Chapter 34

216 10 0
                                    

"Uuwi akong Pilipinas Che-Che!" Masayang bungad sa'kin ni Kealton sa Skype.

"Oh really?! When?" Excited kong tanong. Miss ko na din 'tong kulugong 'to.

"Maybe this week." Nakangiting ani niya. Napatango naman ako.

"Sunduin mo'ko sa NAIA ha?!"sabi niya.

"Oo naman. Basta sabihin mo lang sa'kin kung kelan."

"Ano? Kayo na ba ulit nung ex mo?" Ngisi niya.

Napakunot noo naman ako.

"Ha? Sinong ex?" Takang tanong ko. Wala naman akong ex eh.

"Yung binalikan mo diyan sa Pinas." Taas kilay niya. Inismiran ko siya.

"Wala akong ex na binalikan! Kung si Kobe yung tinutukoy mo, hindi ko siya naging ex, abno!" Irap ko sakanya. Tumawa naman ito.

"Masaya ka na niyan?" Sinamaan ko siya ng tingin. Tinaas naman niya ang magkabila niyang niyang kamay.

"Haha chill! O,siya b'bye na.Gonna do some works." Paalam niya tiyaka niya pinatay yung tawag. Aba't batos to ah? 'Di manlang ako pinagsalita amp!

Wala akong gagawin ngayong araw, kaya kinuha ko nalang yung sketch pad ko.

Binuklat ko yung sketh pad ko at napakunot noo ako nang hindi ko makita yung dinesenyo kong bahay ko. Heck! Hindi 'yon pwedeng mawalaaaa! Dream house ko 'yon! Hinalughog ko sa box na pinaglagyan ko, pero wala akong makita. Asa'n ka na? Hindi ka pwedeng mawala. Naiiyak akong umupo sa kama ko. Pinaghirapan ko 'yon ng ilang araw!

Tumayo ako at bumaba ng sala.

"Mommyyyy!" Patakbo akong pumunta sa kung saan si Mom.

"O, Psyche? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Mommy sabay punas sa pisngi ko.

"Nakita mo ba yung blueprint ng bahay ko,Mommy?" Malungkot kong tanong. Napailing naman siya. Mas lalo tuloy dumilim ang mukha ko.

"Sinong kumuha nun? Mommy...dream house ko 'yon.." naiiyak kong sabi. Napabuntong hininga naman si Mommy at hinila niya ako para yumakap.

"Ayos lang 'yan, baby. Makakagawa ka naman ng mas maganda. Kaya mo 'yan. I believe you." Hinaplos ni Mommy yung buhok ko napatango nalang ako. Pero kasiii, 'yon yung gusto ko.

Tahimik akong gumuguhit nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Sino 'yan?" Walang gana kong tanong.

"This is Kobe." Ani nang baritonong boses. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. What is he doing here? Napaayos ako ng upo.

"Pasok."

Pinihit naman niya yung pinto at pumasok.

"O, bakit nakasambakol ang mukha ng baby ko?"malambing niyang ani sabay upo sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa pag sketch.

"Eyes on me,please?" Mahina niyang sabi sabay hawak ng baba ko at pinaharap niya ako sakanya.

"What?" Walang gana kong tanong. Pilit kong nagseseryoso kahit abot abot na ang tahip ng puso ko sa pagkakalapit namin.

"What's with that face?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Pag mamaang-maangan ko. Napalabi naman siya.

"Sinong umaway sa baby ko?" Marahan niyang tanong. Inismiran ko siya.

" 'wag mo nga akong baby-hin! Hindi na ako bata." Naiinis kong sabi sabay hawi sa kamay niya.

"You are still my baby." Seryosong sabi niya. My heart skipped a beat. Uminit yung pisngi ko.

" Anong ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko ng topic para maiwala yung pagwawala ng puso ko. D*mn!

"You're not replying to my texts." Malamig niyang ani. Umiwas ako ng tingin. I'm saving my heart here!

"So?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.Mas lalo namang dumilim yung mukha niya.

"Anong so? You're making me overthink! Naprapraning ako na baka may katext kang iba, kaya hindi mo manlang magawang magreply sa mga text ko sayo!" Salubong ang kilay niyang ani. My brows shot up.

"Ano ngayon sayo?"

"D*mn, baby. Nagseselos ako. Mamamatay ako sa iisiping nababaliw ka sa iba. Natatakot akong sa iba mo ipakita at iparamdam yung mga ginagawa mo sa'kin noon na dapat sa'kin parin ngayon." Malamlam ang mga matang sabi niya. Tumaas baba ang dibdib niya na para bang nahihirapan. Parang may naglalarong insekto sa loob ng tiyan ko.

D*mn,Kobe! Kung  alam mo lang—-at wala akong balak 'yon ipaalam.

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon