Relax Psy, kukunin mo lang naman yung card mo tapos aalis ka na. Hindi mo naman siguro siya makikita do'n 'di ba? Malawak ang school. Sinadya ko talagang lunch pumunta para hindi kami magpang-abot sa classroom.
"Ready bunso?" Dumungaw si Kuya sa pinto. Ang gwapo ng kapatid ko, mana saken BWAHAHAHA—-sana all masaya.
"Let's go Kuya." Tugon ko sabay kuha ng pouch ko.
Gamit ni Kuya yung Ferraring niregalo sakanya ni Daddy. Pwede na mag drive si kuya, 19 naman na siya.
Pagkarating namin sa school ay nagsisilingunan lahat ng mga studyanteng nadadaanan namin. Ang gwapo naman kasi ng kasama ko e. May nagbubulungan pang 'boyfriend ko raw hetong kasama ko' nagkakatinginan nalang kami ni kuya at napapangisi.
Ay sh*t! Napatampal ako sa noo ko. Nakalimutan kong Principal pala si Lia! Busettt! Si Kuya nalang ang ipapakausap ko sakanya.
Dumeretso na nga kami sa Principal's office. Pagdating namin do'n ay sinabi kong hihintayin ko nalang siya dito sa labas. Pumayag naman siya. Hays salamat.
Pagkapasok ni Kuya ay siya namang pag labas ng taong ayaw na ayaw kong makita. Sumikip na naman ang dibdib ko. G-galing siya do'n. Tumigil ka nga Psyche! Syempre, sabay silang kumain ng lunch! Tss
Umiwas ako ng tingin. Ramdam ko ang titig niya sa'kin.
Umalis ka na! Stop giving hopes! Nakapagdesisyon na ako, 'wag mo nang sirain.
"Psyche.."
Napaangat ako ng tingin sakanya.
"Its Ms. Buenavista, Sir" walang emosyon kong sabi.
Nakita ko ang dumaang kakaibang emosyon sakanyang mata, o baka guni guni ko lang 'yon. Baka nga.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Mahina niyang tanong na parang ang siya lang ang nakakarinig.
Nagkunwari akong walang narinig.
"Dadaan po kayo? Here" sabay lihis ko sa daan. Nagpapasalamat ako dahil hindi nabasag ang boses ko. Parang may nagbabara sa lalamunan ko. Naiiyak ako.
Miss na miss ko na siya.
"Papasok ka na ba?" Binalewala niya yung sinabi ko. 'Ba't ka nagtatanong? Ano naman sayo?' 'Yan ang gusto kong sabihin pero nanahimik nalang ako.
Sasagot na sana ako pero—-
"Psy, Let's go." Bungad ni kuya. Thank you Kuya!! Saved by the bell!
"Sige." Sagot ko.
Napatingin ako kay Kobe—-Sir at naabutan ko siyang matamang nakatitig sa'kin. Napatikhim ako.
"U-uhm, S-sir, u-na na po kami." Putol putol kong sabi. What's with that Psyche?!
Bago pa siya makasagot ay hinila ko na si Kuya palayo.
Good bye My love. Good bye feelings.
