"Ang dami mong kalokohan. Mag-ayos ka na nga lang diyan. Ikaw nga, naglalaro sa isip ko, nagreklamo ba ako?"
Heck?!!!!
Parang may nagwawala sa loob ng tiyan ko. Kinagat ko yung mga labi ko sa pagpipigil na tumili.
"Shemayyyyy! Pakagat naman ng 'yong labi, pasipsip kahit konti~" Kanta ko. Napabitaw naman siya sa mga hawak niyang papel.
"God woman! Bumalik ka na nga lang sa upuan mo. Ako na tatapos neto. Aatakihin ako sa puso, dahil sayo." Iiling iling niyang sabi sabay kuha ng mga papel na hawak ko. Nahawakan pa niya ng hindi sinasadya yung dulo ng mga daliri ko. An electricity flow to my veins. Nahila ko tuloy bigla yung kamay ko tsaka ko itinago sa likod ko. How can I stand? My knees are trembling. D*mn!
"Move Ms. Buenavista." Utos sa'kin ni Kobe. Putek naman oh!
"Wait a minute Sir." Ani ko sabay iwas ng tingin. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko, ang baghagyang pagkunot ng kanyang noo. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong hilutin 'yang nakakunot mong noo! Binti namannnnn, umayos ka naman na ohhhh? Ayokong mapahiyaaa!
Unti unti akong tumayo at dahan dahang naglakad pabalik ng upuan ko.
Pagbalik ko sa upuan ko ay hindi na ulit ako sumulyap sa banda niya. Kailangan ko munang pakalmahin 'tong puso koooo!
Nung matapos ang period ay nagsiligpitan na sila ng gamit at handa nang lumabas ng room. At dahil ayokong magpahuli at maiwan kasama si Kobe sa room, dali dali na din akong nagligpit ng gamit ko at sumabay na palabas ng pinto.
Nung nakalabas ako ay para akong nakahinga ng maluwang. Para akong nasusuffocate sa loob! Hindi na maganda 'to.
Pupunta muna ako sa canteen para mag-agahan. Vacant period ko na kasi ang susunod, kaya ayos lang.
Habang papunta ako sa canteen ay naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. S-Sir Kobe? Ba't nagtext 'tooo? Kumalabog bigla yung dibdib ko. Psyche, baka may ipapagawaaaa! 'Wag kang assuming. Napairap naman ako.
From: Kobeng ko
Go to my office after your class. I must do something with your behavior earlier.Basa ko sa text niya.
What the heck? Anong nagawa kooooo? Binalikan ko yung nangyari kanina pero mas lalo naman akong nainis nang wala naman akong maisip na maling ginawa ko kanina. Hayst bahala na nga! Gusto ko naman din siya makita bago umuwi e, kaya ayos lang hahahaha!
4:30 p.m
Uwing uwi na ako pero kailangan ko pang dumaan sa office ni Sir.
Pagdating ko sa tapat ng office niya ay walang sabi sabi akong pumasok.
"Don't you know how to knock?" Pambungad niya sa'kin. Suplado amp!
"Hihi turuan mo'ko minsan bebe loves." Halakhak ko. Mas lalo namang nagsalubong yung makakapal niyang kilay. Eh? Bad mode?
"Ano palang sasabihin mo Kobe? Magtatapat ka na ba ng pag-ibig mo?" Wala sa sariling tanong ko, tsaka ako umupo sa tapat ng mesa niya.
"Call me Sir. I'm not a student Ms. Buenavista." Madiin niyang sabi. Nakoooo bad mode nga!
"Para saan ba 'yong text mo? Wala naman akong ginawang masama ah?" Irap ko. Kung papupuntahin niya lang ako dito para sungit sungitan niya, mas mabuti na sanang umuwi nalang ako. Hmp!
"Walang ginawang masama? You disrespect me!" Tumaas na yung boses niya. Pinagsasabi niya ba?! Kainis naman!
"What?" Kunot noong tanong ko.
"Di mo na ako nirerespeto Psyche. Lumabas ka kanina sa room nang hindi manlang nagpapaalam? How could you?!" Bahagyang pumula yung buong mukha niya sa galit. Oo galit siya pero hindi ko magawang matakot. May pakiramdam akong hindi niya ako kayang saktan.
And excuse me? Lumabas ako kanina dahil hindi ko matagalang nasa malapit siya! Nagwawala yung puso ko. Tsaka hindi lang naman ako yung hindi nagpaalam ah? Halos nga lahat! So anong pinupputok ng butsi niya?!
"I respect you Sir, pero bakit ako lang 'yong pinapagalitan mo? Hindi lang naman ako yung hindi nagpaalam ah?!" Tumataas narin yung boses ko. Ang unfair niya—-
"Pake ko naman sakanila?! Ikaw ba sila ha?! Now get out of my room. Baka hindi ako makapagtimpi." Bulyaw niya saken tsaka siya tumalikod at naglakad papasok sa isang pinto.
Napatunganga ako. What just happened?