Chapter 25

241 13 2
                                    

Today is Sunday. Nagmomovie marathon kami nila Daddy at Mommy nang may magdoor bell.

"May inaasahan kayong bisita Mommy?" Tanong ko. Napailing naman sila.

Tatayo na sana si Daddy pero pinigilan ko.

"Ddy, ako na." Sabi ko sabay tayo.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at bumungad sa'kin ang pinaka panget na nilalang na nakita ko. Wehhhh? Pambabara ng isang bahagi ng isip ko. Hmp, traydor!

"What are you doing here Mr. Lavins? May usapan kayo ni Daddy?" Pormal kong tanong habang nakahalukipkip.

"I'm here for you." Seryoso nitong ani. Napataas kilay ako.

"Come again?" Tila hindi naintindihan ang sinabi, samantalang malinaw na malinaw ito sa pandinig ko. Hell I care?!

"Nandito ako para kausapin ang mga magulang mo." Malamlam ang matang sabi niya. It's Sunday Mr! Walang trabo sa rest day!

Bulyaw ko sa isip ko.
Sasabihin ko na sanang wala sila dito pero narinig ko na ang boses ni Daddy sa likod ko. Amputek

"Who's that sweetheart?" Tanong ni Daddy. Bago pa ako makasagot ay nakita na niya si Kobe.

"Aw, Engineer Lavins! Pasok ka." Masayang sabi ni Daddy at iminurestsa ang pinto papasok. Napairap ako. Tss! You're not welcome here!

Nagmamartsa akong bumalik sa sofa at nakangusong bumagsak paupo sa tabi ni Mommy.

"Anong nangyari sayo?" Talang tanong ni Mommy. Hindi na ako sumagot dahil nakasunod naman sa'kin ang sagot sa tanong niya.

"Good morning Tita." Bumeso siya kay Mommy. Tumaas yung kilay ko. ANO DAW?! TITA?! Ang kapal ng mukha! Sarap hambalusin ng pagmamahal ko—- amp!

"Oh what's brought you here?" Nakangiting tanong ni Mommy sabay sulyap sa'kin. Nako tantanan mo'ko Ma!

"Upo ka" sabi ni Daddy kay Kobe. Nagpasalamat naman ito at umupo sa upuang nasa harap ko tsaka siya deretsong tumingin sa'kin.

What?
Inirapan ko siya. Humalakhak naman siya. Nakakatawa 'yon? Nakakatawa 'yon? Palabasin kita diyan e!

"Erm! Tita and Tito, Nandito po ako ngayon para personal na tanongin ang pahintulot niyo." Seryosong sabi niya kina Mommy at Daddy sabay tingin sa'kin.

Pinagsasabi niya? Pahintulot saan?

Napakunot noo si Daddy, samantalang si Mommy naman ay nagpipigil ngiti. Ano ba!

"Liligawan ko po si Psyche." Deretsong sabi niya. Napaawang ang mga labi ko at napatigil ako sa paghinga. Hanu daaaaaaaw?! May heart is beating so damn fast!

Kahit halata naman na inaasahan na ito ni Mommy ay napaawang pa rin ang mga labi niya. Si Daddy naman ay sumeryoso ang mukha.

"Are you sure hijo?" Maawtoridad na tanong ni Daddy. Dali dali akong tumayo at umakyat sa kwarto ko.

I can't stand it! Ayoko sa pakiramdam na bumibigay na naman ako! Ayoko sa pakiramdam na tumitibok na naman ng mabilis ang puso ko! Naka move on na ako 'di ba? 'Di ba?! Pero bakit ganito?! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ayokong sayangin ang ginugol kong taon sa ibang bansang mag move on para lang sa dalawang araw na pagkikita namin. Hindi pwede! Ayokong bumalik sa umpisa.

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon