Chapter 20

228 10 1
                                    

"Congrats Architect Psyche Buenavista and Architect Kealton Gustav! You are now a license architect! You made it guys!" Masayang sigaw ni ate tsaka niya kami dinamba ng yakap ni Kealton. Napatawa nalang kami sa inasal ng kapatid ko. Sumunod namang lumapit ang family ko at family ni Tonton.

"Congrats hija and hijo." Bati nila tsaka nila kami niyakap. Ngumiti ako at nagpunas ng luha. I'm so very happy! Sa wakas, nagbunga na rin ang lahat ng paghihirap ko. Magagawa ko na rin sa wakas ang gusto kong ipapatayong bahay! Kinikilig akooooo! I'm so proud of you Psyche! Blessing in disguise na rin ang pagpunta ko dito sa America. Nakikiayon ang lahat sa'kin.

'Pero tama bang iwan at isakripisyo mo ang pag-ibig mo sa Pilipinas?' Singit ng isang bahagi ng isip ko. Sa tingin ko, tama lang ang ginawa kong pag-alis at tsaka wala naman akong pag-ibig na naiwan sa Pilipinas! Dahil sa una't huli, ako lang ang umibig saaming dalawa. Haha funny right? Wala na sa'kin ang lahat nang 'yon. Wala na kahit ni isang katiting na pagkamuhi galing sa nakaraan. Past is past ika nga nila at naka move on na ako! Hindi na ako yung Psyche na patay na patay sa isang teacher. Hindi na ako yung Psyche na iniiyakan gabi gabi ang pag-alis sa Pilipinas makalipas ng Limang taon. Hindi na ako yung Psyche na magmomove on raw pero kuntodo tanong noon kung kamusta na si Ko—-siya. Basta! Hindi na ako 'yong dating Psyche.

"Hey little sis! Congrats! We are so proud of you!" Nakangiting bungad sa'kin ni kuya pagkapasok niya sa kwarto ko.

Napangiti ako. It's because of you guys.

"Thank you Kuyaaaa!" Pasasalamat ko tsaka ko siya niyakap. Grrr kagigil, ambango.

"So, kailan mo balak umuwi ng Pilipinas?" Naka taas kilay niyang tanong. Tumaas yung sulok ng labi ko.

"Kung kailan uuwi sila Mommy at Daddy" ani ko

Napalaki naman yung mga mata niya.

"And its 2 days from now!" Gulat niyang sabi. Napahalakhak ako at napatingin sa mga bagahe kong nakahanda na sa gilid ng kama ko.

"Handa ka na?" Seryosong tanong ni kuya matapos siyang makabawi sa pagkagulat.

"Oo naman!" Mabilis kong sagot. I miss Philippines na din naman. Napatingin ako kay kuya nang may sumupil na ngisi sa mga labi niya.

"Miss mo na 'no?" May naglalarong ngiti sa labi niya.

"Yeah, I miss our house. I miss my room." Wala sa sariling sabi ko.

Napahalakhak siya. What's his problem?!

"What?!" Naaasar kong sabi. Anong problema mo Kuya?! Naaasar na ako sayo ha!

"Haha you know that, that's not what I mean." Nakangisi niyang sabi.

"I don't know what are you talking about kuya!" Tumataas ang boses kong sabi. Nakakainis! Kanina pa ako naaasar sa mga ngisi niya ha!

"Haha chill! 'Wag ka nang magalit diyan! Makikita mo rin naman na si Kobe mo in 2 days eh" tumatawa niyang sabi sabay karipas ng takbo palabas ng kwarto.

'Grrrrr! Wala na nga! Wala na akong nararamdaman sakanya!'

At wala akong pakealam kahit makita ko pa siya pagkababang pagkababa ko sa eroplano! Ano naman?

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon