Chapter 4

244 13 0
                                        

Nakauwi na kaya si Kobe?
Hinatid niya ba si haLIAparot? Hahaha juk unly! >____<

Siguro nagdate sila, hmp! Walang poreber!

Dali dali akong sumampa sa kama ko tsaka ko hinanap yung number ni Sir. Hihi kinikilig akooooo, nakuha ko na rin sa wakas yung number niyaaa!

Matext nga. Hmmm

Ako:
Hi! It's me, Psyche. Did you save my number?

Text ko sakanya.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya nagrereply.

Busy? o baka naman kase kasama pa niya si Ma'am Lia. Hmp! Kainis naman!

Tawagan ko na nga lang. Ayt baka makaistorbo ako—-nope! Gusto ko talagang makaistorbo! Sa'kin lang yung bebe ko amp!

Dinial ko yung number niya.

*kring kring kring*

Ano ba 'yan! Ba't 'di niya sinasagot? Kainis naman!

Makailang ulit pa ako ng tawag tsaka niya sinagot.

"Ba't ngayon mo lang sinagot yung tawag ko ha?! Akala mo nakakatawa ka? Magkasama pa kayo ni Santa Santita 'no?! Sus Walang poreber uy! Tsaka hindi naman talaga kayo bagay 'no? Tayo, tayo ang bagay sa isa't isa! Bawal ka sa iba, maliwanag? Jusq naman bebe loves, matanda ka na. Alam mo na yung dapat, ako lang dapat. Ano? Napipi ka na? Sagutin mo'ko! Kung 'di ka na masaya saken, sabihin mo! Hindi yung kailangan mo pang magloko." Tuloy tuloy kong sabi pagkasagot niya. Pero syempre biro ko lang yung huling sinabi ko. As if naman may kami 'di ba? Pero soon I guess bwahahahah!

"Are you done?" Malamig niyang sabi sa kabilang linya. Pout.

"Sa dinadamirami ng sinabi ko, 'yan lang ang isasagot mo? Aba mali naman ata 'yon bebe loves. Wala manlang bang tanong kung maayos ba akong nakauwi?" Pagdadrama ko.

"Unang una, ngayon ko lang sinagot yung tawag dahil nasa kusina ako kanina, tss bakit ba kasi ako nag-eexplain sayo pambihira(bulong bulong niya na naririnig ko naman hahaha) at Bakit ka ba tumatawag ha?! At pangalawa, hindi Santa Santita ang pangalan ni Ma'am Lia. Respect your teacher will you?! (Nyenyenye!) at pangatlo, hindi talaga kami bagay dahil tao kami, maliwanag?. At panghuli, 'di ko naman na kailangang tanungin ka kung nakauwi ka na, dahil nakasunod lang naman ako sa paglalakad mo kanina. Kitang kita ko kung paano ka mag-alburuto sa daan." Sunod sunod niyang sabi sabay patay ng tawag. Napanganga ako.

What the  f*cking hell?!!!
Kinikilig akooooooooooo!

Seryoso? Sinundan niya talaga ako?! I know that it sounds creepy pero kinikilig akoooooooo. Anong rason niya para sundan ako 'di baaaa? Ayieeeeee may progress mga zer! Matutugunan na ba ang pag-ibig ko? Hahahaha ang korni amp!

Ikaw na ba si Mr.Right~
Ikaw na ba love of mah life
Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng capcake ko~

HAHAHAHHA!

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon