Masaya akong pumasok kinabukasan. Sino ba namang hindi sasaya sa nangyari kagabe hindi ba? Hihihi.
"Lalalala~" pakanta kanta akong pumasok sa room nang maabutan ko si bebe loves—-Sir Kobe sa classroom namin.
"Good morning bebe—-ay este, Sir Kobe hehe." Akma ko siyang hahalikan sa pisngi pero sinamaan niya ako ng tingin, kaya hindi ko na tinuloy. Ngiting ngiti akong pumunta sa upuan ko. Sinundan naman ako ng tingin ng mga kaklase ko, kaya pinandilatan ko sila ng mata. What are you looking at bitches? I know I'm pretty. Lol
"So hayun nga, ako muna ang substitution teacher niyo dahil may sakit ang adviser niyo ngayon. Pinapayagan ko kayong gawin ang gusto niyong gawin, basta 'wag lang kayong mag-iingay." Sabi ni Sir. Napa 'yes!' Naman ang buong klase. Ayaw niyong mag-aral? Amp
Lugi pasahod—-hahahhachour!"Except sayo Ms. Buenavista. At dahil late ka, tulungan mo ako ditong mag-ayos ng paper works." Seryosong sabi ni Sir saken. Napataas yung sulok ng labi ko. Wushuuuuuuu! Gusto lang niya akong makasama e! HAHAHAHA Gusto niyang magkamoment kaming dalawa yieeeee! At dahil maharot ako, pumayag nalang ako. Mag-aayos lang naman pala e, ba't 'di ko nalang kaya ayusin yung feelings niya saken? Hmmm
Ngiting ngiti akong lumapit sakanya.
"What can I do for you Sir?" Then nag bow ako. Umismid lang siya. Aba!
"Umupo ka dito at ayusin mo in alphabetical order 'to." Seryosong sabi niya tsaka niya ako 'pinaghila ng upuan sa tabi niya. Asusssss pasimple ka haaa!
"Relationship goals ba 'to Sir?" Pang-aasar ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Napahalakhak naman ako. Kyut.
"Shut up Ms. Buenavista." Seryosong sabi ni Sir. Pero hindi naman nakaligtas sa paningin ko yung pagtaas ng sulok ng mga labi niya. Shiz! Kinikilig ako. Bumilis 'yong tibok ng puso ko. Heart naman, 'wag ka namang pahalata! Piping pangangaral ko sa pasaway kong puso.
"Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi Sir?" Tanong ko, sa kalagitnaan ng pag-aayos. Napabaling naman siya saken at parang nag slow motion pa siya sa paningin ko. Napailing ako. Psyche malala ka naaa!
"Yes. Why?" Kunot noong tanong niya. Bakit ba pati simpleng pagkunot ng noo niya ay nagwagwapuhan ako? Putek na 'yan.
"Ako kasi Sir hindi e," kibit balikat ko. Nagtataka niya naman akong tinignan.
"Takbo ka ba naman ng takbo sa isip ko, kaya pa'no ako makakatulog?" Nakangiting dugtong ko.
Napailing iling naman siya.
"Ang dami mong kalokohan. Mag-ayos ka na nga lang diyan. Ikaw nga, naglalaro sa isip ko, nagreklamo ba ako?"
TAKTEEEEE?!!!!!!