Epilogue

438 19 4
                                    

"Psyche baby, hurry up!"

Tawag sa'kin ni Kobe sa baba. I rolled my eyes. Nandito siya ngayon sa bahay para sunduin ako. May ipapakita daw e. I wonder, hmm.

"Maghintay ka kaya!" Balik sigaw ko. Hindi ko naman na siya narinig na sumagot hanggang sa mapatalon ako sa gulat nang magsalita siya sa hamba ng pintuan ng kwarto ko.

"Maganda ka na, baby. Di mo na kailangang magpaganda." Nakanguso niyang sabi.

"Jesus, Kobe! Mamamatay ako sayo! Tska kailangan ko ring maging presentable ano? Ang gwapo gwapo ng kasama ko, tapos ang plain plain ko lang?" Irap ko. Mas lalo naman siyang napanguso, pero hindi rin napigilan ang pagngiti. Napangiti na rin ako. Ang gwapo ng boyfriend ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na rin kami habang magkahawak kamay. Kinikilig ako yay! Pilit ko ring binabawi yung kamay ko, pero mas lalo lang naman niya itong hinihigpitan. Napapa ismid ako kada minuto kaya lang pinagtataasan niya lang ako ng kilay, kaya hinayaan ko nalang.

Nagtaka naman ako nang makababa ako. Nasaan ang mga tao dito?

"Nasaan sina Mommy?" Nagtatakang tanong ko kay Kobe. Ngumiti lang siya sa'kin. Napakunot noo ako.

"Kobe?"

"Baby?" Nakangiting tugon niya. What the?

"Asa'n nga sina Mommy at Daddy?" Tanong ko ulit. Nagkibit balikat lang siya.

"Eh, kasama mo lang sila kanina e." Irap ko sakanya.

"Haha fine! May pinuntahan sila. Kaya kahit gusto kong kasama kita dito ng solo, may mas importante pa akong ipapakita sayo." Ani niya tsaka niya ako hinila at hinalikan sa sintido. Halos mapapikit ako sa rahan ng halik niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Kanina pa ako tanong ng tanong. Hindi naman niya ako sinasagot ng matinooooo!

"Basta nga!" Seryoso niyang sabi. Naiinis na sa'kin 'to sigurado. Eh, kasalanan din niya naman! Bakit kasi di nalang magsabi? Hmp

"Eh saan nga kasiiii?" Pangungulit ko. Napanguso naman siya.

"Surprise nga, baby! Matatawag pa bang surpresa 'yon 'pag sinabi ko?" Kunot noong sabi niya. Nag make face nalang ako. Humalakhak naman siya.

"Panget!" Asar ko

"Mahal mo naman!" Balik niya.

Napangisi ako.

"Sinong nagsabi?" Pang iinis ko. Bigla naman siyang nagpreno. Fck!

"Sh*t Kobe! Balak mo ba akong patayin?" Kunot noo sabi ko. Seryoso niya lang akong tinignan.

"Sinong mahal mo kung gano'n?" Marahang tanong niya. Napaawang ang labi ko. Seriously?

"Bakit ka nagtatanong?"Taas kilay ko. Napa hissed naman siya.

"May karapatan akong mag tanong dahil boyfriend mo ako." Naka kunot noong sabi niya. Umismid ako.

" o' naman pala. So bakit nagtatanong ka pa?" Irap ko. Nag lean siya sa'kin. Shemay!! Nagdidiliryo ang puso ko.

"Ako ang boyfriend mo, pero iba ang mahal mo? Ano Psyche?" Tiim bagang niyang bulong sa tenga ko. Tumaas ang balahibo ko sa batok.

"Ano bang tanong 'yan, Kobe? Ikaw yung boyfriend ko, kaya ikaw ang mahal ko." Nag iinit ang pisngi kong sabi. I feel him stiffed. Bumigat ang paghinga niya sa tapat ng tenga ko. Fudgeee! Yung puso ko, lalabas na ataaaa!

Nag angat siya ng tingin sa'kin.

"Say it again." Malamlam ang matang sabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano?" Pag mamaangan ko.

"Yung sinabi mo." Mahinang sabi niya. Mas hinila niya ako palapit sakanya.

"Mahal kita." Mahinang sabi ko. He muttered a curse.

"Fck!" Namumulang sabi niya at nag pahid ng luha. Nanlaki ang mga mata ko.

"W-why  are you crying?" Nakangangang sabi ko. Ngumiti siya sakin at tsaka niya ibinaba sa'kin yung mukha niya at hinalikan ako. Nabitin ang paghinga ko.

"I'm happy baby. So damn happy. F*ck I love you so much, sorry for cursing baby." Mahinang sabi niya sa tapat ng mga labi ko.

Pagkatapos no'n ay binuhay na niya ulit yung makina ng kotse.

"We're here." Nakangiting sabi niya at lumabas para pagbuksan ako ng pinto. Tinanggal ko naman yung seatbelt ko.

"Come here." Inilahad niya sa'kin yung kamay niya. Tinanggap ko naman ito. Lumabas ako.

Napa angat ako sa bahay na nasa harap namin. Lumipad ang dalawang kamay ko sa bibig ko. Nanlalaki ang mata kong pumasok sa gate. What thee? How?!

Ipinalibot ko yung tingin ko sa kabuuan ng bahay. I can't believe it! Yung nawawalang blue print ng bahay na gawa ko, ngayon nandito na sa harap ko yung nagawa nang bahayyy! Hindi ako pwedeng magkamaliii! Saulo ko lahat ng bawat sulok ng bahay na 'to. Even the color of it. Napalingon ako sa kasama ko.

Maliban sa pagkagulat sa bahay na nakita ko, ay mas nagulat ako sa lalaking nakaluhot sa harap ko ngayon. Handing a red box of diamond ring. Napalipad ang kamay ko sa bibig ko. Namalisbis ang  mga luha sa pisngi ko. Wala nang mas ikakasaya ko ngayon.

"Ms.Psyche Buenavista, are you ready to be my Mrs.Lavins and have a 12 dozen of children? If yes, step closer and if no, step back." Napasinghap ako at the same time napatawa sa kalokohan niya. 12 dozen, reall?

Humakbang ako palapit. Tumayo siya at dinamba ako ng yakap tsaka niya ako itinaas.

"Yes!" Sigaw niya habang nakatingala. Napahalakhak naman ako. Nagulat ako nang may mga taong nagpapalakpakan habang papalabas ng bahay. And there I saw my family and My fiancé's family. Fiancé huh? I even saw Lia. No hard feelings, wala na akong galit sakanya. Even just before I know the real score between her and Kobe. Napangiti ako sa mga taong importante sa'kin na nasa harap ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwalaaa! Ibinaba ako ni Kobe tsaka niya ako hinalikan sa noo.

"I love you, baby."

"I love you Sir Kobe." Nangingiting tugon ko. He chuckles and kiss me on my lips.

"Don't Sir me anymore. It's already be your Mister." Bulong niya. Uminit naman ang buong mukha ko. May tumili pa sa mga nakakakita. Napangiti nalang ako. I loved this man. I am loving this man and I will always love this man, 'till my last breath.

END

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon