Part 14

4.7K 201 2
                                        

Napatingala si Gabby at nahigit ang hininga nang makitang seryoso at matiim ang titig nito sa kaniya. "Isang linggo kitang hindi nakita at plano pa lang kita tawagan mamaya para ayain ka kumain sa labas. Pero bigla nandito ka at nagkita na naman tayo nang hindi natin inaasahan pareho.Imposibleng hindi ako affected ng presensiya mo, Gabriela. Hindi mo alam kung gaano katinding self-control ang ginagamit ko para lang..."

"Para lang ano?" mahinang tanong niya.

Bumuntong hininga si Jaime pero hindi pinutol ang eye contact nila. "Para hindi ka yakapin."

May init na humaplos sa puso niya. Unti-unti gumanda ang mood niya. "Talaga?"

"Oo nga."

Napatitig siya sa guwapong mukha ni Jaime at hindi napigilan ang sariling hawakan ang laylayan ng suot nitong dryfit shirt. Nagitla ito pero hindi kumilos para lumayo.

"Ibig sabihin ba attractive ako sa paningin mo?"

Kumunot ang noo ni Jaime, nagmukhang galit. Pero alam na niya ngayong hindi talaga ganoon ang kaso. Namumula kasi ang magkabilang tainga nito. "Oo nga."

Napangiti si Gabby. "Kahit pawisan ako ngayon at walang make-up?"

Tumaas ang mga kilay ng binata at hinawakan ang kamay niyang nakakapit pa rin sa laylayan ng damit nito. "Nakita na kitang pawisan at walang make-up noon."

Nag flash sa isip niya ang mga nangyari kaya nakita siya nito sa ganoong anyo more than one year ago. Uminit ang pakiramdam niya at bumilis ang pintig ng pulso niya.

Tumikhim si Jaime, maingat na inalis ang kamay niyang nakakapit sa damit nito. Pagkatapos ginagap nito ang kamay niyang iyon at hinila siya patayo. "Tama na sigurong jogging iyon. Let's cool down and change our clothes."

Hinayaan niyang hilahin siya nito palabas sa running track at papunta sa bahagi ng complex kung nasaan ang locker area at shower rooms. Kaso pareho silang napangiwi nang makitang parehong mahaba ang pila sa pambabae at panlalaki na shower area. Nagkatinginan sila.

"Sabado kasi ngayon kaya mas maraming tao," paliwanag ni Jaime.

"Gusto mo bang sa condo kung saan ako nag iistay na lang tayo mag shower at magpalit ng damit? We can also order breakfast. May provided na listahan ng restaurants na puwede tawagan para sa food delivery doon," suhestiyon ni Gabby.

Naramdaman niyang na-tense si Jaime at manghang napatitig sa mukha niya. Naningkit ang mga mata niya at inunahan na ito sa pagsasalita. "No. Hindi ako basta nagpapapasok ng kung sino lang sa kung saan ako nag iistay. You are not just anyone to me. I trust you. Saka walang nakakaalam kung nasaan ako ngayon. Usually kapag nag a-out of town o out of the country ako palagi ako nag po-post sa social media kaya sigurado ako na may nakakaalam kung nasaan ako. Pero ngayon private time ko ito. Though I know I still needed at least one person to know where I am in case... alam mo na. May mangyaring hindi maganda sa akin."

Ilang segundong napatitig sa kaniya si Jaime bago ito mahinang nagsalita, "Wala ka talagang kaibigan maliban sa pinsan mo huh?"

Shame washed over her. "Meron 'no! D-dati." Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga. "Kukunin ko lang iyong iniwan kong bag sa locker. Walking distance lang ang condo unit na nirerentahan ko."

Tumango si Jaime bago sila naghiwalay para pumasok sa magkaibang locker room. Ilang minuto lang ang nakalilipas naglalakad na sila sa sidewalk papunta sa condominium building kung saan tumutuloy si Gabby. Kasisikat pa lang ng araw at masarap pa sa balat ang mabining init niyon. Walang masyadong dumadaan sa kalsada kung saan sila naglalakad at hindi pa rin bukas ang mga tindahan kaya tahimik pa. Ang sarap sa pakiramdam na naglalakad ng ganoon kasama ang binata.

Fifteen minutes lang nasa harap na sila ng unit na nirerentahan niya. "Here it is," sabi ni Gabby bago binuksan ang pinto at pinapasok si Jaime. Iginala nito ang tingin sa paligid at mukhang impressed sa hitsura ng unit.

"Not bad," komento nito.

"I know right?" nakangising sagot niya. One bedroom unit iyon na may maluwag na sala, at magandang kusina. Hinawakan niya ang braso ni Jaime at hinila papunta sa isang pinto. "Spacious din ang bathroom. May shower at bathtub. Mauna ka na gumamit kasi ikaw ang bisita. Oorder ako ng breakfast."

"Okay. Salamat."

Tiningala niya ang mukha ni Jaime at matamis itong nginitian. "No problem."

Hindi inaalis ang tingin sa kaniya na humakbang ito papasok sa banyo. Nakahawak na ito sa doorknob nang magsalita. "Nagpunta ka rito mag-isa pero gusto mo talagang may kasama ano? You are beaming right now."

Naraealize ni Gabby na tama ito. Ngiting ngiti siya at umaapaw sa saya at excitement ang puso niya sa isiping hindi siya nag-iisa ngayon. She missed hanging out with someone. "Basta maligo at magbihis ka na. Anong gusto mong breakfast? Heavy? American style? Pinoy style? Gusto mo mag marathon ng Netflix series habang kumakain?"

Natawa si Jaime, malutong at nag e-echo sa loob ng banyo. Tumalbog ang tunog ng tawa nito sa dibdib niya, tumagos sa puso niya. "Kahit anong gusto mo. Pero mag sha-shower muna ako. Sandali lang ako." Pagkatapos siya ngitian ay isinara na nito ang pinto ng banyo.

Saka lang kumilos palayo sa pinto si Gabby nang marinig niya ang tunog ng shower. Nagliliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya kahit nang tumatawag siya sa isang restaurant para sa almusal nila ng binata. Pagkatapos binuksan niya ang malaking flat screen TV at tiningnan kung anong magandang palabas ang puwede nilang panoorin.

Wala pa rin siyang napipili nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Gulat na lumingon siya. "Ang bilis mo naman mag showe –" Bumara sa lalamunan ni Gabby ang iba pang sasabihin at napatitig lang kay Jaime. Nakapagpalit na ito ng itim na shorts na hanggang tuhod at plain white t-shirt na humahakab sa maganda nitong pangangatawan. Basa pa ang buhok nito at kasalukuyang tinutuyo pa rin nito.

Seeing him getting out of the shower and smelling fresh made her stomach stir with need. She really is so attracted to him the way she never felt with anyone for so many years. Lalo niya iyon nakumpirma nang bigla ito mapatingin sa kaniya at nagtama ang kanilang mga mata. Kumalat ang nakakakiliting kuryente sa buong katawan niya. Sigurado rin siya nabasa ni Jaime sa mukha niya ang nararamdaman niya ngayon kasi may init na dumaan sa mga mata nito. Inalis nito sa ulo ang towel at isinampay sa balikat.

Nanuyo ang lalamunan ni Gabby nang magsimula humakbang palapit sa kaniya si Jaime. May electrifying tension sa pagitan nilang dalawa sa mga sandaling iyon. Kapag nagdikit sila sigurado siyang may mangyayari na higit sa orihinal nilang plano.

Ilang hakbang pa nasa harapan na niya ang binata. Isang pulgada na lang ang espasyong nakapagitan sa kanila. Mula nang lumapit ito hanggang ngayon, ni hindi naputol ang eye contact nila kahit isang segundo lang. At nang umangat ang kamay nito para magaan na hawiin ang buhok niyang tumabing sa kanyang pisngi, halos hindi na siya makahinga sa antisipasyon.

"Gabriela," bulong nito sa pangalan niya.

"Jaime," ganti niya sa kaparehong tono.

Napalunok siya nang bumaba ang mukha nito sa kaniya. Tumingala siya at hindi humihingang ipinikit ang mga mata.

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon