"JAIME please let me explain," desperadong usal ni Gabby habang halos tumakbo na para lang makaagapay sa mabilis na paglalakad ng binata. Damang dama niya ang tinitimpi nitong emosyon kahit likod lang nito ang nakikita niya. Kung hindi nga lang siya natataranta at natatakot, bibilib siya sa self-control na pinakita nito kanina sa loob ng restaurant.
Hindi gumawa ng eksena si Jaime kaya pinigilan din niya ang sariling magsalita pagkatapos silang iwan nina Clarice at Masey. Kalmado nilang na-settle ang bill nila. Hinawakan pa siya nito sa siko nang alalayan makatayo at hanggang makalabas sila ng restaurant. Kahit na alam niyang galit ito, naramdaman niya ang consideration nito para sa kaniya. Lalo at alam niyang pareho silang aware na nakamasid pa rin sina Clarice at Masey. Worst, baka nga kinukunan pa sila ng picture o video ng dalawa.
Pero nang medyo makalayo na sila sa harapan ng restaurant ay parang napaso na binitawan ni Jaime ang siko niya. Mabilis din itong dumistansiya sa kaniya. Kaya ngayon hinahabol niya ito.
"Jaime!" tawag uli ni Gabby sa atensiyon ng binata nang makita niyang papunta ito sa dulo ng parking lot kung nasaan ang kotse nito. Nataranta siya kasi balak yata talaga nitong umuwi na nang hindi sila nakakapag-usap ng maayos. "Jaime –"
Muntik na siya mabangga sa likod nito nang biglang huminto ang binata. Pumihit ito paharap sa kaniya. Nahigit ni Gabby ang hininga at parang may lumamutak sa puso niya nang makita ang facial expression nito. Mas makakaya pa sana niya kung galit ito. Pero ang hinanakit at pait na nakikita niya ngayon sa mukha nito... hindi yata niya kakayanin.
"Okay. Bibigyan kita ng time para magpaliwanag. Pero maging honest ka sa akin. Totoo ba na... engaged ka?" mahinang tanong ni Jaime.
Kinagat ni Gabby ang ibabang labi. She wringed her hand together nervously. "I am against it. Si mama at ang kabilang side lang ang may gusto na may mangyaring... k-kasal. We don't even like each other. Pero gusto ni Dean i-push through ang arranged marriage para sa negosyo niya. Tapos iyong photoshoot na akala ko para sa amin lang ni mama, kasama pala si Dean at ang parents niya. The next thing I knew, kumalat na sa social circle namin ang tungkol sa –" Tumingala siya para tingnan ang mukha ni Jaime. Napahinto siya sa pagsasalita kasi para siyang mapapaso ng matiim na titig nito.
"Pero totoo pa rin na engaged ka. Totoo na may mangyayaring kasal. Kasi sa dami ng sinabi mo, hindi ko narinig mula sa 'yo na mag e-effort ka para hindi matuloy ang engagement ninyo."
Napaatras si Gabby at namasa ang mga mata. "Ayokong matuloy ang kasal, Jaime. P-pero hindi ko kayang tanggihan ang gusto ni mama. I have my reasons." Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Nanginig kasi ang boses niya at kahit sa sarili niyang pandinig walang kuwenta ang paliwanag niya.
May sumilay na mapait at malungkot na ngiti sa mga labi ni Jaime at humakbang ito paatras. "Kung ganoon totoo nga yata ang sinabi ng mga babae kanina. You are just spending time with me to have fun before you get married. Sa ating dalawa ako lang pala ang seryoso." He laughed. It was sarcastic and self-depreciating and it broke her heart to see him act this way.
"Jaime," bulong niya, may himig ng pakiusap.
Umiling-iling si Jaime, huminga ng malalim at sinalubong ng tingin ang kanyang mga mata. "Alam mo na hindi na fun lang ang hinahanap ko, Gabriela. Panghabambuhay na ang hanap ko. Mas lalong hindi ko kailangan ng fling sa isang taong ikakasal na. Normal na tao lang ako pero may pride at self-respect naman ako. Huwag mo naman hayaan maapakan iyon ng mga taong hindi ko kilala."
Nadudurog ang puso ni Gabby at matinding effort ang kinailangan niya para pigilan ang sariling umiyak sa harapan ni Jaime. Hindi ito galit pero kitang kita niya ang disappointment at sakit sa facial expression nito. Hindi niya alam kung ano pa ang dapat niya sabihin. Mariin na lang uli niya kinagat ang ibabang labi. Sa sobrang diin unti-unti na niya nalalasahan ang dugo.
BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...