'
"Arrrrrgggg! Gusto ata akong baliwin ng bebe loves kong 'yon!" Bumangon ako at bababa sana ako sa sala nang makasalubong ko si Mame.
"O, anak. Nandiyan sa baba si Kiel." Sabi sa'kin ni Mame. W-what?
Dali dali akong bumaba ng hagdan at pumunta sa sala. Naabutan ko nga si Kiel Lavins sa sala. Umiinom siya ng juice habang nakatalikod sa'ken. Yes, He's a Lavins. In short, kapatid siya ng Kobeng ko. Nakababatang kapatid. 1 year ahead siya sa'kin and batch mate ko rin. He's one of my friend in school.
"O, Kiel! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya sabay tapik sa balikat niya ng malakas. Napaigik naman siya. Weak!
"Arte ha?! Hahaha para kang babae amp." Pang-aasar ko sabay agaw ng remote sakanya.
"Ansakit kaya! Tigasin ka naman kase, para kang hindi babae!" Nakanguso niyang sabi. Nyenyenye!
"Mukha mo!" Binato ko siya ng unan at nasapol siya sa mukha. HAHAHAHA!
"Ang brutal mo tang*na ka! Nandito ako para sunduin ka. Birthday kase ngayon ni Mommy at gusto ka niyang makita." Nakakamot batok niyang sabi sabay sandal sa couch.
Nakilala ko na ang mama nila no'ng sinama ako minsan ni Kiel sa bahay nila at ang jolly ng Mommy nila. Nirereto pa nga ako sa Kiel na'to amp! Buti sana kung sa panganay nila ako nirereto! Bagay daw kami amputek!
"Ha? Ngayon na? Bakit ngayon mo lang sinabi? Wala tuloy akong regalo!" Nakanguso kong sabi.
"'Wag ka na magdala ng regalo! Basta pumunta ka, ayos na 'yon sakanya." Sabi naman nito.
Napatango naman ako tsaka ako umakyat ulit sa kwarto ko at nagbihis. Yieeeeeee! Makikita ko na naman ang bebe loves kooooo! Wait for me babyyyy!
Nang dumating kami sa bahay nila ay andaming tao. I'm wearing a black dress above the knee. Ayos na'to.
Pagpasok namin sa loob ay hinanap agad ng mata ko si Kobe.
Asa'n kaya 'yon? Luminga linga pa ako sa iba pero hindi ko siya makita.
"Let's go to the garden." Sabi ni Kiel sabay hila sa kamay ko.
Malawak ang garden nila at may malaking pool dito. Andaming tao, kilala kasi ang pamilya nila. Isa din sila sa pinakamayaman dito sa Pilipinas. Mga ilang lakad pa namin nang maaninag namin yung table ng Mommy nila at nando'n si Kobe....katawanan si Ma'am Lia.
Napaiwas ako ng tingin. Bakit kung sa iba, ang saya saya niya. Tapos 'pag ako ang kaharap niya, hindi manlang niya magawang ngumiti.
Hila hila parin ako ni Kiel hanggang sa makarating kami sa table nila.
"Oh Psyche hija, It's good to see you here!" Nakangiting sabi ni Tita sabay lapit sa'kin at bumeso.
"Happy Birthday Tita! Pasensya na po at wala akong nadalang regalo." Paumanhin ko. Humalakhak naman ang ginang at sinabing ayos lang. Ang importante daw ay ang nakapunta ako. Napatango nalang ako at ngumiti.
Bumaling ako kay bebe loves at nagtama ang mga mata namin, pero ibinaba niya yung tingin niya sa kamay kong hawak parin ni Kiel. Heck! Bigla ko tuloy nahila yung kamay ko. Narinig ko naman siyang nag 'tss' at tsaka umiling. Ibinalik niya yung atensyon niya kay haLIAparot at ngumiti. Hmp! 'Kala mo naman makakalusot ka?! No!
Lumapit ako kay Sir Kobe.
"Hi Sir! It's good to see you!" Masayang bati ko at akmang bebeso pero bumaling siya, kaya sa labi niya tumama yung mga labi koooooo! Napatigil tuloy yung mga tao sa table. Fudge! Pumula ng bahagya yung mga pisngi ko! Nahihiya ako—-pero mas nangingibabaw yung kilig na nararamdaman koooooo! Anlambot ng mga labi niyaaaaaaa!
Tumingin ako sakanya. Seryoso lang itong nakatingin sa'kin na parang walang nangyari. Amp!
"Ms. Buenavista hindi tama yung ginawa mo." Matigas niyang sabi na nakapagpatahimik sa table na 'yon.
"Hindi ko sinasadya! Bumaling ka, kaya sa labi mo tumama!" Umirap ako.
Panagutan mo'ko Sir! Humanda ka!
Palihim akong napahawak sa labi ko at napangiti. Kailan kaya ulit mauulit 'yon?