7:30 p.m na pero nasa bahay parin ako ng mga Lavins. Nahihiya naman akong magpahatid kay Kiel. Inaantok na ako! Feeling ko pagod na pagod ako amp.
Kada minuto rin akong umiirap sa banda nila Kobe at Ma'am Lia. Hindi ba sila nauubusan ng topic? Gustong gusto ko nang umeksena sa harap nilaaaaa! Miss ko na Kobe ko!
Naalala ko na naman yung pagdampi ng mga labi ko sa labi niya. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Pasimple kong hinawakan yung mga labi ko. Parang may nagliliparang paru -paro sa tiyan kooooo!
Napasulyap ulit ako sa banda nila at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang maabutan kong nakatingin siya saken! What the hell?
Kung gusto mo akong makausap, lapitan mo na akoooo!
Kinalabit ko si Kiel. Magpapaalam akong pupunta ng kusina dahil inuuhaw ako.
"Yup? Are you bored? Hatid na ba kita sainyo?" Tanong niya. Marahan naman akong umiling.
"Punta lang muna akong kusina, uh inuuhaw kasi ako." Sabi ko at tumayo na. Pinigilan naman niya ako.
"Stay here, ako na ang kukuha." Pigil niya sa'kin pero umiling ako.
"No, you stay heare. Ako na ang kukuha." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dumeretso na ako sa daang patungo sa pupuntahan ko.
Habang papunta ako sa kusina ay may nakakasalubong pa akong kakilala at binabati ako. Todo hi and hello nalang ako sakanila bago ako nakarating sa kusina.
Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at sinalinan yung baso ko. At muntik na akong nasamid nang makita ko sa gilid ng mata ko si bebe loves na papasok ng kusina. Heck!
"Uhmm what are you doing here?" Kinakabahan kong tanong. Pinagtaasan naman niya ako ng kilay.
"Am I not allowed to my own house?" Marahang tanong nito habang Nakataas ang kilay. Hmp! Edi ikaw na ang gwapo!
"Errr never mind." Sabi ko nalang at inubos yung tubig na iniinom ko.
Lumapit siya saken at bahagyang inilapit ang kanyang katawan. What is he doing?! He step closer and leaned near my face. Hahalikan niya ba akooooooo? Anong gagawin kooooo? Pipikit ba ako o didilat?! At dahil naalala ko sa mga palabas na habang naghahalikan ang mga bida ay nakapikit... kaya pumikit nalang din ako.
Bakit ang tagallllll? Pasimple kong idinilat yung isa kong mata at naabutan ko siyang nakangisi at nagsasalin ng tubiggggg! At narealize ko rin na kaya siya ganon kalapit kanina sa'kin kase inabot niya yung pitsel sa loob ng reffff at nakaharang nga ako kanina! Nakakahiyaaaaaaaaa!
Bahagyang pumula yung magkabilang pisngi ko at umiwas ng tingin. Napahalakhak naman siya. Lupaaaaa kainin mo'ko now naaaaaaa!
"Bakit ka nakapikit kanina? Inaasahan mo ba akong hahalikan kita?" Sumeryoso na yung mukha niya. Why so sudden?
Hindi ko mahapuhap kung anong sasabihin koooooo! Nakatingin lang ako sa mga labi niya habang nagsasalita siya. Inaamin kong umaasa nga akong hahalikan niya ako kanina pero hinding hindi ko aaminin 'yon sakanya! D*mn, ngayong natikman ko na ang mga labi niya, tingin ko hindi na ulit ako makapaghintay na halikan siyaaa!
"Kung kanina naka-isa ka, pwes sa susunod hindi ko na hahayaan pa." Final niyang sabi sabay talikod sa'kin at lumabas ng kusina.
Huh! Sa tingin mo hindi na ako makakaulit? Pwes mali ang tingin mo! HAHAHA Lol!
Someday, Kobe. Someday, you'll beg for my kisses at hindi ko na kailangang pilitin ka.Smirks.