Pinasadahan ko ng tingin sa huling pagkakataon yung kwarto ko ko. I will gonna miss it here. Yung picture frame niya, na naka sabit sa dingding ng kwarto ko. Lumapit ako do'n at marahang hinaplos ito. Kailangan na kitang itago. Kinuha ko ito at itinago sa kahon sa silong ng kama ko. Napabuga ako ng marahang hangin tsaka tuluyang lumabas ng kwarto.
"Ready? Wala ka na bang naiwan?" Tanong ni Kuya. Yung puso ko kuya.
Napabaling ako kay Momming naluluha.
"Come here darling." Naluluhang sabi ni Mommy.
"I'm gonna miss you!" Sabi nito tsaka niya ako hinalikan sa sintido pati na rin si Daddy.
"Ang drama mo Mommy haha. Susunod rin naman kayo in 3 days." Natatawang sabi ni Ate. Napanguso naman si Mommy.
"Still! Nasanay akong kasama 'tong bunso natin." Sabi ni Mommy.
"Hindi ka naman malulungkot dito Mommy, nandiyan naman si Daddy para pasayahin ka." Pagbibiro ko. Napahalakhak naman si Daddy. Sinapak tuloy siya ni Mommy sa tiyan. Kyut!
"O, sige na. Tinatawag na kayo." Sabi ni Mommy at niyakap pa nila kami isa isa bago kami pumasok sa eroplano.
Good bye for now.
****
"B*llsh*t!"Napaiktad sa pagkakaupo si Kobe nang pabagsak na inihagis ni Kiel yung bag niya sa tabi ng kuya niya.
"What's your problem man?" Nakakunot noong tanong ng kuya niya.
Magkasalubong ang kilay na umupo si Kiel sa sofa habang may pinipindot sa cellphone niya.
"F*ck it! Umalis talaga siya na hindi manlang nagpapaalam sa'kin? Parang wala siyang kaibigang maiiwan!" Nagtatagis ang bagang na ani Kiel.
Napakunot noo naman si Kobe. Naguguluhan siya sa sinasabi ng kapatid niya. Sino ba kasi ang tinutukoy nito? Umalis nang hindi nagpapaalam? It sucks!
"Sino ba kasi 'yan?" Tanong niya habang ang atensyon ay nasa TV.
Napabuga pa muna ng marahas na hininga si Kiel bago sumagot.
"Si Psyche."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kobe sa narinig.
Nabingi lang siya 'di ba? Hindi 'yon pwede. Namali lang siya ng narinig.
"Come again?" Pag-uulit niya. Gusto niyang kumpirmahin ang narinig. Please,no...
"Si Psyche, umalis papuntang America." Padabog na tumayo di Kiel at umakyat na sa kwarto niya.
Napatulala si Kobe. Hindi makapaniwala sa narinig niya. Psyche, NO!
Nang matauhan siya ay dali dali siyang pumasok sa kwarto niya para kunin yung susi ng kotse niya, tsaka siya lumabas ng bahay.
Habang binabaybay ang daan patungo sa bahay ng mga Buenavista ay mahigpit ang hawak niya sa manibela. 'Wag namang ganito please! Parang may tumutusok na karayom sa puso niya. Please, stop the pain!
Pagdating niya sa tapat ng gate ng bahay ay mabilis niya pinindot yung door bell.
Psyche please, nandiyan ka sa loob 'di ba? 'di ba?—-
"Sir Kobe?" Yung Mommy niya yung nagbukas ng gate.
"S-si Psyche po?" Mahinang tanong niya sa Ginang. May lungkot sa matang tinignan siya ng Mommy nila. Parang alam na niya ang sagot sa tanong niya!
"Sorry hijo, naka alis na siya kaninang umaga." Malungkot na ani ng Ginang.
Parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa sa narinig.
Umalis na siya. Umalis na si Psyche.
Mataman siyang nagpaalam sa magulang nito at lumabas na sa gate. Pagkalabas niya sa gate ay buong lakas niyang sinuntok ang pader.
"God d*mn it!" Sigaw niya.
Wala siyang pakialam kahit dumugo ang kamay niya. Gusto niyang ilabas ang nasa loob loob niya. Napaupo siya sa gilid ng kalsada at napasapo sa mukha.
"Sabi ko, hintayin mo'ko. Hindi ko sinabing iwan mo'ko."