Chapter 29

230 11 0
                                    

" E sa gusto ko nga. Anong magagawa mo?" Balik niya sa'kin habang nakakagat labi. D*mn!

"May paganyan ganyan ka pa, ano nalang ang sasabihin sa'kin nung Lia mo?" Nakataas kilay kong sabi. Mas lalo niyang kinagat ang kanyang labi. Napapangisi. Tss! 'Wag mo'kong mangisi ngisian!

"Ano bang dapat kong gawin para mawala 'yang selos mo?" Tanong niya habang naglalaro ang ngiti sa kanyang mga labi. Napaismid ako.

"Sinong nagseselos?" Salubong ang kilay kong ani.

"Someone I knew." Halakhak niya. Grrr! Sarap sapakin.

"Umalis ka na nga dito! Wala kang karapatan para pumasok dito!" Pinagtulakan ko siya palabas. Hinuli niya yung kamay ko at itinaas  niya ito sa taas ng ulo ko habang maibilis niya akong isinandal sa pader. Sh*t ka Kobe!

"Kung gano'n, bigyan mo'ko ng karapatan sa lahat ng bagay. Baby, bigyan mo'ko ng karapatan sayo." Bulong niya sa mukha ko. Pinagdikit niya ang aming mga noo tsaka siya pumikit. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Hindi matigil tigil ang pagwawala ng mga kulisap sa tiyan ko.

"D*mn! Hindi pa tayo pero gustong gusto ko nang panggigilan ang mga labi mo." Mahinang sabi niya habang nakatingin sa mga labi ko. Uminit ang magkabilang pisngi ko. Potek ka! Bakit mo pa kailangang sabihin sa'kin 'yan!

"Bitawan mo nga ako! Umuwi ka na sa Lia mo!" Kapag kuwan ay sabi ko. Hindi ko alam kung nagagalit ba talaga ako o ano. Saan ka ba naman makakakita ng nakangiting nagagalit, Psyche?! Ikaw lang! Baliw ka na.

"Haha sige magselos ka lang. Mas napapatunayan kong mahal mo pa ako." Nakangiti niyang sabi. D*mn those smiles! You have to put in jail because of that sinful smile of yours!

Tinulak ko siya palayo.

"Sige, paniwalain mo 'yang sarili mo sa kasinungalingan." Irap ko sakanya at nilampasan siya at bumaba akong sala. Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin habang sumisipol sipol. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Mom, Dad, bakit niyo po pinapasok 'tong lalaking 'to sa kwarto ko?" Nakanguso kong sabi kina Mommy at Daddy nang maabutan ko sila sa sala habang nanonood ng movie.

"We didn't. You are." Pabalang na sagot ni Daddy habang nakaakbay kay Mommy. Mas lalo tuloy akong napasimangot. Humalakhak naman si Kobe sa likod ko. Sinamaan ko siya ng tingin, kaya 'tinikom niya yung bibig niya.

Lumapit siya kay Mmy at Ddy tsaka nagpaalam.

"Mom and Dad, alis na po ako." Nakangiting sabi niya kay Mommy at Daddy. Napalaki yung mga mata ko. Umasim naman pareho ang mga mukha ni Mommy at Daddy sabay sabing.

"Hindi ka namin anak!"

Napatawa tuloy si Kobe at dumeretsong lumabas sa pinto at may gana pang kumaway!

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon