Magsi-6 p.m na pero hindi parin kami umuuwi ni Sir.
Andami dami niyang ginagawaaaa. Ako nandito lang sa sofa niya, naglalaro sa cellphone ko ng candy crush. Kada minuto ko rin siyang sinusulyapan. Minsan naaabutan ko siyang nakatingin sa'kin pero umiiwas din naman kaagad 'pag nahuhuli ko. Napapabungisngis ako hahahaha! Naco-conscious tuloy ako sa hitsura koooo. Ang hagard ko na.
"Ms. Buenavista, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na sainyo." Malumanay niyang sabi habang may binabasang papel. Napaungos ako. Hindi ko siya pinansin.
"Ms. Buenavista." Ulit niya. Lalala~ wala akong naririnig.
Hindi ko siya nililingon. Kuntodo focus ako sa nilalaro ko. Ano ba naman 'yannn! Matatalo na akooooo.
"MS.BUENAVISTA!" Malakas niyang tawag saken. Umalingawngaw yung boses niya sa buong kwarto. Hmp pakealam ko naman? Kahit mag ngawa pa siya magdamag diyan, baka matuwa pa ako hahahaha. Damn!
Talo na ako puteeeeek!
"MS. BUENAVISTA, HINDI KA BA NAKIKINIG?!" Tumayo na siya sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa harap ko at tsaka siya humalukipkip. Yummy HAHAHA!
"Sino ba kasi 'yang Ms.Buenavista na 'yan?! On game ako bebe loves, 'wag kang maingay." Pilit kong pinapabusangot yung mukha ko. Psyche itago mo muna 'yang ngiti mo please?
Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
"Ang ingay ingay mo bebe loves. Nawalan tuloy ako ng star!" Pagmamaktol ko. Nawalan ako ng star sa nilalaro ko, nang dahil sakanya! Nadidistract ako sa kagwapuhan niya amp.
"Naglalaro ka ng ML?" Naka kunot noong tanong niya.
"Hindi." Simpleng sagot ko. Nakabusangot parin ako.
"E, ano?" Tanong niya. Amusement is visible on his eyes.
"Candy Crush"
"Pfft! HAHAHAHAHA!" Nalaglag ang panga ko nang bumunghalit siya ng tawa. Waaaaaaahhh! Hanggwapo sh*tttt!
Dali dali kong binuksan yung camera ng cellphone ko at itinutok sakanya.
*click!* O_o
May sounds yung camera kooooo.
Napatigil tuloy siya sa pagtawa at nakakunot noong binalingan ako. Uh-oh
"Kinuhanan mo'ko ng picture?" He clenched his jaw. G-galit ba siya? Huhuhu.
Pero kahit anong gawin niya, hindi ko idedelete 'yong picture niya! In my dead gorgeous body.
May pang wallpaper na akooooo! Ang gwapo niya talaga. >/////<
"E ano naman?" Nakataas noong sabi ko. Payt me Sir Kobeng!
"Alam mo bang bawal ang kumuha ng litrato kung walang permiso yung taong kinuhanan mo?" Magkasalubong ang kilay niyang sabi. Napataas 'yong sulok ng labi ko. Sige Sir, mag suplado ka pa. 'Yan ang nagugustuhan ko sa'yo. Smirks
"Walang bawal do'n Sir. Besides, 'pag mamay-ari ko naman ang kinukuhanan ko. Kaya ayos lang 'yon." Nangingiti kong sagot. Mas lalo tuloy siyang napabusangot at umiwas ng tingin, pero pag ka iwas niya ng tingin ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsupil ng ngiti niya bago siya tumalikod! My heart skipped a beat. May kumikiliti sa tiyan kooo.
" 'Pag mamay ari mo, pero 'Single' ang nakalagay sa status mo." Matigas niyang sabi sabay harap sa'kin ng laptop niya at nakabalandra sa paningin ko yung profile picture kooooo!
O____O
Help me,I can't breathe!