Chapter 26

242 12 2
                                    

Pagkaupong pagkaupo ko sa kama ay siya namang pagkatok ng kung sino man sa ang pinto. Sa pag-aakalang si Mommy 'yon ay pinapasok ko na.

"Pasok."
Ipinatong ko ang ulo ko sa magkabilang tuhod ko.

"Psyche."

Napatayo ako sa gulat nang mapagsino ang nakapasok sa teritoryo ko.

"At sinong nagsabing pumasok ka?!" Nakakunot noong tanong ko. Imbes na matakot ito ay humalakhak pa. Pambihira!

"Kakasabi mo lang na pumasok ako." Nakataas ang sulok ng labi niyang sabi. Napatampal noo ako. Oo nga pala!

"What are you doing here?" Nagdidikit kilay kong tanong.
Humakbang siya palapit sa'kin. Umatras naman ako.

"Let's talk." Malamlam ang matang sabi niya. Umismid ako.

"Wala tayong dapat pag-usapan." Akma ko siyang tatalikuran pero hinuli niya yung braso ko.

"Marami,Psy. Marami tayong dapat pag-usapan tungkol sa'tin."Seryoso niyang  ani.

Napataas kilay ako.

"Walang tungkol sa'kin Kobe! Dahil hindi naman naging tayo!" Malakas kong bulyas sakanya na nakapag palaki sa kanyang mata, pero bumalik din ito sa dati.

Mas lalo niya akong hinila palapit sakanya. Nagpumiglas ako pero talagang malakas siya, kaya hindi ako nagtagumpay.

"Hindi ito tungkol sa naging tayo man o hindi, Psyche! Gusto kong pag-usapan yung tayo ngayon! Gusto kong malaman kung bakit mo'ko iniwan!" Malakas niyang sigaw na dinig ata ito hanggang sa baba. Mabilis ang hininga at pagtaas baba ng dibdib niya. Siya pa ang may ganang magalit?!

"Hindi kita iniwan! Umalis ako dahil niloko mo'ko! Pinaniwala mo'ko sa lahat ng pinapakita mo! At ngayon nandito ka para ligawan ako? Ano? Gusto mo'kong maging kabit mo?! The hell with you!" Malakas kong sigaw na nauwi sa paghikbi. Nakita ko ang pagdaan ng sakit, gulat at takot sakanyang mga mata. How it possible?

"The hell are you talking about? Saan kita niloko? Sabihin mo kung alin doon—-

Hindi ko siya pinatapos.

"Liar! May pahalik halik ka pang nalalaman! Tapos kinabukasan, malalaman kong kayo na pala ni Ma'am Lia? Bulsh*t!" Pinagbabayo ko yung dibdib niya. Hinuli niya naman yung magkabilang kamay ko at inilapit sa dibdib niya.

"Stop cursing baby. I don't kiss bath mouth." Seryoso niyang sabi at mas hinila pa ako palapit. Tumambol ng malakas yung dibdib ko. Bitawan mo'ko! At akala mo naman magpapahalik ako sayo?! Neknek mo!

"Bitawan mo'ko!" Pilit kong hinihila yung mga kamay ko pero hindi naman ito natinag. Arggg!

"Hindi kita niloko Psyche. Lahat nang pinakita ko noon sayo ay totoo!—-

"E anong tawag sainyo ni Ma'am Lia? Friends with benefits—-

"Your mouth!" Pagalit niyang putol sa sinasabi ko.

"Ano?! Totoo naman ah?! Ano kayo? F*ck budd—-

"Let me do something with your mouth." Matigas nitong ani tsaka niya ako hinila at siniil ng halik sa labi. Tinulak ko siya. What the heck?!

" 'Wag mo nga akong halikan!" Pagalit kong sabi at pinunasan ko ang mga labi ko. Hmp

"Not until you stop saying those words!" Madiin niyang sabi. Napakunot noo ako.

"I thought, you don't kiss bad mouths?!" Naiinis kong bulyaw.

His lips twitch.

"Nagbago na ang isip ko. Say bad word and I will kiss you." Seryoso niyang sabi. Napairap ako. Talkshit.

"Now, let me tell you, na kahit kailan hindi kita niloko." Mahinang sabi niya. Inirapan ko siya.
"Yeah, and birds can swim."

"Stop that Psyche." Naiirita niyang sabi. Ano?! Pati pag-irap ko napeperwisyo ka? Edi umalis ka!

"Hindi magiging kami Lia—-

"Naging kayo na nga. Itatanggi mo pa?" Putol ko sa sasabihin niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Patapusin mo muna kaya ako e,no? Pa'no magiging kami nun e magpinsan kami?!" Kunot noong sabi niya. Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What?!

"Liar!" Matigas kong sabi. As if maniniwala ako?! Sinasabi niya lang 'yon para pagtakpan ang mga ginawa niya!

"Nagsasabi ako ng totoo! My father and her mother are siblings." Seryoso niyang sabi. Hinuli niya ulit yung kanang kamay ko at hinila ako palapit sakanya.

"Now, pag-usapan naman natin kung bakit mo'ko iniwan."

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon