"Psyche, Smile!" Pangungulit sa'kin ni Kealton, sabay tutok sa'kin ng camera niya.
"Stop it Ton!" Pilit kong tinatakpan yung mukha ko. Ang kulit!
Nandito kami ngayon sa park. It's been 5 years since umalis ako sa Pilipinas. And this is my last year as a college student. Ilang buwan nalang, gagraduate na ako! Magiging Architect na'ko finallyyy! I'm so excited! Yieeeeeeee!
"At anong nginingiti ngiti mo diyan?" Humalukipkip si Kealton sa harap ko. He's my friend, then becomes a suitor. He's also a Filipino, nag migrate lang sila dito sa America. Naging kaklase ko siya in 5 years, he's also taking an Architect.
Sa una, ayoko sakanya. Napaka mahangin niya, mayabang at pilyo din siya. Ayoko pa naman sa lahat ng 'yon. Kabaliktaran siya ni Kobe, pero habang tumatagal, napapalapit narin ako sakanya. Nang magtapat siya ng nararamdaman sa'kin 2 years ago at sinabing liligawan niya ako, todo tanggi talaga ako. Sinabi kong ayokong pumasok sa isang relasyon at sinabi kong priority ko ang pag-aaral ko. Kaya lang, hindi niya ako tinantanan at sinabing maghihintay daw siya hanggang sa makapagtapos ako! At heto na nga siya ngayonnnnn. Grabe, ang kulit pero nakakasanayan ko na rin.
" Masaya lang ako dahil malapit na tayong gumraduate." Sabi ko. Umaliwalas naman yung mukha niya.
"At malapit ka nang maging akin." Tumaas baba yung kilay niya.
Baliw!
"Asa!" Humalakhak ako.
Napanguso naman siya at 'tinutok ulit sa'kin yung camera niya. Arg!"Puno na storage mooooo!" Sinamaan ko siya ng tingin. Napahalakhak lang naman ito.
"Ayos lang mapuno, basta ikaw." Kumindat siya sa'kin. Amputek!
"Dami mong alam! Tara na nga!" Natatawa kong sabi at sinimulan nang maglakad pabalik sa bahay.
"Hi Mmy!" Bati ko pagkapasok ko sa bahay. Napabaling naman sa'kin si Mommy.
"Oh asa'n si Kealton?" Tanong niya. Napairap naman ako.
"Umuwi na Mommy." Sagot ko tsaka ako tumabi sakanya.
"Ba't 'di mo inaya at dito na sana siya magl-lunch" ani Mommy. Napanguso naman ako.
"Matanong nga kita Mommy! Sino ba talaga ang anak mo sa'min ni Kealton?" Nakanguso kong sabi. Kinurot naman niya ako sa tagiliran.
"Baliw! Syempre ikaw. Kailan mo ba sasagutin yung batang 'yon?" Ani Mommy. Napaseryoso naman ako.
"Atat ka Mommy?" Taas kilay ko.
"Napakabait ng batang 'yon. Gwapo na! Marespeto pa, o saan ka pa? Kay Kealton ka na!" Sawsaw ni Ate pagkalabas galing kusina. Sumunod naman si Kuya.
Botong boto talaga sila kay Tonton amp!
"Sussss! 'Wag niyong pilitin. Hindi pa nakaka move on kay Kobe 'yan." Pang-aasar ni Kuya. Inungusan ko naman siya. May bumundol sa dibdib ko pero nawala din naman ito kaagad.
"Duhhhhhh! Naka move on na ako ano?! Kahit iharap niyo pa siya saken. Baka nga kasal na sila ni Ma'am Lia e." Pahina ng pahinang sabi ko. Naka move on na ako, promise!
"Haha why so sounds disappointed?" Pang-aasar niya ulit. Inirapan ko siya.
"Bahala ka nga diyan, tse!"
Tumayo na ako at pumunta na sa kwarto ko. Gusto ko na maligo, nanlalagkit na ako.