Part 16

4.6K 227 3
                                    


Halatang nagulat si Jaime at hindi nakapagsalita. Mapait na nginitian niya ito. "It's pathetic, I know. Pero iyon talaga ang dahilan ko. I've dated men in Paris and it made me realize I'm not for foreigners. Iba ang culture nila, iba ang way of thinking at iba mag handle ng relasyon. Alam ko hindi lahat katulad ng mga lalaking nakilala ko doon. Pero habang tumatagal, lalo lang ako nakakaramdam ng emptiness sa bawat relasyong pinapasok ko.

"Hanggang narealize ko na lang, lampas na ang edad ko sa kalendaryo at lahat ng mga kakilala ko nagsipag-asawa na. Sa tuwing titingnan ko ang feed ng mga social media account ko, hindi na katulad ng dati na party at travel ang ginagawa ng mga kakilala ko. Puro picture na ng pamilya nila, ng asawa nila at ng babies nila. At kahit palagi ko sinasabi sa sarili ko na happy ako sa buhay ko. Na masuwerte nga ako na napupuntahan ko ang mga gusto ko puntahan at nagagawa ko ang mga bagay na hindi nagagawa ng iba, hindi pa rin mawala iyong emptiness na palaki ng palaki sa puso ko. Kasi narealize ko na more than anything in the world, what I wanted the most is to have someone I can grow old with. I wanted to have my own family."

Huminto sa pagsasalita si Gabby para tingnan kung ano ang reaksiyon ni Jaime sa mga inamin niya. Natakot siya na baka na-turn off na ito sa kaniya. Pero may bumara sa lalamunan niya nang makitang lumambot ang facial expression ni Jaime at kumislap ang pagunawa sa maganda nitong mga mata. Uminit ang gilid ng mga mata niya nang marealize na naiintindihan siya nito. Alam nito ang malalim na kalungkutan at longing na nararamdaman niya sa nakaraang mga taon. Nakikisimpatya ito sa mga emosyong pilit niya itinatago sa pamamagitan ng perfect instagram photos at happy travel vlogs.

"At habang nalulungkot ka, si Gray ang naaalala mo? Hindi dahil mahal mo siya kung hindi dahil sa lahat ng taong nakilala mo siya lang ang sa tingin mo perfect fit para sa taong gusto mo makasama habambuhay?" mahina at malumanay na tanong ni Jaime.

May bumikig sa lalamunan ni Gabby kaya kinailangan niya huminga ng malalim bago marahang tumango at nagbaba ng tingin. She felt so ashamed to admit it but she did. "Ang kapal ng mukha ko 'no? Ako ang nangiwan sa kaniya ten years ago tapos ang lakas pa ng loob ko i-assume na all these years hinihintay niya ako bumalik. Sinaktan ko siya noon, tinakasan ang kasal namin at wala ako sa tabi niya sa panahong kailangan niya ng taong makakapitan. All because I was too full of myself back then. Tama yata talaga ang sinabi ng mga dating kaibigan ko. Kinakarma ako dahil naging selfish ako noon at inisip lang ang sarili ko. Na pinakawalan ko ang isang good catch na katulad ni Gray kasi hindi ako nakuntento at masyado akong bilib sa sarili ko na makakahanap pa ako ng higit pa sa kaniya."

Nang sandaling manginig ang boses ni Gabby nasiguro niyang kailangan na niya tumigil sa pagsasalita. Kasi malapit na siya mag breakdown at masyado pa maaga para makita ni Jaime kung gaano siya kapangit at ka messed up sa loob. Kaya mariin niyang kinagat ang ibabang labi, huminga ng malalim at akmang ngingiti na para ibahin ang usapan nang biglang umangat ang kamay ng binata at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi.

Parang nilamutak ang puso niya nang makita ang masuyong ngiti sa mga labi nito bago nagsalita, "Bata ka pa noon. Natural na magdadalawang isip ka kung ready ka na ba maging asawa. Natural na marami kang gusto gawin sa buhay mob ago ka mag settle down. Hindi rin ikaw ang nag-iisang tao sa edad na iyon ang marami pang gusto gawin at puntahan. Hindi ko sinasabing tama na nag back out ka sa kasal ninyo one day before, kasi totoo na shitty move iyon, Gabriela. Totoo na dapat maaga pa lang sinabi mo na sa kaniyang ayaw mo pala magpakasal. Pero nakaraan na iyon at hindi mo na maibabalik pa. Kung si Gray nga naka move on na, dapat ikaw rin."

Natahimik siya at napatitig sa mukha ng binata. Oo nga pala. More than one year ago nang magkita sila ni Jaime sa Slade House pagkatapos niya subukan makipagbalikan kay Gray ay nasabi niya rito ang tungkol sa kanila ng ex niya. Naging madaldal siya noon kasi akala niya forever na magiging total stranger para sa kaniya si Jaime at hindi na uli sila magkikita. Idagdag pa ang marami-raming alak na nakonsumo niya nang gabing magkasama sila. So she ended up pouring her heart to Jaime more than one year ago.

Nasabi ni Gabby sa binata ang buong love story nila ni Gray. Kung paanong naging close siya rito dahil sa pinsan niyang si Dominic. Kung paanong ito ang first love niya at sa tuwing kasama niya ito sa campus pakiramdam niya siya na ang pinakamagandang babae sa buong university nila. Sinabi din niya kay Jaime na nang nag propose si Gray sa kaniya ay totoo na naging happy siya. Sobrang saya niya na wala siyang pakielam kahit hindi gusto ng parents niya ang lalaki kasi hindi raw nila ka-level ang social status nito.

Inamin din ni Gabby kay Jaime ang mga bagay na hindi niya nasabi kahit kanino. Kung paanong habang papalapit ang kasal nila, unti-unti na siya naapektuhan ng opinyon ng parents niya. That she got pressured and cornered by their disapproval. Sinabi niya rito kung paano unti-unting kinain ng distrust at doubts ang puso niya. Sinabi niya rin kung paanong hindi na siya nakakatulog sa gabi sa kakaisip sa magiging future niya. Na ilang araw bago ang kasal, para siyang sinasakal sa takot na baka malaking pagkakamali kung mag-aasawa na siya sa edad na twenty three. Na baka marami siyang ma-miss out sa buhay. Higit sa lahat nagkaroon siya ng matinding takot na baka hindi mag work out ang marriage nila ni Gray.

Sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip niya nang panahong iyon, hindi na siya naging lohikal. Dapat honeymoon nila ni Gray sa Paris two days pagkatapos ng wedding nila at siya ang may hawak ng visa at plane tickets nila. The day of the wedding, she flew alone. Dala niya ang visa at ticket ni Gray para hindi siya nito masundan.

Alam ni Gabby na isang malaking kasalanan ang ginawa niya. Alam niya na deserve niya ang karma at ang pagkawala ng mga kaibigan niya. Na hindi siya karapat-dapat sa simpatya at pag-unawa na nakikita niya sa mukha ni Jaime ngayon.

Marahan siyang umiling. "Magkaiba kami ni Gray," mahinang sagot niya sa sinabi ni Jaime. "He deserves to move on. Siya ang biktima at hindi ako. Deserve niya maging masaya sa piling ni Arci. Pero ako... I deserve to be punished for what I did to him."

"Huwag ka nga magsalita ng ganiyan," kunot noong sabi ni Jaime, may annoyance na sa tono.

Umiling si Gabby. "Nagsasabi lang ako ng totoo. I know I deserve –" Napasinghap siya nang biglang hawakan ni Jaime ang magkabilang side ng mukha niya. Sumikdo ang puso niya nang sandaling magtama ang kanilang mga paningin bago ito yumuko at mariing hinalikan ang kanyang mga labi.

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon