We are heading to my car when I saw Kobe looking around. Huh? What are he doing here?
Napatingin ako kay Kealton nang kalabitin ako.
" 'Di ba si Lavins 'yon?" Turo niya kay Kobe. Napatango naman ako. Palinga linga si Kobe na parang may hinahanap. Tumataas baba yung dibdib niya sa sobra sigurong pagod. Napahawak na siya sa magkabilang tuhod niya. Napailing ako. Anong kayang trip neto sa buhay?
Hinila ko si Kealton palapit sa kinaroroonan ni Kobe.
"Nako Che-Che, 'wag niyo kong magawa gawang chaperon ha?! Babangasan ko 'yang Kobe na 'yan!" Pagsusuplado ni Ton ton. Napahalakhak ako.
"Eh kung ikaw kaya yung bangasan ko diyan?" Taas kilay ko. Napa hissed siya. Amp!
Tumayo kami sa harap ni Kobeng naka yuko. Napaangat naman siya ng tingin. Napaawang ang mga labi niya. Sarap i-kiss! Amp hahhaha.
"You're here." Seryosong sabi niya. Madilim na ang mukha ngayon. Ibang iba sa ekspresyong nakita ko kanina.
"Nandito ka rin naman." Humalukipkip ako. Napatuwid naman ng tayo si Kealton.Salubong din ang mga kilay.
"Tss!" Padabog niya kaming tinalikuran. Napanganga ako. What was that?
Iniwan ko si Kealton do'n at hinabol ko si Kobe.
"Wait me here, Ton Ton." Tapik ko sa braso niya. Aangal pa sana siya pero tinalikuran ko na siya.
Naabutan ko siya malapit na sa sasakyan niya. Ang haba ng biyas!
"Kobe!" Tawag ko sakanya. Hindi niya ako nilingon. Pinatunog niya yung sasakyan niya.
"Kobe Lavins! 'Pag hindi ka pa titigil diyan, break na tayo" pagbabanta ko, na ikinatigil niya. As expected.Hmp!
Lumingon siya sa'kin. Madilim parin ang mukha. Lumapit ako sakanya.
"What?" Inis niyang tanong.
"Galit ka?" Marahan kong tanong. Napatiim bagang siya.
"What did you say?" Kunot noong ani niya.
"Anong sabi mo? Break na tayo? Bakit? Tayo ba? Hindi naman 'di ba?" Inis niyang sabi. Akma na ulit akong tatalikuran kaya hinila ko yung braso niya.
"Sasagutin na kita ngayon. Ayaw mo?" Panghahamon ko. Pilit tinatago ang ngiti. His brows shot up.
"Tss. Iiwan mo na nga ako ulit 'di ba? Nasasabi mo lang 'yan, dahil nahuli ka sa akto! Balak mong sumama sa lalaking 'yon! Ano? Magtatanan kayo?" Iritado niyang ani. He clenched his jaw. Napanganga ako. Where did he get that idea?
"At sino ang nagsabi sayong aalis ako? At ano? Makikipagtanan ako? Taena mo pala eh! Sinundo ko lang po si Kealton! Kung ano ano ang iniisip mo! Diyan ka na nga!" Padabog ko siyang tinalikuran. Hindi pa ako nakakadalawang hakbang nang hulihin niya ang braso ko.
"Ano?" Iritado kong ani. Napanguso siya, pero ngumiti rin kalaunan. Baliw! Abno!
"Anong sabi mo kanina? Hmm? Baby, tayo na?" Nakangiti niyang tanong habang lapit ng ilong niya sa pisngi ko. There's a playing butterflies in my stomach. My heart is beating so fast.
"Binabawi ko na" inirapan ko siya. Napahalakhak siya.
" 'Pag nasabi na, 'di na pwedeng bawiin pa." Kagat labing sabi niya sabay haplos sa pisngi ko. Shiz!
Napaangat ako ng tingin sakanya. Nagtama ang tingin namin. Pumungay ang kanyang mga mata. My weakness.
"D*mn! Akala ko, mawawala ka na naman sa'kin." Pikit matang sabi niya. Dumilat naman siya agad at dahang dahang inilapit ang mukha. He kiss me in my lips. Napapikit ako. Ang tamis ng mga halik niya. Pwede bang dito nalang kami? Pwede bang itigil nalang ang oras? D*mn! I'm so in love with this man.