Part 30

5.1K 213 6
                                    


"MABUTI na lang Autumn ang concert ng Ikon, ano? We got to see this amazing scenery because of them," halos pabulong na sabi ni Gabby habang iginagala ang tingin sa paligid.

"Tama ka. Ang ganda rito," sangayon ni Jaime.

Nasa Yoyogi Park na sila, nakatayo sa parte kung saan kita ang kabuuan ng malawak na man-made lake at ang napakaraming nagtataasang mga puno na magkahalong kulay pula, brown at orange na ang mga dahon. The color of autumn. Ang scenery na iyon, ang malamig at mabangong simoy ng hangin ay sinamahan pa ng payapang katahimikan kasi walang masyadong tao sa parteng iyon ng park sa mga oras na iyon.

"Gusto mo bang mag photoshoot na o upo muna tayo?" tanong ni Jaime sa pabirong tinig.

Inalis ni Gabby ang tingin sa lake at tiningala ang binata. Nahigit niya ang hininga nang magtama ang kanilang mga mata at ngitian siya nito. "Upo muna tayo," sagot niya. Higit sa pagkuha ng instagram-worthy photos, mas matindi ang urge niyang makatabi lang ito at makausap.

Sandali silang naglakad sa pathway na kulay autumn din dahil sa mga nalaglag na mga dahon hanggang makakita sila ng bakanteng wooden bench na paharap sa lake. Sabay pa silang napabuntong hininga nang umupo at ginawang komportable ang mga sarili.

"Kung puwede lang ako mag stay dito sa Japan ng mahabang panahon, gagawin ko," sabi ni Gabby.

"Ayaw mo ba sa Pilipinas?" maingat na tanong ni Jaime. Napatingala siya rito. "Palagi ka umaalis 'di ba? Kung pagbabasehan ko ang youtube channel mo mukhang mas madalas ka pang nasa ibang bansa sa loob ng isang taon."

Mataman siyang pinagmamasdan ng binata, parang binabasa pati bahagi ng pagkatao niyang hindi niya sinasabi sa iba. Narealize ni Gabby na kung may taong hahayaan niyang makilala talaga siya ng husto, si Jaime iyon. Kaya naging honest siya rito.

"Hindi sa ayaw ko sa Pilipinas. Ayaw ko sa bahay namin."

Kumurap ang binata. "Tungkol ba ito sa parents mo?"

Oo nga pala. Nasabi na nga pala niya ang pinaka-summary ng family situation niya kay Jaime, noong kilala lang niya ito bilang si twitter user junhoehoho. Tumango si Gabby. "Sinabi ko na sa 'yo na palagi sila nag-aaway 'di ba? ind Masakit at nakaka frustrate na makitang miserable si mama sa piling ni papa. Obvious din na hindi na nila mahal ang isa't isa. In fact sa nakaraang mga linggo, hindi na naman umuuwi sa bahay ang tatay ko. Ibig sabihin may kinababaliwan na naman siyang babae. At kapag nagsawa na siya babalik uli siya sa piling ng nanay ko na parang walang nangyari. Sa master's bedroom pa rin sila natutulog pareho, sa iisang kama. It makes me sick."

Hindi nagsalita si Jaime, inabot lang ang mga kamay niya at pinisil ang mga iyon. Kinagat niya ang ibabang labi at sinabi rito ang isa pang sikreto na hindi niya masabi kahit kanino. Yumuko siya at tinitigan ang mga kamay nila bago pabulong na nagpatuloy sa pagsasalita, "Ang relasyon ng parents ko ang pinakadahilan kaya tinakasan ko ang kasal namin ni Gray noon. Natakot ako na baka masaya lang kami sa umpisa kasi hindi pa kami kasal. Na baka may mabago kapag mag-asawa na kami at nakatira na sa iisang bahay. Alam ko unfair na pagdudahan ko ang pagkatao at sincerity ni Gray, pero sa puso ko natakot ako na baka maging katulad siya ni papa. Higit sa lahat natakot akong maging katulad ni mama na titiisin ang lahat dahil takot masira ang imahe sa harap ng mga taong hindi naman talaga importante. Basta ang daming tumakbo sa isip ko, pangit na mga scenario na hindi nagpapatulog sa akin sa gabi.

"Alam ko na ngayon na mabuting tao talaga si Gray at magiging mabuti rin siyang asawa kay Arci. Alam ko rin na hindi lahat ng lalaki katulad ng tatay ko.Pero minsan feeling ko hangga't hindi nakakawala si mama sa marriage nila, hindi rin mawawala sa puso ko ang takot na magkakaroon din ako ng failed marriage."

Pinisil uli ni Jaime ang mga kamay niya. "Hindi iyon mangyayari sa 'yo," determinadong sabi nito. Napatingala siya rito. Binitawan nito ang isang kamay niya para hawiin ang hibla ng buhok niyang tumabing sa pisngi niya. Masuyo nitong inipit iyon sa tainga niya bago tipid na ngumiti.

"Hindi ka dadalhin ng puso mo sa relasyong hindi ka magiging masaya, Gabriela. Katunayan sigurado akong irereject na agad ng instinct mo umpisa pa lang ang mga taong posibleng makasakit sa 'yo. Hindi rin katulad ng mama mo, sigurado akong hindi mo itotolerate ang kahit na anong makakasama sa 'yo para lang mapanatiling maganda ang image mo. Baka nga putulin mo agad ang koneksyon mo sa isang tao kung toxic siya para sa 'yo."

Napakurap si Gabby at biglang naalala ang ilang ex-boyfriend niya na hiniwalayan niya agad at pati na rin lahat ng ex-friends niyang binackstab siya last year. Higit sa lahat, ang matinding rejection ng buong pagkatao niya sa posiblidad na ikasal kay Dean McKinley kasi alam niyang magiging miserable siya sa piling nito. "Tama ka," manghang usal niya.

Pinisil ni Jaime ang pisngi niya. "You are a good judge of character, Gabriela. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Kung sino man ang lalaking mapipili mong makasama habambuhay sigurado akong mamahalin at irerespeto ka ng husto. Hindi siya gagawa ng kahit na anong makakasakit sa 'yo. You will marry someone who is a perfect fit for you because you deserve nothing less than that."

Namasa ang mga mata ni Gabby. Sobrang na-touch siya sa sinabi ni Jaime. At habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito na mukha lang cold at palaging galit pero ang totoo ay mabait talaga, narealize niyang ito ang lalaking dinedescribe nito sa kaniya. Lumobo ang puso niya, gustong kumawala sa kanyang ribcage. She realized she really fell in love with Jaime Diamante.

At sa sandaling iyon nito napiling magbiro. "Hindi ko sinasabing magiging perpekto ang married life mo kasi imposible 'yon. Kahit parents ko nag-aaway at madalas naghahabulan pa ng walis tambo lalo na kapag napatagal sa inuman sa kapitbahay ang tatay ko."

Natawa si Gabby at hindi nakapagpigil na hawakan ang magkabilang side ng mukha ni Jaime. Halatang nagulat ito pero wala siyang pakielam. Tinitigan niya ito habang masuyong nakangiti. Unti-unti nawala ang pagkabigla ng binata at nag-iba na rin ang facial expression. Umangat ang mga kamay nito at hinawakan ang magkabilang wrists niya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" mahinang tanong nito.

May init na humaplos sa puso ni Gabby. I love you. Pero hindi niya iyon sinabi. Alam kasi niyang hindi iyon ang tamang oras para doon. Sa halip matamis niya itong nginitian, pinisil ang magkabilang pisngi nito at tumayo na. "Mag picture na tayo. Doon tayo sa gitna ng hilera ng ginko trees para kitang kita ang autumn leaves." Nang hindi ito tuminag at nanatili lang nakatitig sa kaniya ay hinawakan na niya ang braso nito at hinila patayo.

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon