"Psyche anak, baba ka na at kakain na tayo." Tawag sa'kin ni Mommy sa labas ng kwarto ko.
"Hindi po ako gutom Ma!" Sagot ko. Yakap yakap ko yung magkabilang tuhod ko sa gitna ng kama.
Isang linggo, Isang linggo na akong hindi pumapasok sa school. Palagi din akong walang ganang kumain. Paulit ulit akong tinatanong ni Mommy kung bakit ayaw kong pumasok, pero hindi ako nagsasabi. Ayoko siyang pag-usapan. Alam kong nakakahalata na rin sila dahil hindi na nila ako kinukulit tungkol dito. Sariwang sariwa parin ang sakit na dinulot nito sa'kin. Alam kong hindi naging kami, pero mas masakit ang walang label dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar. Hindi mo alam kung allowed ka bang masaktan—-but damn that label! Nasasaktan ako dahil may pakiramdam ako! Nasasaktan ako, dahil may feelings din ako! I heyt him :<
He don't deserve my love!
He don't deserve me!Sana hindi ko nalang siya minahal!
Sana—-sana pinigilan ko nalang 'tong nararamdaman ko para sakanya. Edi sana, hindi ako nasasaktan ngayon.Ipinapangako ko, mag momove on ako. Ipapakita ko sakanyang hindi lang siya ang lalaki sa mundo! Ipapakita ko sakanya, na makakahanap din ako ng mas hihigit sakanya! Yung mamahalin ako—-yung hindi ako paaasahin!
Napahikbi ako.
Get out from my system asshole!
***
Nasa hapag kainan kami ngayong buong pamilya. Umuwi si Ate Allyson at Kuya Alexzander galing America. They are identical twins."How are you little sis?" Tanong sa'kin ni Ate.
"Fine." Simpleng sagot ko.
Close kami nila ate at kuya. Wala lang talaga ako sa mode.
"Anyare dito Mommy?" Ininguso ako ni Kuya Zander.
Nagkibit balikat lang si Mommy. Noon pa nila ako kinukumbinsing mag-aral sa America, pero ayaw ko lang talaga. Nandito yung inspirasyon ko sa pag-aaral e. Pero ngayong wala na, it is the time na siguro para sumama sakanila. New environment, new set of friends, new Sir Crush—-never mind.
"Ate, kailan kayo babalik?" Marahang tanong ko. Napataas kilay naman si Ate. What?
"Baket? Gusto mo na agad kaming umalis?" Nakangusong sabi ni ate. Ews
"Sasama ako" Ani ko
Napatigil naman sa pagkain sina Mommy, Daddy, Ate at Kuya. Anoooo?
"May lagnat ka ba Anak?" Tumayo si Daddy at hinawakan yung noo ko. Nagtawanan tuloy silang lahat. Napanguso ko.
"Pinagkakaisahan niyo ako!" Nakanguso kong turan.
Hindi nila ako pinansin.
"Ako na mag-iimpake sa mga damit mo." Ate
"Ako bahala sa mga dadalhin mo."Mommy
"Ako na bahala sayo hon" natatawang sabi ni Daddy"Heh!" Namumulang sabi ni Mommy. Nagtawanan tuloy kaming lahat. Bilib din ako sa pagmamahalan nilang dalawa, kahit may edad na ay in love na in love pa rin sila sa isa't isa.
"Ako na ang sasamang kukuha ng card mo bukas sa school niyo." Presinta ni Kuya.
This is it! Wala nang atrasan 'to.