Chapter 30

222 12 0
                                    

Sa araw na 'yon wala akong ibang ginawa kundi kumain at matulog.

Kinabukasan ay sumama ako kay Daddy sa company namin.

I wonder kung nando'n siya?
What Psyche? Never mind.

"Good morning ma'am" Bati sa'kin nung guard pagka pasok ko sa building. Ngumiti nalang ako pabalik tsaka ako tumuloy papasok.

Bawat pagdaan ko sa mga pasilyo ay binabati nila ako.

"Good morning Architect Buenavista." Bati sa'kin nung secretary ni Dad. He's a boy. Ayaw ni Mommy na babae yung secretary, baka daw sulutin niya si Dad hahaha.

"Papasok po ba kayo sa office ni Sir?" Seryosong tanong. He's early 30's I guess? May hitsura din ang isang 'to—-

"Eherm, pwede kayong sa gilid magtitigan. Nakakaabala kasi kayo sa mga taong dadaan." Napatalon ako sa baritonong boses na nanggaling sa gilid ko. Napalingon ako at naabutan ko ang iritado niyang expression.

"Hey." Bati ko sakanya.
Mas lalo namang nagsalubong ang kilay niya tsaka bumaling sa secretary na nakatayo parin sa harap namin.

"You may go back to your work, now" malamig niyang sabi dito.
Napatungo naman ito at naglakad pabalik sa mesa niya. Sinundan ko ito ng tingin. May nag groaned sa tabi ko kaya napaangat ako ng tingin sakanya.

"Tss, are you done checking him out?" Supladong tanong niya. Ano bang problema neto? Ke aga aga parang anlaki ng problema niya.

"He's handsome eh?" Wala sa sariling sabi ko. Napaismid naman ito at padabog na nilampasan ako. Napatanga ako. What?

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa pintuang katabi ng office ni Daddy, tsaka niya pabalibag na isinara ang pinto. Napaawang ang labi ko. Napatingil tuloy sa ginagawa ang mga tao at sabay sabay na tumingin sa pinagmulan ng ingay. Napailing iling akong naglakad palapit sa pinto niya.

Hindi na ako kumatok. Pumasok nalang ako agad.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay sinalubong niya agad ako ng pagalit na tanong.

"What?" Pagsusuplado niya.
Napailing ako at naglakad palapit sa sofa niya at umupo.

"May dalaw ka?" Nakataas kilay kong tanong sakanya. Suplado naman niya akong binalingan ng tingin. Wala akong pake sa pagsusuplado mo. 'Wag mo'kong pagbalingan ng galit mo!

Hindi siya umimik. Kinuha niya yung laptop niya at nakakunot noong binuksan.

"Bakit ka nandito?" Malamig niyang ani. Kulang nalang ay magtaasan ang mga balahibo ko sa batok, sa lamig ng boses niya. Napahawak tuloy ako sa batok ko.

"Bawal na pala ako sa sarili kong kompanya?" Nakataas kilay kong sabi. Mas lalo naman itong nagdabog at mas nilakasan ang pagpindot sa keyboard niya. Errr!

"Tss" mahina niyang sabi.

Kinuha ko yung cellphone ko dahil narinig kong nag vibrate.

Kealton:
Hey, what are you doing?

I bite my lower lip. Gosh! Hindi na ako nakapagtext sakanya!

Ako:
I am here at our company Ton-Ton. 'Bout you?

Reply ko sa mensahe niya.

Kealton:
I'm at home. I miss you already:(

Napakagat labi ako.

Ako:
I miss you too best friend!

He's a good friend of mine. Kaya ayaw kong magpatuloy siya sa panliligaw ay hindi dahil sa ayaw ko sakanya, kundi dahil ayaw kong isakripisyo ang pagkakaibigan namin. I don't want to lose him, really.

Kealton:
Best friend:( Ayaw mo talaga sa'kin bilang higit sa kaibigan ano?

Napaseryoso ako sa text niya. Magrereply pa lang sana ako nang mawala sa kamay ko yung cellphone ko.

"Stop texting and giggling all the time. Kung wala kang gagawin sa office ko, lumabas ka na dahil nakakaistorbo ka. Puntahan mo si Lindon do'n sa mesa niya at makipagtitigan ka do'n!" Tiim bagang niyang ani. He clenched his jaw.

Napakunot noo naman ako.

"Kung galit ka din, 'wag ako ang pagbuntungan mo! Kanina ka pa ha!" Masungit kong bulyaw at humalukipkip sa harap niya.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Sino ba ang sasaya sa nakita ko kanina? Ha?! Ano? Masaya ba makipagtitigan sa Secretary ng Daddy mo? Tapos ngayon, pumasok ka naman sa office ko para makipagtext sa iba at kulang nalang gumulong ka sa kilig at may pakagat kagat labi ka pa?!" Tuloy tuloy niyang sabi habang nagtataas baba ang dibdib sa galit. Anong sabi niya? Napakagat labi tuloy ulit ako. Sinundan niya ng tingin ang mga labi ko tsaka mabilis na tumalikod. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Bakit nasisiyahan ako sa nangyayari? Na kahit galit na galit na siya ay nagkakagulo parin ang mga insecto sa tiyan ko.

"D*mn! Bakit ba ako nagseselos." Mahinang sabi niya na narinig ko naman tsaka siya pumasok sa Cr.

Tumaas ang sulok ng labi ko. I'm fucked up AGAIN!

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon