Lunes na naman. Maaga akong nagising dahil ginawan ko ng breakfast si Kobeng ko.
7:00 when I arrived at school.
Papasok pa lang ako sa gate ng maka rinig ako ng bulong bulungan. Hay nakoooo! Ke aga aga. -___-
Hindi ko na sana sila papansinin nang marinig ko yung pangalan ni Kobe. Huh? What's with him?
"Is it for real? Oh my god."
"Sila na talaga?"
"Pero in fairness, bagay sila ha."
"Sayang naman si Sir Kobe! Huhuhu."
"Bagay talaga sila ni Ma'am Lia"Napahigpit ako ng hawak sa paper bag na dala ko. Ano? Anong nangyayari?! Si Sir Kobe at si Ma'am Lia? Sila na?!
N-noooo! That's not true! Tumawag lang sa'kin si Kobe kagabi e! Nag I miss you siya saken! Hinalikan niya ako...
Napatingin ako sa luhang nalaglag sa kamay ko.
Don't cry Psyche, chismis lang 'yan. Hindi totoo yang pinagsasabi nila! Ang masmabuti pa, puntahan mo na si Kobe at ibigay 'yang hinanda mong pagkain niya! Pangungumbinsi ng isang bahagi ng isip ko.
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga at sinimulang maglakad patungo sa office ni Sir Kobe.
Here you go.
Inhale, exhale.
Anlakas ng tibok ng puso ko! Kinakabahan ako... please Lord, sana hindi totoo yung narinig ko. Piping panalangin ko.
Habang palapit ako ng palapit sa office ni Sir, ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.
Nang makatapat ako sa pinto ay naabutan kong hindi masyadong nakasara yung pinto.
Dahan dahan kong pinihit yung pinto at yun nalang ang paninigas ko sa kinatatayuan ko nang makita ko ang ayos ni Sir Kobe at Ma'am Lia. Magkayakap ang dalawa. Parang dinudurog ng pinong pino ang puso ko.
Pasimple kong hinawakan ang tapat ng dibdib ko at marahang hinimas. Ang sakit.
Napatakip ako ng bunganga para hindi makatakas ang hikbing pinipigilan ko. Nakatalikod sa'kin si Kobe, samantalang nakaharap naman sa pwesto ko si Ma'am Lia habang nakapikit.
Psyche naman.. gumalaw ka na sa kinatatayuan mo at umalis ka na sa silid na 'toooo!
Hindi ko namalayang lumuwag pala ang pagkakahawak ko sa paper bag kaya nahulog sa kamay ko.
*BLAG!*
Bago pa sila lumingon sa kinatatayuan ko ay tumakbo na ako palabas ng office.
D*mn!
Put yourself together Psy, may klase ka pa!! Pangangaral ko sa sarili kong walang tigil sa pag-iyak. Ang sakit lang! Akala ko ba gusto niya ako! Akala ko, finally may nararamdaman na din siya saken. Akala ko lang pala ang lahat!
Napaka paasa niya! Kung hindi niya ako gusto, bakit pa siya nagbibigay motibo?! Kung hindi niya ako gusto, bakit pa niya ako hinalikan?! Kung hindi niya ako gusto, bakit may pasabi sabi pa siya ng I miss you?! Bakit pa niya ako tinatawagan?! Anong rason?! Nakakainis siya, umasa ako e. Umasa ako sa lahat ng pinapakita niya! :< Tapos ngayon, malalaman kong sila na pala ng pinagseselosan ko? T*ng*na!