Chapter 3

245 14 0
                                    

Papunta sana ako sa office ni Sir Kobe nang makita ko silang magkasama ni Ma'am Lia(Principal) paliko sila sa banda ko. Wehhhh? 'Di naman masakettt! Tss! Pagbuhulin ko kayo e -__-

"Hi Sir Kobe!" Salubong ko sakanila. Kunwari 'di ko nakita si Santa Santita.

"Ms.Buenavista." Tawag saken ni Kobe.

"Pauwi ka na Sir?" Tanong ko. Nakita ko namang lumingkis yung kamay ni Ma'am Lia sa braso ng bebe loves ko. Abaaaaa! Hindi maaari 'yon!

Hinila ko si Sir at kunwaring may itinuro.
"Ay Sir Kobe, may tumatawag sa'yo do'n oh!" Turo ko sa kabilang building. Napabitaw naman si tuko sa brasa ng bebe ko. 'Yan! Ganyan dapat! Bawal ang virus sa bebe loves ko.

"Wala naman ah?" Kunot noong sabi ni Sir. Hmp!

"May alcohol ka sir?" Tanong ko.

Napatingin naman siya saken.

"Wala, why?" Tanong niya.

Kinuha ko naman yung alcohol sa bag ko at inilahad kanya.

"Hayan, mag alcohol ka. May dumapong virus at bacteria sayo. Kung kani-kanino ka kase dumidikit, hayan tuloy!" Pangangaral ko sakanya. Nakita ko namang umirap si Santa Santita. Hayan! Umaalingasaw na po ang baho niya.

Hindi tinanggap ni Kobe yung nilalahad ko. Humalukipkip lang siya sa harap ko.

"Ano ba 'yan! Ako na nga lang!" Kinuha ko yung dalawang kamay niya at in-spray-an.

" 'Wag na kaseng didikit sa kung kani-kanino ha? Baka magka-corona virus ka." Bulong bulong ko.

"What are you doing Ms. Buenavista?" Bigla niyang binawi yung mga kamay niyang hawak ko. Suplado!

"Inaalagaan ka, ano pa ba?" Note the sarcasm please?

"Umuwi ka na." Seryosong sabi niya. Ayieeee nagki-care siyaaaa!

"Uwi na tayo." Nakangusong sabi ko.

"Kami ang magsasabay Ms. Buenavista." Sabat ni Higad. Ayt my bad.

" 'Wag kang makisabat sa usapang mag-asawa!" Napataas ang boses na sabi ko.

"Ms.Psyche Buenavista!" Pagalit na sita sa'kin ni Sir. Ngumuso ako. Aray ko naman bebe! 'Wag ako ang pagalitan mo. :<

"Yes My Mr. Kobe Lavins?" Nakangiti kong tugon. Dumilim naman yung mukha niya. He hate me that much huh?

"Get out of my sight." Madiin niyang sabi.

" Ginaganyan mo na ang asawa mo?" Pabiro akong humikbi.

"Tss!"

"Balakajan! Hindi na tayo bati! 'Wag na 'wag mo akong kakalabitin mamayang gabi ha?! 'Di kita pagbibigyan! Hmp!" Lintanya ko tsaka ako nag walk out.

Nyenyenye! Pinopormahan niya ba si Santita?! No, Hindi maaari! Magwawala ako! Ako ang magsisimula ng world war III 'pag nangyari 'yonnnnn!

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon