"Now, pag-usapan naman natin kung bakit mo'ko iniwan."
Iniwas ko yung kamay ko sakanya at naglakad palayo.
"Umalis ka na. Matutulog ako." Pagtataboy ko sakanya.
"Come on, Psyche. Kagigising mo lang." panghuhuli niya sa'kin. Edi wow!
"Ano naman? 'Di pwedeng matulog?" Pagsusungit ko.
"Mag-usap muna tayo." Seryoso niyang sabi.
"We're done talking Mr." ani ko sabay talukbong ng kumot. Get out, Mr. Lavins!
Naramdaman ko naman ang paglalakad niya palapit sa kinaroonan ko. Hanggang sa maramdaman kong hinila niya yung kumot na nakatabon sa'kin. Argg!
"Ano ba!" Pilit kong inaagaw sakanya yung kumot ko pero nilalayo naman niya. Hmp! Papansin.
" 'Wag kang madaya, baby. Tapos ko nang liwanagin lahat ng nasa loob loob mo. Ngayon, ako naman ang liwanagin mo." Pagsusumamo niyang sabi. Parang may humaplos naman sa puso ko. Hays Fine!
Umupo ako sa kama. Come on, Let's talk now!
Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. Umusog naman ako palayo para hindi magdikit ang balat namin. Sinamaan niya ako ng tingin.
" 'Wag kang umastang parang may nakakahawa akong sakit, babae. Lumapit ka dito para magkaintindihan tayo." Sabi niya at hinila ako palapit sakanya. Nagdikit tuloy ang mga balat namin. Nagtaasan ang mga buhok ko sa batok. Shems.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Pagsusuplada ko. Pilit itinatago ang sayang nararamdaman. What the f*cking heck is happening with me?
"Bakit ka umalis? Bakit mo'ko iniwan?" Malamig niyang sabi. Napaangat ako ng tingin sakanya. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata. Napaiwas ako ng tingin.
"Anong rason para mag stay ako?" Mahinang sabi ko. Napatiim bagang siya.
"Hindi ba ako pwedeng maging sapat na rason para manatili ka?" May pait sa boses niyang sabi. Nangingilid ang mga luha ko.
"Sa tingin mo, sa mga nakita't narinig ko.. Mananatili pa ako?!" Basag ang boses kong sabi. Natahimik siya.
"Mas pinaniniwalaan mo ang iba kesa sa'kin?" Matigas niyang ani sabay baling sa'kin. Sinalubong ko ang nagbabagang tingin niya.
"Kobe, hindi ako naniwala! Not until nakita ko sa mismong mga mata ko!" Nag-aapoy galit kong bulyaw sakanya.
Hinarap niya ako.
"Sa mga nakita mo, napatunayan mo ba?" Basag ang boses niyang sabi.
Natahimik ako.
"Hindi 'di ba? Hindi ka manlang nagtanong! Hinusgahan mo'ko agad!" Bulyaw niya din sa'kin.
"Kung gano'n bakit hindi mo'ko pinuntahan?!" Basag ang boses kong ani.
Napatingala siya.
"Kasi gusto kong palamigin ka muna. Kasi akala ko'y 'di mo'ko iiwan! Handa na ako nun Psyche! Handa ko nang talikuran ang pagiging guro ko para mangyari tayo! Pero anong nangyari? Iniwan mo'ko sa ere!" Taas baba ang dibdib niyang bulyaw sakin. Hinilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mga mukha. Napahikbi ako. I know nagkamali ako ng akala, pero masisisi mo ba ako? Nasasaktan lang din ako that time! Nagkamali ako pero hinding hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko. Kase kung nangyari kami no'n, makakasuhan si Kobe, dahil hindi pwedeng magkaroon ng relasyon ang isang guro at isang studyante.
"I'm sorry." Mahinang sabi ko. Napailing siya.
"Alam mo? Sana hindi pa kita napapatawad ngayon. Sana galit parin ako sa ginawa mo. Sana nag move on nalang din ako gaya mo! Pero ano? Nandito pa rin ako sayo! Kahit anong gawin ko, bumabalik at bumabalik pa rin ako sayo." Pahina nang pahinang sabi niya. Mas pumatak na luha sakanya kaliwang mata. Parang may nababasag sa kalooban ko. Gusto kong palisin yung luha niya, pero hindi ko maiangay ang kamay ko.
"Kobe.." tawag ko sa pangalan niya at hinaplos ko yung pisngi niya. Hinuli niya yung kamay ko at dinala sa mga labi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ang daming taon ang nasayang. Ang daming araw ang lumipas na hindi kita kasama. Kaya please, just please... hayaan mong punan ko ang mga araw na 'yon, Psyche. Miss na miss na kita."