11:25 a.m nang magpasya akong pumanhik sa kusina dahil ginugutom ako.
Dumaan ako sa sala at nakahinga ako ng maluwang nang madatnan kong wala tao do'n. Hay! Salamat naman at umuwi—-
"You are now an Architect huh?" Napatalon ako sa gulat nang may baritonong boses akong marinig sa gilid ko. What the f*ck?!
Nagkunwari akong parang walang narinig samantalang abot abot ang tahip ng puso ko. Ba't 'di ko siya nakita kanina?!
"Uh yeah." Mahinang tugon ko. Hindi ko siya tinignan. Saan ka nga ulit pupunta Psyche? Tanong ko sa sarili ko. Nakalimutan ko na kung saan ako pupunta.
Naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko.
"How are you?" Marahang tanong niya. What now? Get lost Mr. Lavins!
"I'm fine. Excuse me Mr." agaran kong tinapos ang usapan at nilampasan ko na siya. Ayaw kong sayangin ang oras ko sa mga hindi importanteng tao.
Pagtalikod ko ay naramdaman ko ang pagsunod niya. Marahan ko siyang hinarap at magkasalubong ang kilay akong humalukipkip sa harap niya.
"What?" Marahas ko tanong. I don't care kung matinigan niya ang pagkairita sa boses ko, mas maganda nga yun e.
"Iinom ako ng tubig,Psyche." May pag-iingat niyang sabi. Parang may kumalabit sa puso kong natutulog, pagkarinig ko sa pangalan ko.
Parang napahiya ako sa naiisip kong sinusundan niya ako! E iinom naman pala siya ng tubig!
Napatango ako at iminurestsa ang daan para siya ang mauna. Pinagtaasan niya ako ng kilay. D*mn! Mauna ka na!
Tila naintindihan naman niya ang sinabi ko at naglakad na nga siya patungo sa kusina.
Kumuha ako ng kanin at nilagyan ko ang pinggang kinuha ko. I'm so hungry na!
Hindi ako magsisimulang kumain hangga't hindi pa umaalis sa harap ko ang lalaking 'to. He is intently watching me! Lumuwag tuloy ang hawak ko sa kutsara.
"Hindi pa ba tapos ang meeting niyo ni Dad?" 'Pag kuwan ay tanong ko. Hindi na nakatiis. Matabang ang pagkakatanong ko at sana maintindihan niya, na ayaw ko ang presensya niya dito!
"Almost done." Sagot naman niya at inubos ang tubig sa baso niya. Pinanood ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. Eyes up Psyche! Ibinalik ko ang tingin ko sa pinggang nasa harap ko.
"Okay. If you mind, can you please go out, kakain ako." Matabang kong sabi.
Napatikhim siya at imbes na lumabas ay humalukipkip siya.
"Hindi ka ba makakakain nang nasa harap mo ako? Hindi ka magbibihis Psyche, para lumabas pa ako."Nakataas kilay saad. Amusement is visible in his eyes. Naiirita ako!
"Just get out will you?!" Bulyaw ko. Napigtas na ang pinipigilan kong pasensya.
Bumitaw siya sa pagkakahalukipkip at humakbang palapit sa'kin. Heck.
"Nasa'n na ang dating Psyche ko?" Seryoso niyang ani at akmang hahawakan ang pisngi ko pero umiwas ako.
"You don't owned me Mr.Lavins." Matigas kong sabi. Tila wala naman itong narinig at malamya niya akong tinignan sa mga mata.
"Pwede mo bang banggitin ang dating 'tinatawag mo sa'kin?" Malamlam ang mga matang tanong niya. Parang may humawak sa puso ko. No.
"Hindi ko na maalala Engineer, kaya please, just please, leave me alone." Malamig kong sabi habang nakatingin ako sa mga mata niya. May nakita akong dumaang emosyon sa mga mata niya pero binalewala ko ito.
"You don't remember? Let me remind you this, bebe loves." Ani nito at mabilis niyang sinakop ang mga labi ko at mabilis niya din itong pinakawalan. Napatunganga ako. How dare him?! Tinignan ko siya ng masama.
"How dare you—-
"Leaving you alone is not my thing. It will be the death of me." Ani nito tsaka niya ulit ako hinalikan ng mabilis sa labi bago niya ako iniwang nakatunganga sa kusina.
Bw*s*t!