Chapter 9

230 13 1
                                    

Pagdating ng lunes ay ganadong ganado na ulit akong pumasok. Excited na ulit akong bwisitin si Kobe HAHAHAHA!

'Di naman niya kase ako pinapansin e, kaya magpapapansin na lang talaga ako. Balasiyajan!

Ginawan ko siya ng sandwich. Yes po, opo! Ako ang gumawaaaa! Dahil naniniwala ako sa kasabihanggggggg... Kung si Psyche ang gagawa, tiyak may himala! And I thank you! HAHAHAHA JOKE LANG. Naniniwala ako na, the best way to a man's heart is through his ribs—-ay charot! HAHAHAHA! Basta 'Yon! HAHAHA tama na ang kakadaldal, late na ako sa date ko. Wushuuuuuu! Aral muna bago lande, but don't worry darling, I can do both. Wink

Pagdating ko sa school ay dumeretso na ako office ni bebe loves. As usual, pumasok na naman ako nang walang katok katok.

"GOOD MORNING LOVE!" Masaya kong bungad. Bahagya naman siyang napatalon sa kinauupuan niya. Haha kyot!

"Hindi ka ba talaga marunong kumatok?!" Bulyaw niya habang masama ang tingin sa'kin. Napanguso naman ako.

"Bebe loves naman, 'di mo ba ako namiss?" Nakanguso kong sabi sabay punas punas kuno ng invisible kong luha.

"Korni ng endearment mo tss." Iiling iling niyang sabi. Yieeeeeeee! 'Di niya ako pinagalitannnn! Nakokornihan lang siya pero 'di niya ako pinagalitannnn! Magbunyi!

"E ano palang gusto mo?" Nangingiti kong tanong habang nilalapag yung paper bag sa harap niya. Kumunot naman ay kanyang noo. Amp!

"Kung makapagsalita ka, hindi mo na ako ginagalang ha?! At tsaka wala akong gusto! Call me Sir, kase 'yon ang dapat. Yeah 'yon naman talaga ang dapat." Sermon niya saken na sa huli ay parang kinukumbinsi niya 'yong sarili niya. Parang may naglalarong mga insecto sa tiyan ko. D*mn! Pinagpapawisan kamay koooo!

"Oo na! O, heto. Kainin mo 'yan, ginawa ko 'yan para sayo. And don't you dare put in a trash again Sir, pinag-effort-an ko 'yan." Sabi ko sabay lapit ng papar bag sakanya.

Napataas naman yung dalawang kilay niya.

"Wala bang gayuma 'yan?" Wala sa sariling tanong niya. Napairap naman ako.

"Hay nako bebe loves, kung alam ko lang manggayuma, noon ko pa 'yon ginawa. Edi sana patay na patay ka na sa'kin ngayon. Edi sana kanina ko pa natikman 'yang mga labi mo. Edi sana, tayo na ngayon." Tuloy tuloy kong sabi habang nakahalukipkip.

"Umalis ka na nga! Andami mong sinasabi." Sinamaan niya ako ng tingin. Nyenyenye!

"Kiss ko muna." Natatawa kong sabi sabay nguso. Akma niya naman akong babatuhin ng ballpeng hawak niya, kaya napakaripas ako ng takbo papunta sa pinto. So brute bebe!

"Bye bebe! See you later." Sabi ko sabay flying kiss. Nalukot naman yung mukha niya.

" 'Wag ka nang babalik dito!" Sigaw niya pabalik. Napahalakhak naman ako.

Huh, Asa!

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon