Part 1

23.3K 358 5
                                    


HINDI ALAM ni Gabriela 'Gabby' Roman kung gaano katagal na siyang nakatutok sa screen ng kanyang macbook pro at abala sa pag-eedit ng first episode ng bago niyang travel vlog series. Napaaga kasi siya ng dating sa Kuala Lumpur International Airport at delayed pa ang flight niya pabalik ng Maynila kaya pumuwesto muna siya sa isang parte ng VIP lounge para magtrabaho.

Kailangan mai-upload na niya ang episode one sa darating na sabado. Isa kasi sa natutunan niya through the years of blogging ay dapat consistent at may schedule ang release ng content para dumami ang followers. At kapag maraming followers at maraming nagbabasa at nanonood sa contents na ina-upload niya sa internet, mas malaki ang kita.

Sandaling huminto sa ginagawa si Gabby at nag-inat. Mayamaya narinig niya ang tunog ng intercom na sinundan ng malamyos na boses ng isang babae. Inaanunsyo na fifteen minutes na lang bubuksan na ang gate at puwede na sila pumasok sa eroplano. Masyadong maiksing oras para mag concentrate sa ineedit niyang video. Kaya pagkatapos i-save ang file, patayin ang laptop at ipasok iyon sa bag ay cellphone na lang ang pinagkaabalahan niya.

Napangiti siya nang makita ang likes at comments sa instagram photos na pinost niya sa nakaraang dalawang linggong iniikot niya ang Malaysia. Sandali siyang nagreply sa mga personal niyang kakilala, lalo na iyong mga kaibigang naiwan niya sa Paris kung saan nine years siyang tumira bago nagdesisyong mag base na uli sa Pilipinas. Pagkatapos facebook page at official twitter account naman niya ang in-update niya.

Ilang beses na naningkit ang mga mata ni Gabby at muntik na sumama ang mood nang may mabasang ilang related post tungkol sa kaniya na hindi maganda ang sinasabi. Five years ago nang biglang dumami ang followers niya sa lifestyle blog at youtube channel na ginawa niya bilang hobby na ngayon ay bread and butter na niya, nagsimula na rin si Gabby makatanggap ng pambabash mula sa mga 'hater' daw niya pero mas updated pa tungkol sa buhay niya kaysa sa mga tagahanga at supporter talaga niya.

Noong una petty comments lang katulad nang hindi raw bagay sa kaniya ang suot niya, pangit ang kulay ng buhok niya, maldita raw siguro siya sa tunay na buhay kasi sharp ang facial features niya, o negra daw siya dahil tan ang balat niya at kung anu-ano pa. At ngayon na nasa million na ang followers niya sa lahat ng social media accounts niya at kumikita na dahil sa clicks sa blog at views sa youtube channel, dumami ang sumosoporta at umiidolo sa kaniya pero dumami rin ang haters. Mas naging extreme na ang mga iniiwang comments. Kahit wala naman siyang ginagawang masama, kahit very wholesome at educational ang content na talagang pinag-iisipan niya bago i-post, may insulto pa ring maiisip ang keyboard warriors na paborito magpalaganap ng hate at bad vibes sa comment sections ng mga post niya. Madalas puro mura pa.

Noong una siya makabasa ng ganoon aminado si Gabby na nasaktan talaga siya. Hindi niya rin pinaalam sa mga kakilala niya pero may mga comment na nagpaiyak talaga sa kaniya. Pero ngayon nagagawa na niyang balewalain ang mga iyon. At kapag may pagkakataong kating kati ang mga daliri niyang mag reply sa hate comments, umaalis siya sa social media accounts niya.

Iyon ang ginawa niya ngayon pagkatapos makabasa ng sampung annoying comments at limang sexual harassing messsages. Lumipat siya sa isa pa niyang twitter account na walang kakilala niya ang nakakaalam. Kumbaga sa lugar, ang account na iyon ang kanyang safe haven. Kung saan walang nakakaalam na siya si Gabby Roman dahil nakatago siya sa ibang username at display photo. Wala ring toxic posts laban sa kaniya. Pinili rin niyang mabuti kung sino lang ang ifa-follow niya. Higit sa lahat, puno ang timeline niya roon ng content na nagpapangiti at nagpapa good vibes sa kaniya.

Pagkatapos i-scan ang mga picture at video na nakapagpangisi at hagikhik kay Gabby, nagsimula naman siya mag comment sa posts ng 'mutuals' niya. Iyon ang tawag kapag finafollow ninyo ang isa't isa sa twitter.

@babibunny: rewatched ikonTV last night and this part was still so funny!

@BInfluence replying to @babibunny: I know right? I still laugh my ass off every time I see that on my TL

@junhoehoho: can't wait for the weekend to arrive. I really need a break from work. Where do you think I should go? Preferably near Manila.

@BInfluence replying to @junhoehoho: hey, I can help you about that! Ano ba gusto mo makita, dagat o bundok?

Sa loob ng ilang minuto si twitter user junhoehoho na lang ang kausap niya. Marami siyang na suggest na lugar kasi halos napuntahan naman na ni Gabby ang mga vacation spots na malapit sa Manila. Saka masarap talaga kausap si junhoehoho. Palaging tiyempo na sabay silang online kaya madalas silang magkausap. Hindi lang sa mismong timeline nila kung hindi pati na rin sa direct message.

Isa ito sa mga pinakauna niyang naging mutual sa twitter last year. That time pareho silang bagong salta sa tinatawag na stan twitter. Community iyon ng twitter users na nag-uusap tungkol sa common interests katulad ng music. Hindi kailangan maging personal na magkakilala. Ni hindi kailangan na alam ng isa't isa ang tunay na pangalan. Pati display photo, picture ng iniidolo imbes na sariling larawan. Madalas pa nga kahit ang bansang pinagmulan hindi mo malalaman maliban na lang kung gamitin ng fina-follow mo ang local language ng mga ito.

Basta pareho kayo ng sinusubaybayang artist, puwede mag-usap sa stan twitter ng mahabang panahon nang hindi kailangan i-share ang tungkol sa personal na buhay ng isa't isa. It was the perfect set-up Gabby was looking for. Escape niya sa tunay niyang buhay na naging for public consumption na. Granted na pinagkakakitaan naman niya i-share ang tungkol sa kaniya pero madalas hindi na alam ng mga tao na dapat ma limitasyon pa rin.

Isa si twitter user junhoehoho sa naging dahilan kaya tumagal siya sa stan twitter. Aware si Gabby na bagets halos lahat ng nasa bird app na iyon pero unang beses pa lang niya nakausap si junhoehoho, naramdaman na agad niyang mas malapit ang edad nito sa kaniya. Funny pero respectful ang tone ng posts nito. Mature at halatang matalino kung pagbabasehan ang mga opinyon na shineshare nito. Few days apart lang yata ang paggawa nila ng account at pareho ang dahilan nila kung bakit sila gumawa.

Last year nagkataon na pareho pala silang nanood ng Ikon concert sa Manila. Base sa kuwentuhan nila nalaman ni Gabby na pareho silang pumasok sa venue na hindi alam ang mga kanta ng kpop group na iyon pero parehong in love by the time na matapos ang concert. Wala silang personal na kakilala na puwedeng makausap tungkol sa Ikon kaya katulad niya gumawa rin ng twitter account si junhoehoho para maging updated sa grupo at may co-fan na makausap.

Busy pa rin si Gabby sa pakikipagpalitan ng reply sa twitter nang muling pumailanlang ang malamyos na boses na nagpapaalala na bukas na ang departure gate.

@junhoehoho I'll get back to you later. I have a flight to catch.

@junhoehoho replying to @BInfluence It's okay to have fun but take care of yourself. Have a safe flight!

Matamis na napangiti si Gabby at matagal na paulit-ulit binasa ang message na iyon. Nakaka-touch kasi kahit hindi naman sila personal na magkakilala damang dama niya na genuine ang concern nito. Huminga siya ng malalim at ibinulsa na ang cellphone. Pagkatapos nakangiti pa ring tumayo siya, binitbit ang handcarry bag at naglakad na papunta sa departure area.

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon